Pumunta sa nilalaman

Aristoteles

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Aristotle)
Aristoteles
Si Aristotélis, na inukit ni Lýsippos. Ito ay nasa Louvre.
Kapanganakan384 BCE (Huliyano)[1]
  • (Olympiada, Commune of Olympiada, Stagira - Akanthos Municipal Unit, Aristotelis Municipality, Chalkidiki Regional Unit, Central Macedonia, Decentralized Administration of Macedonia and Thrace, Gresya)
Kamatayan322 BCE (Huliyano)[1]
  • (Chalkideon Municipality, Euboea regional unit, Central Greece Region, Decentralized Administration of Thessaly and Central Greece, Gresya)
Trabahopilosopo[2]

Si Aristoteles (sulat Griyego: Αριστοτέλης; Latin: Aristoteles) (384 BCEMarso 7, 322 BCE) ay isang Griyegong pilosopo. Isa siyang mag-aaral ni Platon at ang guro ni Dakilang Alejandro. Kasama ni Platon, itinuturing siyang isa sa mga pinakamaipluwensyang pilosopo sa kaisipang Kanluranin.

Nagsulat siya ng mga maraming aklat. Kasama rito ang pisika, panulaan, soolohiya, lohika, pamahalaan, at biyolohiya. Kilala rin siya bilang isa sa mga iilang tauhan sa kasaysayan na inaral ang lahat ng posibleng paksa sa kaniyang panahon. Sa agham, inaral ni Aristoteles ang anatomiya, astronomiya, embriyolohiya, heograpiya, heolohiya, meteorolohiya, pisika, at soolohiya. Sa pilosopiya, nagsulat siya sa estetika, ekonomiks, etika, pamahalaan, metapisika, politika, sikolohiya, sayusay, at teolohiya. Naging paksa niya rin ang edukasyon, mga banyagang kaugalian, panitikan, at panulaan. Masasabing bumubuo ang kaniyang mga pinagsamang mga akda ng isang ensiklopedya ng sinaunang Griyegong kaalaman.

Si Aristoteles ay sinasabing pinanganak noong 384 BCE sa Masedonyang rehiyon ng hilagang Gresya. Sa edad na labing-pito, nag-aral siya sa akademya ng Atenas na tinuturuan ni Platon. Siya ay nanatili sa akademya hanggang sa kamatayan ni Plato noong 347 BCE.[3]

Naglakbay si Aristoteles sa Assos, ngayon ay nasa hilagang-kanluran ng babaying kasalukuyang Turkiya. Ipinagpatuloy niya ang sariling tatag na akademya kung saan tinuturo niya ang kanyang sariling pilosopikal na mga ideya. Sa panahon ding ito nagka-interes siya sa biyolohiya, partikular na sa mga hayop na pandagat. Umalis si Aristoteles sa Assos nang namatay ang kanyang kaibigan at pinuno ng Assos na si Hermeias. Pumunta siya sa Lesbos para ipagpataloy ang kanyang pilosopikal at makaagham na pag-aaral.[3]

Sa Lesbos, nakatrabaho niya si Theophrastus sa pananaliksik. Sa panahong iyon, napangasawa niya si Pythias, isang kamag-anak ni Hermeias.[3]

Si Aristoteles na tinuturuan si Dakilang Alejandro, pininta ni Jean Leon Gerome Ferris

Noong 343 BCE, pinakiusapan ni Haring Felipe ng Macedonia si Aristoteles na turuan ang kanyang anak na si Alejandro, noo'y labing-tatlong gulang pa lamang. Natapos ang pagtuturo ni Aristoteles sa prinsipe pagkatapos ng mga tatlo o dalawang taon.[3]

Dahil hindi masyadong natala ang buhay niya mula noong 341 hanggang 335 BCE, sinasabi ng mga historyador na nanatili siya sa Macedon hanggang sa umalis siya rito at bumalik sa Atenas. Sa Atenas, nagtayo siya ng isang "Liseo" (Lyceum). Ang miyembro ng Liseong ito ay may layuning magsaliksik sa kung anumang asignatura kabilang ang mga interes ni Aristoteles. Sa panahong ito, namatay ang kanyang asawang si Pythias at nag-asawa siya muli, kay Herpyllis.[3]

Umalis muli si Aristoteles sa Atenas noong 323 BCE dahil sa pagrebelde at diskriminasyon sa mga tubong Macedonian. Pumunta siya sa Chalcis, sa Euboea, at doon siya namatay noong 322 BCE.[3]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 "Aristotle". Nakuha noong 25 Agosto 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. https://plato.stanford.edu/entries/aristotle/.
  3. 3.0 3.1 3.2 3.3 3.4 3.5 Shields, Christopher (2023), Zalta, Edward N.; Nodelman, Uri (mga pat.), "Aristotle", The Stanford Encyclopedia of Philosophy (ika-Winter 2023 (na) edisyon), Metaphysics Research Lab, Stanford University, nakuha noong 2024-08-25{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Agham Ang lathalaing ito na tungkol sa Agham ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.