Pumunta sa nilalaman

Kalakalan ng pampalasa

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Hinarangan ang Daan ng Sutla (pula) at ruta ng kalakalan ng espesya (bughaw) ng Imperyong Seljuk s. 1090, na nagpasimuno ng Mga Krusada, at ng Imperyong Otomano s. 1453, na nagpasimula sa Panahon ng Pagtuklas at Kolonyalismong Europeo.

Kinasangkutan ang kalakalan ng espesya ng mga makasaysayang sibilisasyon sa Asya, Hilagang-Silangang Aprika at Europa. Kilala at ginamit sa sinaunang panahon ang mga espesya kagaya ng kanela, kasia, kardamomo, luya, paminta, moskada, sangke, klabo, at luyang-dilaw, at ikinalakal ang mga ito sa Mundong Silanganin.[1] Nakarating ang mga espesyang ito sa Malapit na Silangan bago simula ng panahong Kristiyano, na may mga kamangha-manghang kuwento na nagtatago ng kanilang mga tunay na pinagmulan.[1]

Dominado sa aspetong pandagat ng kalakalan ang mga Austronesyo sa Timog-silangang Asya, lalo na ang mga Indones na mandaragat na nagtatag ng mga ruta mula Timog-silangang Asya pa-Sri Lanka at India (at kalaunan pa-Tsina) sa pagsapit ng 1500 BC.[2] Ibiniyahe ang mga kalakal sa lupa patungo sa Mediteraneo at mundong Greko-Romano sa pamamagitan ng ruta ng insenso at rutang Romano–Indiyano ng mga Indiyano at Persiyanong mangangalakal.[3] Nadagdagan ang maritimong daanang pangkalakalan ng mga Austronesyo sa Gitnang Silangang at silangang Aprika sa pagsapit ng ika-1 milenyo AD, na nagbunga sa Austronesyong kolonisasyon ng Madagascar.

Sa loob ng mga partikular na rehiyon, pinayunir ng Kaharian ng Aksum (ika-5 siglo BC–AD ika-11 siglo) ang ruta ng Dagat Pula bago ang ika-1 siglo AD. Noong unang milenyo AD, naging maritimong kapangyarihan sa pangangalakal sa Dagat Pula ang mga Etiope. Sa panahong ito, mayroon nang mga ruta ng kalakalan mula Sri Lanka (ang Romanong Taprobane) at India, na nakakuha ng teknolohiyang maritimo mula sa pakikipag-ugnayan sa mga Austronesyo. Pagsapit ng ika-7 siglo AD, pagkatapos ang pagbangon ng Islam, nagsimulang maglayag ang mga Arabeng mangangalakal sa mga rutang ito at nangibabaw sa mga maritimong ruta sa kanlurang Karagatang Indiyo.[kailangan ng sanggunian]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 "Spice Trade" [Kalakal ng Espesya] (sa wikang Ingles). Encyclopædia Britannica. 2016. Nakuha noong Abril 25, 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Dick-Read, Robert (Hulyo 2006). "Indonesia and Africa: questioning the origins of some of Africa's most famous icons" [Indonesia at Aprika: pagkukuwestiyon ng pinagmulan ng ilan sa mga pinakasikat na ikono ng Aprika]. The Journal for Transdisciplinary Research in Southern Africa (sa wikang Ingles). 2 (1): 23–45. doi:10.4102/td.v2i1.307.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Fage 1975: 164