Platon

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Platon
Plato: kopya ng bustong nililok ni Silanion
Ipinanganakc. 428–427 BC[1]
Athens
Namatayc. 348–347 BC (may edad na c. 80)
Athens
NasyonalidadGriyego
PanahonSinaunang pilosopiya
RehiyonPilosopiya ng Kanluran
Eskwela ng pilosopiyaPlatonismo
Mga pangunahing interesRetorika, sining, panitikan, epistemolohiya, katarungan, pagpapahalaga, politika, edukasyon, pamilya, militarismo
Mga kilalang ideyaTeoriya ng mga Porma, ideyalismong Platoniko, realismong Platoniko, hiperuranion, metaxy, khôra

Si Platon (play /ˈplt/; Griyego: Πλάτων, Plátōn, "malawak", "malapad", "maluwang", "pangkalahatan";[2] 424/423 BCE[a] – 348/347 BCE) ay isang klasikong Griyegong pilosopo, matematiko, mag-aaral ni Sokrates, manunulat ng mga pilosopikal na dialogo, at tagapagtatag ng Akademyang Platoniko sa Atenas na unang institusyon ng mas mataas na pagkatuto sa Kanluraning daigdig. Kasama ng kanyang tagapagturong si Sokrates, at kanyang mag-aaral si Aristoteles, si Platon ay tumulong sa paglalagay ng mga sandigan at haligi ng pilosopiyang Kanluranin at agham.[3] Ang tinaguriang Neoplatonismo o Bagong Platonismo ng mga pilosopo katulad tulad nila ni Plotinus at Porphyry ay nakaimpluwensya kay Agustin ng Hipona at sa gayon, sa Kristiyanismo. Nabanggit ni Alfred North Whitehead: "ang pinakaligtas na pangkalahatang pagkakilala sa pilosopikal na tradisyon ng Europa ay na ito ay binubuo ng iisang serye ng mga talababa kay Platon."[4] Ang sopistikasyon ni Platon bilang isang manunulat ay hayag sa kanyang mga dialogong Sokratiko: 36 mga dialogo at 13 na mga liham na kinikinalang kanya. [5] Ang mga dialogo ni Platon ay ginamit upang ituro ang isang saklaw ng mga paksa kabilang ang pilosopiya, lohika, retorika, at matematika. Si Platon ang isa sa pinakamahalagang tagapagtatag na pigura ng pilosopiyang Kanluranin.

Kasama ang kanyang guro, Sokrates, at ang kanyang bantog na mag-aaral, Aristoteless, itinatag ni Plato ang pundasyon ng Kanluraning Pilosopiya at ng agham. Maliban sa pagiging pundasyonal na pigura sa Kanluraning agham, pilosopiya, at matematika, si Platon ay malimit na binabanggit bilang isa sa tagapagtatag ng Kanluraning pananampalataya at pananalig.

Si Platon ang nagsimula ng pagsusulat sa diyalogo at diyalektikong porma sa pilosopiya. Lubalabas na si Plato ang tagapagtatag ng Kanluraning pilosopiyang politikal, sa kanyang Republika, at Mga Batas na ilan lamang sa mga diyalogo na kanyang naisulat, na nagbibigay sa ilan sa mga pinakauna at pinakamaagang pagtalakay ng mga katanungang politikal mula sa isang pilosopikal na pananaw. Ang mga pinakatiyak na nakapagimpluwensiya kay Platon ay sina Sokrates, Parmenides, Heraklitus and Pythagoras, subalit kaunti lamang ng mga naisulat ng mga pilosopo na nauna sa kanya ang natitira, at marami sa mga nalalaman natin ngayon tungol sa mga pilosopong ito ay nagmula mismo kay Platon.

Ang kanyang mga pinaka-mahalagang impluwensyang pilososopikal ay sina Sokrates, Pythagoras, Heraklitus at Parmenides, kahit na kaunti lamang sa mga gawang naisulat ng mga naunang pilosopo sa kanya ang nananatili ngayon, at marami sa nalalaman natin tungkol sa kanila ay nagmula sa mga naisulat ni Platon mismo."[6] Hindi katulad ng mga naisulat ng halos lahat ng kanyang mga kapanahon na mga pilosopo, ang lahat ng mga naisulat ni Plato ay pinaniniwalaang nakaligtas nang buo sa loob ng mahigit sa 2,400 na taon.[7] Bagamat ang kanilang pagiging popular ay nagpabagu-bago sa paglipas ng mga taon, ang mga naisulat ni Platon ay hindi kailanman nawalan ng mga mambabasa simula sa panahon ng kanilang pagkasulat.[8]

Talambuhay[baguhin | baguhin ang wikitext]

Kabataan[baguhin | baguhin ang wikitext]

Kapanganakan at Pamilya[baguhin | baguhin ang wikitext]

Si Diogenes Laertius ay isang pangunahing mapagkukunan para sa kasaysayan ng sinaunang Griyegong pilosopiya.

Dahil sa kakulangan ng mga nakaligtas na salaysay, kaunti lamang ang nalalaman tungkol sa kabataan at edukasyon ni Platon. Si Platon ay nagmula sa isang aristokratiko at maimpluwensyang pamilya. Ayon sa isang pinagtatalunang tradisyon, iniulat ng mananalaysay na si Diogenes Laërtius ang ama ni Platon na si Ariston ay tinalunton ang kanyang lipi mula sa hari ng Atenas, si Kodrus, at ang hari ng Messenia, si Melanthus.[9]

Sa pamamagitan ng kanyang ina, si Platon ay isang kamag-anak ni Solon.

Ang ina ni Platon ay si Periktione, na ang pamilya ay ipinagmamalaki ang relasyon sa bantog na mambabatas na taga-Atenas at lirikong makata na si Solon, isa sa mga Pitong Pantas ng Gresya, na pinawalang-bisa ang mga batas ni Drako (maliban sa parusang kamatayan para sa pagpatay).[10] Si Perictione ay kapatid ni Charmides at pamangkin ni Kritias, kapwa kilala bilang kabilang ng Tatlumpung Maniniil, na kilala bilang Ang Tatlumpu, isang maikling rehimeng oligarkiya (404–403 BC), na sumunod sa pagbagsak ng Atenas sa pagtatapos ng Digmaang Peloponnesian noong (431 –404 BC).[11] Ayon sa ilang mga talaan, sinubukan ni Ariston na pilitin ang kanyang sarili kay Perictione, ngunit nabigo sa kanyang layunin; sapagkat lumitaw ang diyos na si Apollo sa kanya sa isang pangitain, at bilang isang resulta, iniwan ni Ariston si Perictione na hindi nagambala.[12]

Hindi alam ang eksaktong oras at lugar ng kapanganakan ni Platon. Batay sa mga sinaunang mapagkukunan, ang karamihan sa mga modernong iskolar ay naniniwala na siya ay ipinanganak sa Atenas o Aegina [a] sa gitna ng 429 and 423 BC, hindi matagal pagkatapos ng simula ng Digmaang Peloponnesian.[b] Ang tradisyonal na araw ng kapanganakan ni Platon, sa panahon ng ika-87 o ika-88 na Olympiad, 428 or 427 BC, ay base sa hindi mapagkakatiwalaan na interpretasyon ni Diogenes Laërtius, na nagsabi, "Nang namatay si Sokrates, si Platon ay sumali kay Kratylus na maka-Heraklito at kay Hermogenes, na nagpilosopo sa parehong paraan ni Parmenides.Pagkatapos, sa edad na dalawamput-walo, ayon kay Hermodorus, ai Platon ay pumunta kay Euclid sa Megara." Gayunpaman, sa pagtatalo ni Debra Nails, ang teksto ay hinsi nagsasabi na pumunta kaagad si Platon patungo sa Megara pagkatapos sa pagsali kay Kratylus at Hermogenes.[22] Sa kanyang Ikapitong Liham,nabanggit ni Platon na ang kanyang pagbibinata ay nagkataon sa pagkuha ng kapangyarihan sa lungsod ng Atenas ng Ang Tatlumpu, at sinabing, "Ngunit ang isang kabataan sa ilalim ng dalawampung taong gulang ay gumawa ng kanyang sarili bilang isang katawa-tawa kung sinubukan niyang pasukin ang arena sa politika." Sa gayon, inilalagay ni Nails ang petsa ng kapanganakan ni Platon sa 424/423.[23]

Ayon kay Neanthes ng Cyzicus,si Platon ay anim na taon na mas bata sa retoriko na si Isokrates, at samakatuwiday naipanganak sa parehong taon na na ang tanyag na taga-Atenas na estadista na si Perikles ay namatay (429 BC).[24] Jonathan Barnes ay itinuturing ang 428 BC bilang taon ng kapanganakan ni Platon.[20][21] Ang tagabalarila na si Apollodorus ng Atenas sa kanyang Mga Salaysay ay nagsasabi na si Platon ay naipanganak sa ika-88 na Olympiad.[17] Pareho ang Suda at si Ginoong Thomas Browne ay nagpahayag na naipanganak siya sa ika-88 na Olympiad.[16][25] Ang isa pang alamat na may kaugnayan na, noong si Platon ay isang sanggol, may mga bubuyog na pumatong sa kanyang mga labi habang siya ay natulog: isang propesiya ng tamis ng panitikang estilo sa kanyang pakikipag-usap tungkol sa pilosopiya.[26]

Si Speusippus ang pamangkin ni Platon.

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang wikitext]

  1. St-Andrews.ac.uk, St. Andrews University
  2. Diogenes Laertius 3.4; p. 21, David Sedley, Plato's Cratylus, Cambridge University Press 2003; Seneca, Epistulae, VI, 58, 30: illi nomen latitudo pectoris fecerat.
  3. "Plato". Encyclopaedia Britannica. 2002.
  4. A. N. Whitehead:

    The safest general characterization of the European philosophical tradition is that it consists of a series of footnotes to Plato. I do not mean the systematic scheme of thought which scholars have doubtfully extracted from his writings. I allude to the wealth of general ideas scattered through them. Process and Reality p. 39

  5. Irwin, T. H., "The Platonic Corpus" in Fine, G. (ed.), The Oxford Handbook of Plato (Oxford University Press, 2011), pp. 63–64 and 68–70.
  6. Brickhouse & Smith.
  7. Cooper, John M.; Hutchinson, D.S., eds. (1997): "Introduction".
  8. Cooper 1997, p. vii.
  9. Diogenes Laërtius, Life of Plato, III
    Nails 2002, p. 53
    Wilamowitz-Moellendorff 2005, p. 46
  10. Diogenes Laërtius, Life of Plato, I
  11. Guthrie 1986, p. 10
    Taylor 2001, p. xiv
    Wilamowitz-Moellendorff 2005, p. 47
  12. Apuleius, De Dogmate Platonis, 1
    • Diogenes Laërtius, Life of Plato, I
    "Plato". Suda.
  13. Diogenes Laërtius, Life of Plato, III
  14. 14.0 14.1 Nails 2002, p. 54.
  15. Thucydides, 5.18
    • Thucydides, 8.92
  16. 16.0 16.1 "Plato". Suda.
  17. 17.0 17.1 Diogenes Laërtius, Life of Plato, II
  18. Nails 2006, p. 1.
  19. Wilamowitz-Moellendorff 2005, p. 46.
  20. 20.0 20.1 Platon sa Encyclopædia Britannica
  21. 21.0 21.1 "Plato". Encyclopaedic Dictionary The Helios Volume V (in Greek). 1952.
  22. Nails 2002, p. 247.
  23. Nails 2002, p. 246.
  24. Nietzsche 1967, p. 32.
  25. Browne 1672.
  26. Cicero, De Divinatione, I, 36

Mga gawa na nabanggit[baguhin | baguhin ang wikitext]

Primary sources (Greek and Roman)

Pangalawang mapagkukunan

Karagdagang pagbabasa[baguhin | baguhin ang wikitext]

External links[baguhin | baguhin ang wikitext]

Wikisource
Wikisource
Ang Greek Wikisource ay may orihinal na teksto na may kaugnayan sa artikulong ito:

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.
Maling banggit (May <ref> tag na ang grupong "lower-alpha", pero walang nakitang <references group="lower-alpha"/> tag para rito); $2