Kaluluwa

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Para sa ibang gamit, tingnan ang Soul (paglilinaw).
Para sa ibang gamit, tingnan ang Espiritu (paglilinaw).

Ang kaluluwa (Ingles: soul, spirit) ay tumutukoy sa espiritu o ispirito ng tao o isang nilalang. Binabaybay din itong kalulwa (may isang titik na u lang subalit mas pormal ang may dalawang u na kaluluwa) at maaaring tumukoy sa mismong nilalang o tao. Tinatawag din itong katao.[1] Itinuturing din itong katumbas ng mga salitang hilagyo, multo, bibit, pangitain, Diyos, sentro, ubod, kalangitan, modelo, huwaran, pagsasakatao (katulad na sa isang katangian), katauhan, at pinuno; maging para sa isang taong pinanggagalingan ng inspirasyon; at pati sa mismong damdamin ng tao.[2] Sa kagamitan sa Ingles, tumutukoy din ang soul sa bagay na may kaugnayan sa mga Negro o pang-taong maitim ang balat[2], partikular na ang sa tugtugin o awiting kilala bilang musikang Soul.

Pinaghalawan[baguhin | baguhin ang batayan]

Halaw ang salitang kaluluwa sa ugat na duwa/dalawa. Ang kaluluwa ang ka-dalawa ng isang tao, isang konseptong katulad ng Doppelgänger ng mga aleman.

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. Blake, Matthew (2008). "soul, spirit, kaluluwa, kálulwa, tao, katao". Tagalog English Dictionary-English Tagalog Dictionary. Bansa.org.  External link in |title= (help), tingnan sa soul.
  2. 2.0 2.1 Gaboy, Luciano L. Soul - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com. 


Pananampalataya Ang lathalaing ito na tungkol sa Pananampalataya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.