Lipunan
Marami pong problema ang artikulong ito. Tulungang mapabuti po ito o di kaya'y talakayin ang mga problemang nakasaad sa pahina ng usapan nito.
|
Ang Lipunan ay isang pangkat ng mga tao na binibigyan ng katangian o paglalarawan sa mga huwaran ng mga pagkakaugnay ng bawat isa na binabahagi ang naiibang kultura at/o mga pamahalaan. Ang Lipunan din ay isang pangkat ng mga taong nagtataguan at nagkakaisa. Mas malawak, isang ekonomika, panlipunan at imprastrakturang industriyal ang lipunan, na binubuo ng isang magkakaibang maraming tao. Maaaring magkakaiba ang mga kasapi ng isang lipunan mula sa iba't ibang mga pangkat etniko. Maaaring isang partikular na pangkat etniko ang isang lipunan, katulad ng mga Saxon, isang estadong bansa, katulad ng Bhutan, o sa mas pinalawak pang grupo, katulad ng Kanlurang lipunan.
Maaaring tumukoy din ang salitang lipunan sa mga organisadong boluntaryong asosayon ng mga tao para sa mga layuning relihiyoso, kultural, mala-agham, pang-politika, patriyotiko, o ibang pang dahilan. Sosyolohiya ang siyentipikong, o akademikong, pag-aaral ng lipunan at kaugalian ng mga tao. Maari rin itong tumukoy sa yunit ng isang lipunan.
Kahalagahan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang kahalagahan ng lipunan ay higit pa sa kahalagahan ng yaman o anumang salapi ito ay isang grupo ng tao kung saan nagtutulong tulong ang mga tao. Dito rin nila nakikita ang kanilang mga pangangailangan sa buhay.
Uri ng lipunan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ayon kay Fr. De Torre, mauuri ang lipunan sa dalawa - natural at artipisyal. Sinasabing natural ang isang lipunan kung ito ay naitatag nang kusa dala ng likas na pangangailangan ng tao, gaya ng pamilya at lipunan sibil. Samantala, Maituturing itong artipisyal na lipunan kung ang dahilan ng pagkakatatag nito ay sinadya para sa kapakanan ng isang tiyak na pangkat. Ang halimbawa ng artipisyal ay gaya ng paaralan, samahang panghanapbuhay, mga NGO's, at iba pa.
Katayuang panlipunan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa sosyolohiya o antropolohiya, ang katayuang panlipunan o kalagayang panlipunan (Ingles: social status) ay ang karangalan o ranggo (kahanayan) ng posisyon o puwesto ng isang tao sa loob ng isang lipunan. Ang mga tao ay nagkakamit ng katayuan sa lipunan sa papamagitan ng sarili nilang gawa o pagsusumikap, at tinatawag na katayuang nakamtan o kalagayang nakamit. O kaya, ang mga tao ay nagkakaroon ng lugar o estado sa isang sistemang panlipunan sa pamamagitan ng pagkakapanganak sa loob ng katayuang ito, at tinatawag ang namanang posisyong ito bilang naitalagang kalagayan o nakatalagang katayuan.
Kontratang panlipunan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang panlipunang kontrata ay isang kasangkapang intelektwal na naglalayong ipaliwanag ang karapatdapat na ugnayan ng mga indibidwal at mga pamahalaan. Ang panlipunang kontrata ay nagsasaad na ang mga indibidwal ay nagkakaisa sa isang lipunang pampolitika sa pamamagitan ng proseso ng mutwal na pag-ayon, pagpayag na sumunod sa isang hanay ng patakaran at pagtanggap ng kaakibat na mga katungkulan upang maprotektahan ang mga sarili at ang bawat isa mula sa mga karahasan at ibang uri ng mga panganib.
Sekularisasyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang sekularisasyon ay pagbabago ng isang lipunan mula sa mga pinapahalagahang pang-relihiyon patungo sa mga pinapahalagahang hindi pang-relihiyon at mga sekular na institusyon.