Pumunta sa nilalaman

Friedrich Nietzsche

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Friedrich Nietzsche
Si Nietzsche sa Basel, circa 1875
IpinanganakFriedrich Wilhelm Nietzsche
15 Oktubre 1844(1844-10-15)
Röcken-bei-Lützen, Kaharian ng Prussia
Namatay25 Agosto 1900(1900-08-25) (edad 55)
Weimar, Saxony, Imperyong Aleman
TirahanAlemanya
NasyonalidadAleman
Panahon19th-century philosophy
RehiyonWestern philosophy
Eskwela ng pilosopiyaklasisismong Weimar
Mga pangunahing interesAesthetics · Nihilismo
Ekspresyonismo · Etika
Metapisika · Ontolohiya
Pagtatanging katotohanan-pagpapahalaga
Trahedya · Teoriyang pagpapahalaga
Sikolohiya · Tula
Anti-pundasyonalismo
Pilosopiya ng kasaysayan
Mga kilalang ideyaApollonian at Dionysian
"Ang Diyos ay patay"
Walang hanggang pag-uulit ulit
Übermensch
Moralidad na panginoon-alipin
"Will to power"
Ressentimiyento
Transbaluasyon ng mga pagpapahalaga
Perspectivism
"Huling tao· Amor fati
Nietzschean affirmation
Udyok na kawan · Tschandala
Lagda

Si Friedrich Wilhelm Nietzsche (15 Oktubre 1844 – 25 Agosto 1900) ay isang lubos na maimpluwensiyang Aleman na pilosopo, sikologo, at pilologo. Isa siyang matinding kritiko ng Kristyanismo, Utilitarianismo, idealismong Aleman, romantisismong Aleman, at ng modernidad sa pangkalahatan. Minsang nakikilala si Nietzsche bilang isang Romantikong Pilosopiko, ngunit kanyang itinanggi ang mga tendensiyang Romantiko sa kanyang akda. Madalas siyang kinikilala bilang ang inspirasyon ng eksistensiyalismo at posmodernismo, bagaman may di-pagkakasang-ayong may kinalaman sa kung napakahulugan ba siya nang tama ng mga kilusang ito; si Martin Heidegger ang nakikita ng ilan bilang ang mas nakaimpluwensiya.

Si Nietzsche ay ipinanganak noong 15 Oktubre 1844 at lumaki sa isang maliit na bayan ng Röcken malapit sa Leipzig sa Prussian na Probinsiya ng Saxony. Siya ay ipinangalan kay Haring Frederick William IV ng Prussia.[42] Ang mga magulang ni Nietzsche ay sina Carl Ludwig Nietzsche (1813–49), na isang pastor na Lutheran at isang dating guro at si Franziska Oehler (1826–97) na ikinasal noong 1843, isang taon bago ipinanganak ang kanilang anak. Sila ay ay may dalawa pang ibang mga anak na sina Elisabeth Förster-Nietzsche na ipinanganak noong 1846 at si Ludwig Joseph na ipinanganak noong 1848. Ang ama ni Nietzsche ay namatay mula sa isang sakit sa utak noong 1849. Si Ludwig Joseph ay namatay sa sumunod na taon sa edad na dalawa. Pagkatapos nito ay lumipat ang pamilya sa Naumburg kung saan sila tumira sa lolang pang-ama ni Nietzshe at dalawang mga hindi ikinasal na kapatid na babae ng kanyang ama. Pagkatapos mamatay ng lola ni Nietzsche noong 1856, ang pamilya ay lumipat sa kanilang sariling bahay na isa na ngayong museo at sentro ng pag-aaral kay Nietzsche.

Nietzsche, 1861

Si Nietzsche ay dumalo sa isang paraan ng mga lalake at pagkatapos ay sa isang pribadong paaralan kung saan ay naging kaibigan niya sina Gustav Krug, Rudolf Wagner and Wilhelm Pinder. Noong 1854, sinimulan niyang dumalo sa Pforta sa Naumburg, ngunit pagkatapos niyang magpakita ng mga talento sa wika at musika, siya ay tinanggap sa Schulpforta bilang estudyante at nagpatuloy ng kanyang pag-aaral mula 1858 hanggang 1864. Dito, naging kaibigan niya sina Paul Deussen at Carl von Gersdorff. Nakahanap rin siya ng panahon upang sumulat ng mga tulat at komposisyong musikal. Sa Schulpforta, natanggap ni Nietzsche ang isang mahalagang pagpapakilala sa panitikan partikular na sa mga Sinaunang Griyego at Sinaunang Romano. Ang wakas ng semestrong mga pagsusulit ni Nietzsche noong Marso 1864 ay nagpapakita ng 1 para sa relihiyon at wikang Aleman, 2a sa wikang Griyego at Latin, 2b sa wikang Pranses, kasaysayan at pisika, at isang "walang kinang" na 3 sa wikang Hebreo at matematika. Habang nasa Pforta, siya ay nakakilala sa mga akda ng halos hindi kilalang manunula sa panahong ito na si Friedrich Hölderlin na kanyang tinawag na "aking paboritong manunula" at lumikha ng isang sanaysay na nagsasaad na ang baliw na manunula ay nagtaas ng kanyang kamalayan sa "pinaka dakilang idealidad".[43] Ang guro na nagtuwid ng sanaysay ay nagbigay sa kanya ng isang mabuting marka ngunit nagkomento na dapat abalahin ni Nietzsche ang kanyang sarili sa hinarap sa mas malusog, mas maliwanag at mas Aleman na mga manunulat. Sa karagdagan, nakilala niya si Ernst Ortlepp na isang kakaiba, mapamusong at kadalasang lango na manunulat na natagpuang patay sa sangkahan mga ilang linggo pagkatapos makilala si Nietzsche na nagpakilala kay Nietzsche sa musika at kasulatan ni Richard Wagner.[44] Marahil sa impluwensiya ni Ortlepp na siya at ang isang estudyante ay bumalik sa paaralan ng lasing at nakaenkuwento ang guro na humantong sa demosyon ni Nietzsche mula sa una sa klase at pagwawakas ng kanyang katayuan bilang prepekto.[45]

Nietzsche, 1864

Pagkatapos magtapos noong 1864, sinimulan ni Nietzsche ang kanyang mga pag-aaral sa teolohiya at klasikong pilolohiya sa University of Bonn. Sa isang maikling panahon, siya at si Deussen ay naging mga kasapi ng Burschenschaft Frankonia. Pagkatapos ng isang semestro, at sa galit ng kanyang ina, kanyang itinigil ang kanyang mga pag-aaral sa teolohiya at nawalan ng pananampalataya.[46] Noong 1865 sa edad na 20, si Nietzsche ay sumulat sa kanyang kapatid na si Elisabeth Nietzsche na isang malalim na relihiyosong tao tungkol sa kanyang pagkawala ng pananamplataya.[47]

Ang kawalang pananampalataya ni Nietzsche ay maaaring nangyari sa kanyang pagbasa ng aklat ni David Strauss na "Buhay ni Hesus" na nagkaroon ng malalim na epekto sa batang Nietzsche. Gayunpaman, sa isang sanaysay na pinamagatang Kapalaran at Kasaysayan na isinulat noong 1862, ikinatwiran na ni Nietzsche na ang pagsasaliksik na historikal ay puminsala sa mga sentral na katuruan ng Kristiyanismo. Pagkatapos ay nag-ukol siya ng pag-aaral sa pilolohiya sa ilalim ni Propesor Friedrich Wilhelm Ritschl na kanyang sinundan sa University of Leipzig nang sumunod na taon. Doon, naging malapit niyang kaibigan si Erwin Rohde na kapwa niya estudyante. Sa sandaling pagkatapos nito ay inilimbag ang kanyang mga unang akdang pilolohikal. Noong 1865, buong pinag-aralan ni Nietzsche ang mga kasulatan ni Arthur Schopenhauer na kanyang ginalang at itinurong gumising ng kanyang interes sa pilosopiya. Noong 1866, kanyang binasa ang Kasaysayan ng Materyalismo ni Friedrich Albert Lange. Ang mga paglalarawan ni Lange ng anti-materyalistikong pilosopiya ni Kant, ang paglitaw ng materyalismong Europeo at papalaking pagkabahal sa agham sa teoriya ni Charles Darwin at sa pangkalahatang pag-aalsa laban sa tradisyon at autoridad ay malaking umintriga kay Nietzsche. Ang kapiligirang kultural ay humikayat sa kanyang palawakin ang kanyang mga horison ng lagpas sa pilolohiya at patuloy na mag-aral ng pilosopiya. Noong 1867, lumagda si Nietzsche para sa isang taong paglilingkod na boluntaryo sa artilyeryang Prusyanong dibisyon sa Naumburg. Noong Marso 1868, habang tumatalon sa sa upuan ng kanyang kabayo, tumama ang kanyang dibidib sa pomel at pumunit ng dalawang mga masel sa kanyang kaliwang panig na nag-iwan sa kanyang pagod at hindi makalakas sa ilang mga buwan. Pagkatapos ay muling itinuon niya ang kanyang atensiyon sa kanyang mga pag-aaral at kinumpleto ang mga ito. Sa sumunod na taon, ay nagkaroon siya ng unang pakikipagpulong kay Richard Wagner.

Dahil sa suporta ni Ritschl, si Nietzsche ay nakatanggap ng isang kahanga-hangang alok na maging propesor ng klasikong pilolohiya sa University of Basel sa Switzerland. Siya ay 24 anos lamang at hindi pa nakumpleto ang kanyang doktorado o nakatanggap ng isang sertipiko ng pagtutuo. Sa kabila nito, ang alok na ito ay dumating sa panahong kanyang isinasaalang alang ang pagsuko sa pilolihiya para sa agham at kanya itong tinanggap. Hanggang sa ngayon, si Nietzche ang isa sa mga pinakabatang may tenure na propesor na Klasiko sa rekord. Bago lumipat sa Basel, kanyang itinakwil ang kanyang pagkamamamayang Prusyano. Sa natitira ng kanyang buhay, siya ay nanatiling walang opisyal na estado. Gayunpaman, siya ay nagsilbi sa mga pwersang Prusyano noong Digmaang Franco-Prusyano noong 1870 hanggang 1871 bilang medikal na orderly. Sa kanyang maikling panahon dito, kanyang labis na naranasan at nasaksihan ang mga traumatikong epekto ng labanan. Nakakuha rin siya ng diptheria at dysenterya. Sa pagbabalik sa Basel noong 1870, kanyang napagmasdan ang pagkakatatag ng Imperyong Aleman at kasunod na panahon ni Otto von Bismarck bilang tagalabas at may antas ng skeptisismo sa pagiging tunay nito. Sa Unibersidad, kanyang itinanghal ang isang paglulunsad na pagtuturo na "Homer at Klasikong Pilolohiya". Kanya ring nakilala si Franz Overbeck na propesor ng teolohiya na nanatili niyang kaibigan sa kanyang buong buhay . Si Afrikan Spir na kaunting kilalang pilosopong Ruso at may akda ng Denken und Wirklichkeit (1873), at ang kasama sa trabaho ni Nietzsche na historyan na si Jacob Burckhardt na ang mga pagtuturo ay kadalasang dinadaluhan ni Nietzsche ay nagsimulang magsanay ng malaking impluwensiya sa kanyang buhay.

Friedrich Nietzsche noong 1869.

Nakatagpo na ni Nietzsche si Richard Wagner sa Leipzig noong 1868 at sa isang kalaunang panahon ang asawa ni Wagner na si Cosima. Parehong silang malaking hinangaan ni Nietzsche at sa kanyang panahon sa Basel ay madalas na dumalaw bahay ni Wagner sa Tribschen sa Canton ng Lucerne. Dinala ng mga Wagner si Nietzsche sa kanilang pinakamalapit na palibot na mga kakila at nagtamasa ng atensiyon na kanyang ibinigay sa pasimula ng Pistang Teatrong Bayreuth. Noong 1870,. kanyang binigyan si Cosima ng manuskrito ng Ang Henesis ng Trahikong Ideya bilang isang regalo sa kaarawan nito. Noong 1872, inilimbag ni Nietzsche ang kanyang unang aklat na Die Geburt der Tragödie aus dem Geiste der Musik. Gayunpaman, ang kanyang mga kasama sa larangan ng klasikong pilolohiya kabilang si Ritschl ay naghayag ng kaunting kasigasigan sa akdang ito kung saan iniwasan ni Nietzsche ang klasikong paraang pilolohiko para sa isang mas nagpapalagay na pakikitungo. Sa isang polemiko na Pilolohiya ng Hinaharap, pinahina ni Ulrich von Wilamowitz-Moellendorff ang pagtanggap sa aklat at pinalakas ang masamang kasikatan nito. Bilang tugon, sina Rohde (na sa panahong ito ay isa nang propesor sa Kiel) at Wagner ay nagtanggol kay Nietzche. Malayang isinaad ni Nietzsche ang tungkol sa pag-iisang kanyang nadama sa loob ng pamayanang pilolohikal at nagtangkang kamtin ang isang posisyon sa pilosopiya sa Basel bagaman hindi naging matagumpay. Sa pagitan ng 1873 at 1876, hiwalay ni inilimbag ni Nietzsche ang apat na mahahabang sanaysay: David Strauss: der Bekenner und der Schriftsteller, Vom Nutzen und Nachteil der Historie für das Leben, Schopenhauer als Erzieher, at Si Richard Wagner sa Bayreuth. Ang apat na ito ay kalaunang lumitaw sa isang natipong edisyon sa ilalim ng pamamagat na Unzeitgemässe Betrachtungen (Hindi Napapanahong mga Pagninilay-nilay). Ang apat na sanaysay na ito ay nagsasalo ng orientasyon ng isang critique ng kulturang Aleman sa mga linyang iminungkahi nina Schopenhauer at Wagner. Noong 1873, sinimulang tipunin ni Nietzsche ang mga note na inilimbag pagkatapos ng kanyang kamatayan bilang Pilosopiya sa Trahikong Panahon ng mga Griyego. Sa panahong ito, sa palibot na mga kakilala ng mga Wagner nakilala ni Nietzsche sina Malwida von Meysenbug at Hans von Bülow at nagsimula ring makipagkaibigan kay Paul Rée na noong 1876 ay nakaimpluwensiya sa kanya sa pagtakwil ng pesismismo sa kanyang mga maagang kasulatan. Gayunpaman, siya ay malalim na nasiphayo ng Pistang Bayreuth noong 1876 kung saan ang pagkakaraniwan ng mga palabas at kawalang halaga ng publiko ang nagtaboy sa kanya. Siya ay napalayo rin sa pagtatanggol ni Wagner ng kulturang Aleman na naisip ni Nietzsche na isang kontradiksiyon sa mga termino gayundi sa pagdiriwang ni Wagner ng kanyang kasikatan sa publiko. Ang lahat ng ito ay nag-ambag sa kalaunang desisyon ni Nietzsche na maglayo ng kanyang sarili mula kay Wagner. Sa paglilimbag noong 1878 nang Menschliches, Allzumenschliches: Ein Buch für freie Geister na isang aklat ng mga aporismo sa mga paksang sumasaklaw mula metapisika hanggang moralidad at mula relihiyon hanggang sa mga kasarian, ang reaksiyon ni Nietzsche laban sa pilosopiyang pesimistiko ni Wagner at Schopenhauer ay naging ebidente gayundin din ang impluwensiya ng Denken at Wirklichkeit ni Afrikan Spir. Noong 1878 pagkatapos ng isang malaking pagbagsak ng kalusugan, kinailangan ni Nietzsche na magbitiw sa kanyang posisyon sa Basel. Simula pagkabata, ang iba't ibang mga karamdaman ay sumalot sa kanya kabilang ang mga sandali ng pagkakaroon ng myopia na halos bumulag sa kanya, mga sakit ng ulong migraine at bayolenteng indihestiyon. Ang isang aksidente sa pagsakay noong 1868 at mga karamdaman noong 1870 ay maaaring nagpalala sa kanyang patuloy na mga kondisyon na patuloy na umapekto sa kanya sa kanyang mga taon na pumwersa sa kanya na kumuha ng mas matagal na mga holiday hanggang sa ang regular na trabaho ay naging hindi praktikal.

Dahil ang karamdaman ay nagtulak sa kanyang maghanap ng mga klima na mas nakatutulong sa kanyang kalusugan, siya ay madalas na naglalakbay at tumira hanggang 1889 bilang isang independiyenteng may akda sa iba't ibang mga siyudad. Kanyang ginugol ang maraming mga tag-init sa Sils Maria malapit sa St. Moritz sa Switzerland at maraming mga taglamig sa mga siyudad na Italyano ng Genoa, Rapallo at Turin at sa siyudad ng Pransiya ng Nice. Noong 1881, nang sakupin ng Pransiya ang Tunisia, pinlano niyang maglakbay sa Tunis upang makita ang Europa mula sa labas ngunit kalaunang inabandona ang ideya na malamang ay dahil sa mga kadahilanang pangkalusugan. Habang nasa Genoa, ang bumabagsak na paningin ni Nietzsche ay nagtulak sa kanyang siyasatin ang paggamit ng mga makinilya bilang paraan ng pagpapatuloy ng pagsulat. Siya ay alam na nagtangkang gumamit ng Hansen Writing Ball na isang kontemporaryong kasangkapang makinilya. Paminsan minsang bumalik si Nietzsche sa Naumburg upang dalawin ang kanyang pamilya lalo na sa panahong ito. Siya at kanyang kapatid na babae ay may paulit ulit na mga panahon ng alitan at pakikipagkasunduan. Siya ay nabuhay sa kanyang pensiyon mula sa Basel ngunit tumanggap rin ng tulong mula sa mga kaibigan. Noong 1876, tinranskriba ni Koselitz ang mahirap na halos hindi mabasang sulat kamay ni Nietzsche sa unang pagkakataon kasama ni Wagner sa Bayreuth. Mula nito ay kanyang parehong tinatranskriba at tinutuwid ang mga galley para sa halos lahat ng mga akda ni Nietzsche. Sa isang okasyon noong 23 Pebrero 1880, ang karaniwang walang salaping si Koselitz ay tumanggap ng 200 marka mula sa kanilang parehong kaibigang si Paul Rée. Si Koselitz ang isa sa ilang mga kaibigan na pinayagan ni Nietzsche na bumatikos sa kanya. Sa pagtugon na napakamasigasig sa Also Sprach Zarathrusta, nadama ni Koselitz na kinakailangang ituro na inilarawang hindi kinakailangang mga tao ay sa katunayan buong kailangan. Sa wakas ng kanyang buhay, sina Gast at Overbeck ay nanatiling patuloy na tapat na magkaibigan. Si Malwid von Meysenburg ay nanatiling tulad ng isang patrong maka-ina kahit sa labas ng palibot ni Wagner. Nakipag-ugnayan si Nietzsche sa kritiko ng musikang si Carl Fuchs. Si Nietzsche ay nakatayo sa pasimula ng kanyang pinakamabungang panahon. Mula Menschliches, Allzumenschliches noong 1878, siya ay naglilimbag ng isang aklat o isang pangunahing seksiyon ng isang aklat bawat tao hanggang 1888 na kanyang huling taon ng pagsulat na sa panahong ito ay nakakumpleto ng lima.

Noong 1882, inilimbag ni Nietzsche ang unang bahagi ng Die fröhliche Wissenschaft (Ang Agham na Gay). Nang taong iyon, kanya ring nakilala si Lou Andreas Salomé sa pamamagitan nina Malwida von Meysenbug atP aul Rée. Ginugol nina Nietzsche at Salomé ang tag-init ng magkasama sa Tautenburg sa Thuringia na kadalasan ay kasama ng kapatid ni Nietzsche bilang chaperone. Gayunpaman, itinuring ni Nietzsche si Salomé ng kaunti bilang pantay na partner kesa bilang isang pinagkaloobang estudyante. Iniulat ni Salomé na hiniling ni Nietzsche na pakasalan siya at si Salomé ay tumanggi bagaman ang pagiging maasahan ng kanyang mga ulat ay kinuwestiyon. Ang relasyon niya kina Rée at Salomé ay naputol sa taglamig ng 1882/1883 dahil sa mga intrigang isinagawa ng kapatid ni Nietzsche. Sa gitna ng nabagong pag-atake ng karamdaman na nabubuhay sa halos pag-iisa pagkatapos ng alitan sa kanyang ina at kapatid tungkol kay Salomé, siya ay tumakas sa Rapallo. Dito, kanyang isinulat ang unang bahagi ng Also sprach Zarathustra sa loob lamang ng sampung araw. Noong 1882, siya ay umiinom ng malalaking mga dosis ng opium ngunit nahihirapan pa ring makatulog. Noong 1883, habang nananatili sa Nice, Pransiya, kanyang isinusulat ang kanyang sariling mga preskripsiyon para sa sedatibong chloral hydrate na nilalagdaan ng 'Dr Nietzsche'. Pagkatapos putulin ang kanyang mga ugnayang pilosopikal kay Schopenhauer at pakikisalamuha kay Wagner, si Nietzsche ay may kaunting nanatiling mga kaibigan. Sa bagong istilo ng Zarathrusta, ang kanyang akda ay naging lalong mas nagpapalayo at ito ay tinanggap lamang sa digri na kinakailangan ng kagalangan. Nakilala niya ito at pinanatili ang kanyang pag-iisa bagaman kadalasan siyang dumadaing tungkol dito. Ang kanyang mga aklat ay nanatiling hindi nabenta. Noong 1885, siya ay naglimbag lamang ng 49 kopya ng ikaapat na bahagi ng Zarathrusta at ipinamahagi lamang ang isang praksiyon sa mga malalapit na kaibigan kabilang kay Helene von Druskowitz. Noong 1883, kanyang tinangka at nabigong makamit ang isang posisyon ng pagtuturo sa University of Leipzig. Naging maliwanag sa kanya na sa pananaw ng saloobin tungo sa Kristiyanismo at konsepto ng diyos na inihayag sa Zarathrusta, siya ay naging hindi matatanggap sa trabaho sa anumang unibersidad na Aleman. Ang kalaunang mga saloobin ng paghihiganti at poot ay nagpapait sa kanya. Noong 1886, si Nietzsche ay kumalas sa kanyang tagalimbag na si Ernst Schmeitzner na namuhi sa mga opinyon ni Schmeitzner na antisemitiko. Nakita ni Nietzsche ang kanyang mga kasulatan bilang "buong nakabaon at hindi mahuhukay sa basurahang antisemitikong ito" ni Schmeitzner. Kanya itong inugnay sa isang kilusan na dapat buong itakwil ng may malamig na pagkamuhi ng bawat sensibleng kaisipan. Pagkatapos ay kanyang inilimbag ang Jenseits von Gut und Böse(Lagpas sa Mabuti at Masama) sa kanyang sariling gastos at naglabas noong 1886–1887 ang ikalawang mga edisyon ng kanyang mas maagang mga akda (Die Geburt der Tragödie aus dem Geiste der Musik, Menschliches, Allzumenschliches, Morgenröte. Gedanken über die moralischen Vorurteile, at Die fröhliche Wissenschaft) na sinamahan ng mga bagong pauna kung saan ay muli niyang isinaalang alang ang kanyang mas maagang mga akda. Pagkatapos ay nakita niya ang kanyang akda na nakumpleto para sa isang panahon at na mabubuo ang mga mambabasa. Sa katunayan, ang interes sa pag-iisip ni Nietzsche ay lumago sa panahong ito sa paraang bahagya niyang natanto. Sa mga taong ito, nakilala niya sina Meta von Salis, Carl Spitteler, at Gottfried Keller. Nakamit ni Nietzsche ang mga karapatan ng paglilimbag para sa kanyang mas maagang mga akda noong 1886 at nagsimula ng isang proseso ng pageedit at muling pagpopormula ng mga ito na naglalagay sa kanyang akda sa isang mas magkakaugnay na perspektibo. Sa sumunod na taon, ang kanyang kapatid na si Elisabeth ay nagpakasal sa antisemitikong si Bernhard Förster at naglakbay sa Paraguay upang itatag ang Nueva Germania na isang kolonyang Germaniko na isang planong tinugunan ni Nietzsche nang may pangungutyang pagtawa. Sa pamamagitan ng pakikipagsagutan, ang relasyon ni Nietzsche sa kanyang kapatid ay nagptuloy sa landas ng alitan at pakikipagkasunduan ngunit magtatapo lamang muli pagkatapos ng kanyang pagguho. Siya ay patuloy na nagkaroon ng madalas at masaki na mga pag-atake ng karamdaman na gumawa sa mahabang paggawa na imposible. Noong 1887, siya ay sumulat ng polemiko na Zur Genealogie der Moral (Tungkol sa Henealohiya ng mga Moral). Sa parehong taon, naenkwentro ni Nietzsche ang akda ni Fyodor Dostoevsky na kanyang nadama ang agarang relasyong pampamilya. Nakipagpalitan rin siya ng mga liham kay Hippolyte Taine at kay Georg Brandes. Si Brandes na nagsimulang magturo ng pilosopiya ni Søren Kierkegaard noong mga 1870 ay sumulat kay Nietzche na humihiling sa kanyang basahin si Kierkegaard. Si Nietzsche ay tumugon na siya ay pupunta sa Copenhagen upang basahin si Kierkegaard kasama siya. Gayunpaman, bago ito maisagawa ay nagkasakit siya. Sa simula ng 1888 sa Copenhagen, itinanghal ni Brandes ang isa sa mga unang pagtuturo ng pilosopiya ni Nietzsche. Bagaman inanunsiyo ni Nietzsche noong 1886 ang isang bagong akda na may pamagat na der Wille zur Macht, kalaunang tila inabandona niya ang partikular na pakikitungong ito at sa halip ay gumamit ng ilan sa mga talatang drapto upang likhain ang Götzen-Dämmerung oder Wie man mit dem Hammer philosophirt at Der Antichrist na parehong isinulat noong 1888. Ang kanyang kalusugan ay tila bumuti at kanyang ginugol ang tag-init sa mataas na mga espirito. Sa taglagas nang 1888, ang kanyang mga kasulatan at liham ay naghayag ng isang mas mataas na pagtataya ng kanyang katayuan at kapalaran. Kanyang lagpas na tinantiya ang papalaking tugon sa kanyang mga kasulatan lalo na sa kamakailang polemiko na Der Fall Wagner. Sa kanyang ika-44 na kaawan, pagkatapos na kumpletuhin ang Götzen-Dämmerung oder Wie man mit dem Hammer philosophirt at Der Antichrist, kanyang pinagpasyahang isulat ang autobiograpiyang Ecce Homo. Sa pauna ng akdang ito na nagmumungkahing may mahusay na may kamalayan si Nietzsche sa mga kahirapan ng pagpapakahulugan ng kanyang akda na malilikha, kanyang inihayag na "Pakinggan ako! Sapagkat ako ay gayon at gayong isang tao. Higit sa lahat, huwag akong mapagkamalian sa iba pa". Noong Disyembre, sinimulan niya ang pakikipagsagutan kay August Strindberg at naisip na kulang sa isang internasyonal na pagsulong, kanyang tinangkang muling bilihin ang kanyang mga mas matandang kasulatan mula sa tagalimbag at ipasasalin ang mga ito sa ibang mga wikang Europeo. Sa karagdagan, kanyang pinlano ang publikasyon ng kanyang kompilasyon na Nietzsche Contra Wagner at mga tula na bumubuo ng kanyang koleksiyong Dionysian-Dithyramb.

Noong 3 Enero 1889, si Nietzsche ay dumanas ng pagguhong pangkaisipan. Ang dalawang pulis ay lumapit sa kanya pagkatapos niyang magsanhi ng isang kaguluhan sa publiko sa mga kalye ng Turin. Ang nangyari ay nananatiling hindi alam ngunit ang kadalasang inuulit na kuwento ay nagsasaad na nasaksihan ni Nietzsche ang paghampas sa isang kabayo sa kabilang dulo ng Piazza Carlo Alberto, siya ay tumakbo sa kabayo at inihagis ang kanyang mga braso sa leeg nito upang protektahan nito at pagkatapos ay bumagsak sa lupa. Sa sumunod na ilang araw, siya ay nagpadala ng mga maiikling kasulatan na kilala bilang Wahnbriefe ("Mga liham ng Kabaliwan") sa mga kaibigan kabilang sina Cosima Wagner at Jacob Burckhardt. Sa kanyang dating kasamang si Burckhardt, sinulat ni Nietzsche na: "Aking pinagapos si Caipas. Gayundin, nang nakaraang taon, ako ay ipinako ng mga doktor na Aleman sa isang matagal na paraan. Sina Wilhelm, Bismark at mga antisemitiko ay binuwag". Sa karagdagan, kanyang inutos sa emperador na Aleman na tumungo sa Roma upang barilin at humimok sa mga kapangyarihang Europeo na magsagawa ng aksiyong pang militar laban sa Alemanya. Noong 6 Enero 1889, ipinakita ni Burckhardt ang isang liham na kanyang natanggap mula kay Nietzsche para kay Overbeck. Sa sumunod na araw, si Overbeck ay nakatanggap ng isang parehong naghahayag na liham at nagpasyang kailangang ibalik ng mga kaibigan ni Nietzsche siya sa Basel. Si Overbeck ay naglakbay sa Turin at dinala si Nietzsche sa isang klinikang sikayatriko sa Basel. Sa panahong iyon, siya ay mukhang buong nasa pagkontrol ng isang malalang sakit sa pag-iisip. Nagpasya ang kanyang inang si Franziska na ilipat siya sa klinika sa Jena sa direksiyon ni Otto Binswanger. Mula Nobyembre 1889 hanggang Pebrero 1890, ang historyan ng sining na si Julius Langbehn ay nagtankang gumamot kay Nietzsche na nag-angking ang mga pamamamaraan ng mga doktor ay hindi epektibo sa paggamot ng kalagayan ni Nietzsche. Noong Marso 1890, inalis ni Franziska si Nietzsche mula sa klinka at noong Mayo 1890 ay dinala siya sa kanyang tahanan sa Naumburg. Sa proseong ito, pinag-isipan nina Overbeck at Gast ang gagawin sa mga hindi nailimbag na akda ni Nietzsche. Noong Enero 1889, kanilang inilabas ang ötzen-Dämmerung, oder, Wie man mit dem Hammer philosophiert na sa panahong ito ay nakalimbag na at nakatali. Noong Pebrero, sila ay umorder ng 50 pribadong kopyang edisyon ng Nietzsche contra Wagner, ngunit ang tagalimbag na si C. G. Naumann ay sikretong naglimbag ng 100. Nagpasya sina Overbeck at Gast na magtimpi sa paglilimbag ng Der Antichrist at Ecce Homo dahil sa mas radikal na nilalaman ng mga ito. Ang pagtanggap at pagkilala kay Nietzsche ay nagtamasa nang unang pagtaas. Noong 1893, ang kapatid ni Nietzsche na si Elisabeth ay bumalik mula sa Nueva Germania sa Paraguay kasunod ng pagpapatiwakal ng kanyang asawa. Kanyang binasa at pinag-aralan ang mga akda ni Nietzsce at bawat piraso ay kumontrol sa mga ito at paglilimbag nito. Si Overbeck ay kalaunang dumanas ng pagpapaalis at si Gast ay nakipagtulungan. Pagkatapos mamatay ni Franziska noong 1897, si Nietzsche ay tumira sa Weimar kung saan ay inalagaan siya ni Elisabeth at tumanggap sa mga tao kabilang si Rudolf Steiner na dalawin ang kanyang hindi nakikipag-usap na kapatid. Pinagtrabaho rin ni Elisabeth si Steiner bilang tutor upang tulungan siyang maunawaan ang pilosopiya ng kanyang kapatid. Nilisan ni Steiner ang pagtatangka pagkatapos lamang ng ilang buwan na nagdedeklarang imposible siyang turuan ng anuman tungkol sa pilosopiya. Tinuwid ni Gast ang mga kasulatan ni Nietzsche kahit sa pagguho ni Nietzsche at ginawa itong walang pag-aaproba na isang aksiyong malalang binatikos ng mga kontemporaryong skolar ni Nietzsche. Ang sakit sa pag-iisip ni Nietzsche ay orihinal na nadiagnose na tersiaryong syphilis ayon sa nananaig na paradigm ng medisina ng panahong ito. Noong 1898 at 1899, si Nietzsche ay dumanas ng hindi bababa sa dalawang mga stroke na parsiyal na nagparalisa sa kanya at nag-iwan sa kanyang hindi makapagsalita o makapaglakad. Pagkatapos makakuha ng pneumonia noong gitnang Agosto 1900, siya ay nagkaroon ng isa pang stroke noong gabi ng Agosto 24–25 at namatay noong mga tanghali nang Agosto 25. Siya ay inilibing ng kanyang kapatid sa tabi ng kanyang ama sa simbahan ng Röcken bei Lützen.

Binuo ni Friedrich Nietzsche ang kanyang pilosopiya noong huli nang ika-19 siglo. Kanyang pinagkakautangan ang paggising ng kanyang interes pang-pilosopiya sa pagbabasa sa Die Welt als Wille und Vorstellung (Ang Daigdig bilang Kalooban at Representasyon, 1819, binago noong 1844) ni Arthur Schopenhauer at umaming si Schopenhauer ang isa sa ilang mga taga-isip na kanyang ginagalang. Kanyang inalay ang kanyang sanaysay kay Schopenhauer na Schopenhauer als Erzieher (Si Schopenhauer bilang Edukador) na inilimbag noong 1874 bilang isa sa kanyang Hindi napapanahong mga Pagninilay-nilay. Mula ika-20 siglo, ang pilosopiya ni Nietzche ay nagkaroon ng malaking impluwensiyang pang-karunungan at pampolitika sa buong mundo. Sinimulan ni Nietzsche ang kanyang kampanya laban sa moralidad sa Morgenröte. Gedanken über die moralischen Vorurteile (Bukang-liwayway). Kanyang tinawag ang kanyang sariling "imoralista" at malalang bumatikos sa mga kilalang pilosopiyang moral ng kanyang panahon: ang Kristiyanismo, Kantianismo at utilitarianismo. Si Nietzsche ay kilala rin sa kanyang labis na pagbatikos sa paniniwalang kanluraning ng egalitarianismo at rasyonalidad. Ang konsepto ni Nietzsche ng "Ang Diyos ay patay" ay lumalapat sa mga doktrina ng sangka-kristiyanuhan bagaman hindi sa lahat ng ibang mga pananampalataya. Kanyang inangkin na ang Budismo ay isang matagumpay na relihiyon na kanyang pinupuring nagtataguyod ng pag-iisip na kritikal. Inangkin ni Nietzsche na ang pananampalatayang Kristiyanismo na sinasanay ay hindi isang angkop na pagkakatawan ng mga katuruan ni Hesus dahil pinipwersa lamang nito ang mga tao na maniwala sa pamamaraan ni Hesus ngunit hindi umasal gaya ng pag-asal nito, sa partikular ang kanyang halimbawa ng pagtanggi sa paghatol sa mga tao na isang bagay na patuloy na salungat na ginagawa ng mga Kristiyanismo. Kanyang kinondena ang institusyonalisadong Kristiyanismo sa pagbibigay-diin ng moralidad ng awa na nagpapalagay ng isang likas ng mga karamdaman sa lipunan. Sa Ecce homo ay tinawag ni Nietzsche ang pagtatatag ng mga sistemang moral batay sa isang dikotomiya ng mabuti at masama na isang "nakapipinsalang pagkakamali". Kanyang ninais na simulan ang muling pagtatasa ng mga pagpapahalaga sa daigdig na Hudyo-Kristiyano. Kanyang pinakita ang kanyang pagnanais na magdulot ng isang bago at mas naturalistikong pinagmumulan ng pagpapahalaga sa mga mismong mga udyok ng buhay. Bagaman inatake ni Nietzsche ang mga prinsipyo ng Hudaismo, hindi siya isang antisemitiko. Sa kanyang kasulatang Zur Genealogie der Moral, kanyang kinondena ang antisemitismo at itinuro na ang kanyang pag-atake sa Hudaismo ay hindi pag-atake sa mga Hudyo bilang mga tao ngunit spesipikong isang pag-atak sa sinaunang pagka-saserdoteng Hudyo na kanyang inangking paradoksikal na pinagbasehan ng mga antisemitikong Kristiyano ng kanilang mga pananaw.

Moralidad na panginoon-alipin

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang moralidad na panginoon-alipin ang sentral na tema ng mga akda ni Nietzsche partikular na sa kanyang unang sanaysay na Zur Genealogie der Moral(Tungkol sa Henealohiya ng Moralidad). Ang kanyang pinapakahulugan ng "moralidad" ay lumilihis sa karaniwang pagkaunawa ng terminong ito. Binatikos ni Nietzsche ang pananaw na nauugnay sa kontemporaryong ideolohiyang British na ang mabuti ay bawat bagay na makakatulong at ang masama ay mga makakasama. Ikinatwiran ni Nietzsche na may dalawang mga pundamental na uri ng moralidad: ang "moralidad na panginoon" at "moralidad na alipin". Ang moralidad na panginoon ay tumitimbang ng mga aksiyon sa isang iskala ng mga kalalabasang mabuti o masama hindi tulad ng moralidad na alipin na tumitimbang ng mga aksiyon sa iskala ng mga intensiyong mabuti o masama. Para kay Nietzsche, ang isang partikular na moralidad ay hindi mawawalay mula sa pagkakabuo ng isang partikular na kultura. Ito ay nangangahulugang ang wika, mga batas at kasanayan nito ay batay sa pakikibaka sa pagitan ng dalawang mga uri ng pagpapahalagang moral na ito. Ang moralidad na panginoon-alipin ay nagbibigay ng basehan sa lahat ng eksehesis ng kaisipang pang Kanluranin. Ang moralidad na panginoon ay nagpapahalaga sa pagmamalaki, kalakasan at kamaharlikaan gayundin din sa pagiging bukas ang isipan, matapang, pagiging makatotoo at sa isang tumpak na kahulugan ng pagpapahalag sa sarili. Ang moralidad na alipin ay nagpapahalaga sa mga bagay gaya ng kabutihan, kapakumbabaan, at simpatiya. Ang simulang anyo ng moralidad ay itinakda ng aristokrasiyang mandirigma at ibang mga namumunong kaste ng mga sinaunang kabihasnan ng tao. Ang mga pagpapahalagang aristokratiko ng "mabuti" at "masama" ay kasabay at sumasalamin sa kanilang relasyon sa mga mas mababang kaste gaya ng mga alipin. Itinanghal ni Nietzsche ang "moralidad na panginoon" na ito bilang ang orihinal na sistema ng moralidad na hinahalimbawa ng mga klasikong ugat ng Iliad at Odyssey. Ayon kay Nietzsche, ang mga lipunang Sinaunang Griyego at Sinaunang Romano ay nakasalig sa moralidad na panginoon. Sa kasaysayan, ang moralidad na panginoon ay tinalo ng moralidad na alipin ng Kristiyanismo na kumalat sa buong Imperyo Romano. Ang likas na pakikibaka sa pagitan ng mga kultura ay palaging sa pagitan ng Romano (panginoon, malakas) at Hudean (alipin, mahina). Hindi tulad ng moralidad na panginoon na isang sentimiyento, ang moralidad ng alipin ay literal na ressentimiyento. Ang kahinaan ay tumalo sa kalakasan, ang alipin ay sumakop sa panginoon at ang ressentimiyento ay sumakop sa sentimiyento. Ang ressentimiyentong ito ay tinawag ni Nietzsche na "pagiging mapaghiganti ng mga saserdote (pari)" na isang inggit ng mahina na naghahangad na alipinin ang malakas sa sarili nito. Dahil ang moralidad na alipin ay isang reaksiyon sa pang-aapi, ginagawa nitong kontrabida ang mga umaapi rito. Ikinatwiran ni Nietzsche na ang ideya ng ekwalidad o pagiging pantay ay pumayag sa mga alipin na labanan ang kanilang sariling kondisyon nang hindi napopoot sa kanilang mga sarili. Sa pamamagitan ng pagtanggi sa likas na inekwalidad ng mga tao gaya ng sa tagumpay, lakas, kagandahan at katalinuhan, nakamit ng mga alipin ang isang paraan ng pagtakas sa pamamagitan ng paglikha ng mga bagong pagpapahalaga sa basehan ng pagtakwil sa bagay na nakikita bilang pinagmumulan ng pagkasiphayo. Ito ay ginamit upang labanan ang sariling saloobin ng pagiging mababang uri sa kanilang panginoon. Ginagawa ito sa pamamagitan ng paggawa sa kahinaan ng alipin na isang bagay na pinili, halimbawa sa pagpapangalan dito bilang "kapakumbabaan". Sa pagsasabi na ang kapakumbabaan ay boluntaryo, ang moralidad ng alipin ay umiiwas sa pag-amin na ang kanilang kapakumbabaan ay pinwersa sa kanila ng isang panginoon sa pasimula. Ang "mabuting tao" ng moralidad na panginoon ang "masamang tao" ng moralidad na alipin samantalang ang "masamang tao" ay muling pinakahulugan bilang ang "mabuting tao" nito. Nakita ni Nietzsche ang moralidad ng alipin bilang pinagmumulan ng nihilismo sa Europa. Tumawag si Nietzsche sa mga ekspesiyonal o natatanging mga tao na hindi na mahiya sa kanilang pagiging natatangi sa mukha ng isang pinagpapalagay na moralidad para sa lahat na kanyang itinuturing na mapanganib sa pagyabong ng mga natatanging tao. Gayunpaman, kanyang binalaan na ang moralidad sa sarili nito ay hindi masama. Ito ay mabuti para sa mga masa at dapat pabayaan sa kanila. Sa kabilang dako, ang mga natatanging tao ay dapat sumunod sa kanilang "panloob na batas". Ang isang paboritong motto ni Nietzsche na kinuha mula kay Pindar ay mababasang "Maging kung ano ka". Ang isang matagal na panahong pagpapalagay tungkol kay Nietzsche ay ninais niya ang moralidad na panginoon kesa sa moralidad na alipin. Gayunpaman, ito ay itinakwil ng skolar ni Nietzsche na si Walter Kaufman na sumulat na ang analisis ni Nietzsche ng dalawang mga uring ito ng moralidad ay ginamit lamang sa kahulugang paglalarawan at pang-kasaysayan at hindi dapat pakahulugan ng anumang uri ng pagtanggap o pagluluwalhati nito.

Nihilismo at ang Diyos ay patay

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nakita ni Nietzsche ang nihilismo bilang kinalabasan ng paulit-ulit na pagkasiphayo sa paghahanap ng kahulugan. Kanyang na-diagnos ang nihilismo bilang isang nakakubling presensiya sa loob ng pinaka-pundasyon ng kulturang Europeo at nakita ito bilang isang kinakailangan at papalapit na tadhana. Ang pananaw na pang-relihiyon ay nakaranas na ng isang bilang ng mga hamon mula sa mga salungat na pananaw na nakasalig sa pilosopikal na skeptisismo at sa modernong ebolusyonaryo. Ang mga kamakailang pag-unlad sa modernong agham at papalaking sekularisasyon ng lipunang Europeo ay epektibong "pumatay" sa diyos na Abrahamiko na nagsilbing basehan ng kahulugan at pagpapahalaga sa Kanluranin sa higit na isang libong taon. Dito, kanyang isinaad na ang doktrinang moral ng Kristiyanismo ay nagbibigay sa mga tao ng intrinsikong pagpapahalaga, paniniwala sa diyos (na nangangatwiran sa kasamaan ng daigdig) at isang basehan para sa obhektibong kaalaman. Sa kahulugang ito, sa paglikha ng isang daigdig kung saan ang obhektibong kaalaman ay posible, ang Kristiyanismo ay isang lunas laban sa primal na anyo ng nihilismo laban sa kadesperaduhan ng kawalang kahulugan. Kinonsepto ito ni Nietzsche sa sikat na pahayag na "Ang Diyos ay patay" na unang lumitaw sa kanyang akda sa seksiyon 108 ng Die fröhliche Wissenschaft at muli sa seksiyon 125 sa talinghag ng "Ang Baliw" at sa Also sprach Zarathustra. Ang pahayag na ito ay nagbigay diin sa krisis na ikinatwiran ni Nietzche na kailangang harapin ng kulturang Europeo kasunod ng hindi makukumpuning pagbuwag ng mga tradisyonal na pundasyon nito na malaking nakalagay sa klasikong pilosopiyang Griyego at Kristiyanismo. Sa mga aporismong 55 at 56 ng Jenseits von Gut und Böse (Lagpas sa Mabuti at Masama), tinalakay ni Nietszche ang tungkol sa hagdan ng kalupitang pang-relihiyon na nagmumungkahing ang nihilismo ay umahon mula sa intelektuwal na konsiyensiya ng Kristiyanismo. Ang nihilismo ay nagsasakripisyo ng kahulugan na dinadala ng "diyos" sa ating mga buhay para sa "materya at mosyon", pisika, "obhektibong katotohanan". Sa aporismong 56, kanyang ipinaliwanag kung paanong umahon mula sa buong kawalang kahulugan ng buhay sa pamamagitan ng muling pagpapatibay nito sa pamamagitan ng isang kanais nais na Walang Hanggang Pagbabalik ni Nietzsche. Binigyang diin ni Nietzsche ang parehong panganib ng nihilismo at mga posibilidad na inaalok nito. Ayon kay Nietzsche, kapag nalabanan lamang ang nihilismo na ang kultura ay maaaring magkaroon ng isang tunay na pundasyon na pagyayabungan nito.

Perspektibismo

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Inangkin ni Nietzsche na ang kamatayan ng diyos ay kalaunang hahantong sa pagkawala ng anumang pangkalahatang perspektibo sa mga bagay at kasama nito ang anumang nagkakaisang pandama ng katotohanang obhektibo. Kanyang itinanggi ang ideya ng obhektibong realidad na inaangking ang kaalaman ay kontinhente at kondisyonal relatibo sa iba't ibang mga mababagong mga perspektibo o interes. Ang perspektibismo ay tumatakwil sa obhektibong metapisika bilang imposible na nag-aangking walang pagtatasa ng obhektibidad ang lalagpas sa mga pagkakabuong pang-kultura o mga pagtatakdang subhektibo. Kaya, walang mga obhektibong katotohanan o anumang kaalaman ng isang bagay sa sarili nito. Ang katotohanan ay mahihiwalay mula sa anumang partikular na pananaw at kaya ay walang mga absolutong pang-etika o pang-epistemolohiya. Ito ay humahantong sa patuloy na muling pagtatasa ng mga patakaran (i.e ng sa pilosopoiya, pamamaraang siyentipiko etc.) ayon sa mga sirkunstansiya ng mga indibidwal na perspektibo. Kaya ang katotohanan ay malilikha sa pagsasama ng iba't ibang mga pananaw. Ang mga tao ay palaging kumukuha ng mga perspektibo at ang mga konsepto ng pag-iral ng isang tao ay hinuhugis ng mga sirkunstansiyang pumapalibot sa indibidwal. Ang katotohanan ay ginagawa ng at para sa mga indibidwal at mga tao. Kanyang isinaad na ang karaniwan sa iba't ibang mga tao ang akto ng pagpitaganan o paglikha ng mga pagpapahalaga kahit ang mga pagpapahalang ito ay magkakaiba sa bawat tao. Ang gumagawang dakila sa mga tao ay hindi ang nilalaman ng kanilang mga paniniwala kundi ang akto ng pagpapahalaga. Kaya ang mga pagpapahalaga na sinisikap na ihayag ng isang pamayanan ay hindi kasing halaga ng nagsasamang kalooban na makita ang mga pagpapahalagang ito na mangyari. Ang pagnanais ay mas mahalaga kesa sa likas na kahalagaang panloob ng mismong layunin. Ang ideya na ang isang sistemang pagpapahalaga ay hindi mas karapat dapat kesa sa isa pa bagaman maaaring hindi direktang maituturo kay Nietzsche ay naging isang karaniwang premisa ng modernong agham panlipunan.

Kalooban sa kapangyarihan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ayon kay Nietzsche, ang udyok para sa pag-iingat ang lumilitaw na pangunahing tagapagtulak ng pag-aasal na pantao o panghayop sa mga ekspesiyon lamang dahil ang pangkalahatang kondisyon ng buhay ay hindi ng isa na emerhensiya o pakikibaka sa pag-iral. Sa karaniwan, ang pagiingat sa sarili ay isa lamang kalalabasan ng pagnanais ng isang nilalang na ilapat ang lakas nito sa panlabas na daigdig. Ang kalooban sa kapangyarihan ayon kay Nietzsche ang pangunahing nagtutulak na pwersa mga tao: ang pagkakamit, ambisyon, at pagsisikap na makamit ang pinakamataas na posibleng posisyon sa buhay. Ang lahat ng mga ito ay manipestasyon ng kalooban sa kapangyarihan. Ito ay masasalungat sa ibang mga eskwelang Viennese ng sikoterapiya: ang prinsipyong kaligayahan ni Freud at logoterapiya (kalooban sa kahulugan) ni Viktor Frankl. Ang bawat mga eskwelang ito ay nagtataguyod at nagtuturo ng isang napaka-ibang pangunahing nagtutulak na pwersa sa tao. Sa pagtatanghal ng kanyang teoriya ng pag-aasal na pantao, sinagot ni Nietzsche at inatake ang mga konsepto mula sa pilosopiyang sikat na niyakap sa kanyang panahon gaya ng nosyon ni Schopenhaeur ng walang layuning kalooban o ng utilitarianismo. Ang mga utilitarianista ay nag-aangkin na ang nagtutulak sa mga tao ay pangunahing ang pagnanais na maging masaya, na magtipon ng kaligayan sa kanilang mga buhay. Gayunpaman, ang gayong konsepsiyon ng kaligayahan ay itinakwil ni Nietzsche bilang isang bagay na limitado at natatangi sa buhay bourgeois ng lipunang Ingles. Sa halip ay ibinigay niya ang ideya na ang kaligayahan ay hindi isang layunin sa sarili nito at sa halip ay isang kalalabasan ng isang matagumpay na pagpupursigi mga layunin ng isang tao na pakikipaglaban sa mga balakid ng mga aksiyon ng isang tao o sa ibang salita ay katuparan ng kalooban.

Walang hanggang pagbabalik

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang walang hanggang pagbabalik ay isang konsepto na nagpapalagay na ang uniberso ay nagpapaulit ulit at patuloy na magpapaulit ulit sa isang katulad sa sariling anyo ng walang hanggang bilang ng mga beses sa walang hanggang panahon o espasyon. Ito ay purong pisikal na konsepto na hindi kinsasangkutan ng supernatural na reinkarnasyon ngunit ang pagbabalik ng mga nilalang sa parehong mg akatawan. Naisip ni Nietzsche ang ideyang ito bilang isang "nakakatakot at nakapaparalisa" at nagsaad na ang bigat ang "pinakamabigat na bigat" na maiisip ("das schwerste Gewicht"). Ang kahilingan sa walang pagbabalik ng lahat ng mga pangyayari ang huling pagpapatibay ng buhay na isang reaksiyon sa pagpupuri ng pagtangga sa kaloobang mamuhay ni Schopenhauer. Upang maunawaan ang walaang paguulit ulit sa pananaw na ito at hindi lamang maging mapayapa rito kundi yakapin ito ay nangangailangan ng requires amor fati, "pag-ibig ng kapalaran".

Transbaluasyon ng mga pagpapahalaga

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa paghahayag ng konsepto ng transbaluasyon ng mga pagpapahalaga (Umwertung aller Werte) sa Der Antichrist, inihayag ni Nietzsche na ang Kristiyanismo hindi lamang bilang isang relihiyon kundi bilang nananaig na sistemang moral sa daigdig na Kanluraning ay sa katotohanan bumabaliktad ng kalikasan at kalaban ng buhay. Bilang "relihiyon ng awa", itinataas ng Kristiyanismo ang mahina sa malakas at dinadakila ang kahinaan sa kapinsalaan ng buong buhay at kasiglaan. Sinalungat ni Nietzsche ang Kristiyanismo halimbawa sa Budismo. Isinaad ni Nietzsche na bagaman ang Kristiyanismo ay "ang pakikibaka laban sa kasalanan", ang Budismo ay "pakikibaka laban sa pagdurusa". Para sa kanya, ang Kristiyanismo ay naglilimita at nagbababa ng sangkatauhan sa pamamagitan ng pag-atake sa natural at hindi maiiwasang mga udyok bilang masama (kasalanan) samantalang ang Budismo ay nagpapayo lamang na itakwil ang pagdurusa. Bagaman ang Kristiyanismo ay puno ng paghihiganti at pagkamuhi, ang Budismo ay nagtataguyod ng kabutihan bilang tagapagtaguyod ng kalusugan. Ang Budismo ay kanya ring iminungkahi na "tapat" sa dalawang mga relihiyong ito sa pagiging striktong phenomenalistiko nito at dahil "ang Kristiyanismo ay gumagawa ng libong mga pangako ngunit walang tinutupad". Ang pagiging martir sa halip na pagiging isang moral na mataas na saligan o posisyon ng kalakasan ay nagpapakita ng "kapurolan sa tanong ng katotohanan". Gayundin, sinalungat ni Nietzsche ang ika-19 na moralidad na Europeo sa bago ang Kristiyanismong kabihasanang Griyego. Dahil ayon kay Nietzsche, ang pagtatalik ay isang napakapundamental na pagpapatibay ng buhay sa pagiging napakaproseso nito ng kung saan nalilikha ang buhay, ang pagtaas ng Kristiyanismo sa pangingilin sa pakikipagtalik o selibasya halimbawa sa kuwento ng pagbubuntis na birhen ni Maria ay salungat sa mga natural na udyok ng sangkatauhan at kaya ay kontradiksiyon ng mga "natural na pagpapahalaga". Ang kasigasigan ni Nietzsche sa kanyang tinawag na "transbaluasyon ng lahat ng mga pagpapahalaga" ay nagmumula mula sa pagkamuhi sa Kristiyanismo at sa kabuuan ng sistemang moral na dumadaloy mula ito. Natanto niya ang balangkas na moral ng kabihasnang Kristiyano na mapang-alipin: ang pagpaparami ay kinutya bilang makasalanan at ang buhay bilang isa lamang pamumuhunan tungo sa walang balidad na pangako ng kabilang buhay: ang kamatayan ay nanaig sa buhay. Ang transbaluasyon ng lahat ng mga pagpapahalaga ay nangangahulugang pagluluwalhati ng buhay sa halip na pagluluwalhati sa pagdurusa at pagtanggap ng bawat udyok o pagnanasa bilang organiko at kaya ay lagpas sa saklaw ng pagkokondena. Ang hinahangad ng isang tao ay isa lamang kung ano ang hinahangad ng isa sa halip na makasalanan o banal. Ang ninanais ng isa ay produkto ng stimulus sa halip na produkto ng "kalooban".

Ipinakilala ni Nietzsche ang konsepto ng Übermensch (na isinaling overman o superhuman) bilang pagsalungat sa ibang daigdig ng Kristiyanismo. Walang kabuuang kasunduan tungkol sa tumpak na kahulugan ng Übermensch o sa kahalagahan ng konseptong ito sa pag-iisip ni Nietzsche. Ipinahayag ni Zarathrusta ang Übermensch bilang ang kahulugan ng daigdig at nagbabala sa kanyang manonood na huwag pansinin ang pangako ng mga pag-asa ng ibang daigdig upang ilayo sila mula sa daigdig. Ang paglayo mula sa daigdig ay inudyokan ng isang kawalang satispaksiyon sa buhay na isang kawalang satispaksiyon na nagsasanhi sa isang tao na lumnikha ng isa pang daigdig na ang gumawa sa isang tao na hindi masaya sa buhay na ito ay pahihirapan. Inihayag ni Zarathustra na ang pagtakas na Kristiyano mula sa daigdig na ito ay nangangailangan ng pag-iimbento ng walang hanggang kaluluwa na hihiwalay mula sa katawan at makapagpapatuloy sa kamatayan ng katawan. Ang bahagi ng pagiging ibang daigdig ang pagtakwil at mortipikasyon ng katawan o asetisismo. Karagdagan pang inugnay ni Zarathrusta ang Übermensch sa katawan at sa pagpapakahulugan ng kaluluwa bilang simpleng aspeto ng katawan. Itanghal ni Zarathustra ang overman bilang manlilikha ng mga bagong kahlugan at lumilitaw siya bilang solusyon sa problema ng kamatayan ng diyos at nihilismo. Ang overman ay hindi sumusunod sa moralidad ng karaniwang tao dahil pinapaboran nito ang mediokridad ngunit sa halip ay tumataas sa nosyon ng mabuti at masama at sa taas ng kawan. Sa paraang ito, pinahayag ni Zarathrusta ang kanyang huling layunin bilang paglalakbay tungo sa katayuan ng overman. Ninais niya ang isang uri ng ebolusyong espiritwal ng kamalayan sa sarili at pagtalo sa mga tradisyonal na pananaw ng moralidad at hustisya na nagmumula sa mga paniniwalang superstisyon na malalim pa ring nakaugat o nakaugnya sa nosyon ng diyos at Kristiyanismo. Inugnay ni Zarathustra ang overman sa kamatayan ng diyos. Bagaman ang diyos na ito ang huling ekspresyon ng mga pagpapahalaga ng ibang daigdig at mga udyok na nagpanganak sa mga pagpapahalagang ito, ang paniniwala sa diyos ay gayunpaman nagbigay ng kahulugan sa buhay sa isang panahon. Ang "diyos ay patay" ay nangangahulugang ang ideya ng diyos ay hindi na makapagbibigay ng mga pagpapahalaga. Sa hindi kakayanan ng tanging pinagmumulan ng mga pagpapahalagang ito , may isang tunay na tsansa na ang nihilismo ay mananaig. Itinanghal ni Zarathrusta ang overman bilang manlilikha ng mga bagong pagpapahalaga. Sa paraang ito, ito ay lumilitaw na isang solusyon sa problema ng kamatayan ng diyos at nihilismo. Kung ang overman ay lumikha ng mga bagong pagpapahalaga sa loob ng vacuum ng moral ng nihilismo, walang bagay na hindi mapangangatwiran ng malikhaing aktong ito. Sa alternatibo, sa kawalan ng paglikhang ito, walang mga saligan na pagbabatikusan o pangangatwiranan ng anumang aksiyon kabilang ang mga partikular na pagpapahalaga at mga paraan kung saan ito prinomulga. Upang maiwasan ang pagkahulog sa idealismong platoniko o asetisismo, ang paglikha ng mga bagong pagpapahalagang ito ay hindi mauudyokan ng parehong mga udyok na nagpanganak sa mga tabla ng pagpapahalagang iyon. Sa halip, ang mga ito ay dapat udyokan ng isang pag-ibig sa daigdig na ito at ng buhay. Bagaman, nadiagnose ni Nietzsche ang sistemang pagpapahalaga na Kristiyano bilang isang reaksiyon laban sa buhay at kaya ay nakawawasak sa isang kahlugan, ang mga bagong kahulugan na ang overman ay magiging responsable ay nagpapatibay ng buhay at malikhain. Unang inihayag ni Zarathustra ang overman bilang isang layunin na maaaring itakda ng sangkatauhan para sa sarili nito. Ang lahat ng buhay pantao ay bibigyan ng kahulugan kung paaano ito nagsulong isang bagong henerasyon ng mga tao. Ang paghahangad ng isang babae ay manganak sa overman halimbawa; ang kanyang mga relasyon sa mga lalake ay hahatulan sa pamantayang ito. Sinalungat ni Zarathrussta ang overman sa huling tao ng modernidad na egalitariano na isang alternatibong layunin na maaaring itakda ng sangkatauhan para sa sarili nito. Ang huling tao ay lumilitaw lamang sa Alsa Sprach Zarathrusta at itinanghal bilang isang kondisyon na gagawa sa paglikha ng overman na imposible

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Fewster, J. C. (1992). "Au Service de l'ordre: Paul Bourget and the Critical Response to Decadence in Austria and Germany". Comparative Literature Studies. 29 (3): 259–275. JSTOR 40246837.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. The pre-Platonic philosophers.
  3. Meyer-Sickendiek, Burkhard, "Nietzsche's Aesthetic Solution to the Problem of Epigonism in the Nineteenth Century", ed. Paul Bishop, Nietzsche and Antiquity: His Reaction and Response to the Classical Tradition, Woodbridge, UK: Boydell & Brewer, 2004. p. 323
  4. "The Anarchism of Émile Armand". The Anarchist Library.
  5. The Cambridge Companion to Nietzsche. Cambridge University Press. 1996. p. 129.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Nietzsche and Soviet Culture: Ally and Adversary.
  7. Pio Baroja.
  8. Pawlett, William. Jean Baudrillard: against banality.
  9. Kaufmann 1974, p. 412.
  10. "Towards a Genealogical Feminism: A Reading of Judith Butler's Political Thought". Palgrave Journals. 4 (1). Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2016-05-31. Nakuha noong 2013-02-05.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. "Berdyczewsky, Micah Joseph". Jewish Encyclopædia.
  12. Aschheim, Steven E (1992). The Nietzsche legacy in Germany, 1890–1990. University of California Press mr Neil at sarinna teacher. p. 56.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. Hawkins, Mike (2000). "The foundations of fascism: The world views of Drieu la Rochelle". Journal of Political Ideologies. 5 (3): 321–41.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. Reevaluating Postcolonial Theory in Lawrence Durrell's Alexandria Quartet, CA: University of Alberta, inarkibo mula sa ang orihinal noong 2012-09-29, nakuha noong 2013-02-05{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. John, Worthen. D.H. Lawrence: The Early Years, 1885–1912.
  16. Robert, Montgomery. The Visionary D. H. Lawrence: Beyond Philosophy and Art.
  17. Sheridan, Alan. André Gide: a life in the present.
  18. "Kahlil Gibran". Encyclopedia of World Biography.
  19. The Nietzsche legacy in Germany, 1890–1990.
  20. Troubling legacies: migration, modernism and fascism in the case of Knut Hamsun.
  21. Jünger, Ernst (2011), "Part 2 Alain de Benoist", The Figure of The Worker Between the Gods & the Titans, blg. 4, inarkibo mula sa orihinal noong 2014-09-19, nakuha noong 2021-10-16{{citation}}: CS1 maint: bot: original URL status unknown (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  22. Kaufmann 1974, pp. 214–15.
  23. The Columbia encyclopedia of modern drama. Bol. 1. Also, one of Krleža's first works was called Zarathustra and young man.
  24. Morality and the literary imagination.
  25. The Philosophy of Jack London, Sonoma, inarkibo mula sa ang orihinal noong 2013-05-03, nakuha noong 2013-02-05{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link).
  26. Pusey, James Reeve. Lu Xun and evolution.
  27. MahlerandNietzsche. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2012-04-19. Nakuha noong 2013-02-05.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  28. Witt, Mary Ann Frese (2001). The search for modern tragedy: aesthetic fascism in Italy and France. Cornell University Press. pp. 139–41.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  29. Nietzsche and Soviet Culture: Ally and Adversary.
  30. Understanding Robert Musil.
  31. Starrs, Roy. Deadly dialectics: sex, violence, and nihilism in the world of Yukio Mishima.
  32. Törnqvist, Egil. Eugene O'Neill: a playwright's theatre.
  33. The Poets' Jesus: Representations at the End of a Millennium.
  34. The Importance of Nietzsche: Ten Essays.
  35. Golomb, Jacob; Santaniello, Weaver; Lehrer, Ronald. Nietzsche and depth psychology.
  36. Robert, Aldrich. Who's Who in Gay and Lesbian History.
  37. Schneck, Stephen Frederick. Person and polis: Max Scheler's personalism as political theory.
  38. Solms-Laubach, Franz; Solms-Laubach, Franz. Nietzsche and early German and Austrian sociology.
  39. Douglas, Allen (1992). From fascism to libertarian communism: Georges Valois against the Third Republic. University of California Press. pp. 14–15.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  40. Robert Anton Wilson talks about Alfred Korzybski, Friedrich Nietzsche,...
  41. Golomb 1997.
  42. Kaufmann 1974, p. 22.
  43. Ronald Hayman (1980) Nietzsche: A Critical Life, Oxford University Press, pg. 42.
  44. Joachim Kohler (1998), Nietzsche & Wagner: A Lesson in Subjugation, Yale University Press, pg. 17.
  45. R.J. Hollingdale (1999), Nietzche: The Man and his Philosophy, Cambridge University Press, pg. 21.
  46. Schaberg, William (1996), The Nietzsche Canon, University of Chicago Press, p. 32{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link).
  47. Nietzsche, Letter to His Sister (1865). Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2012-11-24. Nakuha noong 2013-02-06.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)