Pumunta sa nilalaman

Confucio

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Confucius
Kapanganakan551 BCE (Huliyano)[1]
  • (Jining, Shandong, Republikang Bayan ng Tsina)
Kamatayan479 BCE (Huliyano)[2]
    • Lu
  • (Shandong, Republikang Bayan ng Tsina)
MamamayanLu
Trabahopilosopo,[3] guro, manunulat
AnakKong Li
Magulang
  • Shu-liang He
  • Yan Zhengzai
PamilyaMeng Pi

Si Confucius, K'ung-tze, o K'ung-Qiu (Tsino: 孔夫子; pinyin: Kǒng Fūzǐ, 551 BK - 479 BK) ay isang Tsinong guro, patnugot, politiko, at pilosopo ng Panahong Tagsibol at Taglagas sa kasaysayan ng Tsina.[4]

Si Confucius ang sinasabing nag-akda at namatnugot ng marami sa mga klasikong teksto ng Tsina kabílang ang lahat ng Five Classics, ngunit ang mga makabagong iskolar ay maingat sa pagbibigay ng tiyak na mga asersiyon kay Confucius. Ang mga Aphorism na tungkol sa kaniyang mga turò pinagsáma-sáma sa mga Analekto [en], mga ilang taon matapos siyang mamatay.

Ang prinsipiyo ni Confucius ay nakabase sa mga paniniwala at tradisyonng mga tsino. Pinalaganap niya ang matatag na katapatan sa pamilya, paggalang sa mga sumakabilang-buhay, paggalang ng mga bata sa mga matanda at ng mga bána sa kanilang asawa. Pinapayo niya rin na gawing basihan ang pamilya para sa isang ulirang pamahalaan. Siya ang yumakap sa tanyag na prinsipyong "Huwag mong gagawin sa iba ang ayaw mong gawin din nila sa iyo", ang Ginintuang patakaran.

Siya ang nagtatag ng Confucianismo noong panahon ng Dinastiyang Zhou sa Tsina. Tumutuon ang Confucianismo sa mabuting asal ng mga tao na dapat nilang pagbutihin. Layunin nito na magkaroon ng isang tahimik at organisadong lipunan sa pamamagitan ng pagpapabuti sa sarili at pagpapahalaga sa ugnayan ng mga tao sa lipunan.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Andrew Bell, Encyclopædia Britannica (sa wikang Ingles), Illustrator: Andrew Bell, Encyclopædia Britannica Inc., OCLC 71783328, biography/Confucius, Wikidata Q455, nakuha noong 18 Marso 2019{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. https://plato.stanford.edu/archives/spr2012/entries/confucius/; hinango: 2 Enero 2017.
  3. https://cs.isabart.org/person/79392; hinango: 1 Abril 2021.
  4. Preece], [gen. ed.: Warren E. (1973). Encyclopædia Britannica, vol. 6 (sa wikang Ingles) (ika-14. ed., reprinted. (na) edisyon). Chicago [u.a.]: Encyclopædia Britannica, Inc. p. 310-312. ISBN 0-85229-173-6. {{cite book}}: |access-date= requires |url= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)

TalambuhayKasaysayanTsina Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay, Kasaysayan at Tsina ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.