Silangang Kaindiyahan

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Isang mapa ng Silangang Kaindiyahan noong 1606
Isang mapa ng Silangang Kaindiyahan noong 1801

Ang Silangang Kaindiyahan (o kaya'y Kaindiyahan), ay termino na ginamit sa mga makasaysayang salaysay ng Panahon ng Pagtuklas. Tumutukoy ang Kaindiyahan sa mga iba't ibang lupain sa Silangan o Silangang Emisperyo, lalo na mga pulo at kalupaan na matatagpuan sa loob at sa palibot ng Karagatang Indiyo ng mga Portuges na eksplorador, di-nagtagal pagkatapos madiskubre ang rutang Kabo. Sa ngayon, ginagamit itong termino sa pagtutukoy ng Kapuluang Malay, na binubuo ng Kapuluan ng Indonesia, Borneo ng Malaysia, the Kapuluan ng Pilipinas, at Bagong Ginea. Sa kasaysayan, ginamit itong termino sa Panahon ng Pagtuklas upang tumukoy sa mga baybayin ng mga lupaing nagbubuo sa subkontinenteng Indiyo at Tangway ng Indotsina pati na rin ang Kapuluang Malay.[1][2][3]

Tingnan din[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang wikitext]

  1. "A map of the East-Indies and the adjacent countries, with the settlements, factories and territories, explaning [sic] what belongs to England, Spain, France, Holland, Denmark, Portugal & c with many remarks not extant in any other map" (sa Ingles). 1720.
  2. "East Indies | islands, Southeast Asia | Britannica" [Silangang Kaindiyahan | mga pulo, Timog-silangang Asya | Britannica] (sa Ingles).
  3. "East Indies | Encyclopedia.com" [Silangang Kaindiyahan | Encyclopedia.com]. www.encyclopedia.com (sa Ingles).