Pumunta sa nilalaman

Kaugalian

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Tradisyon)
Isang babae na sinasalubong ang Shabbat, isang kauglian na mula pa noong 3,300 taon na nakalipas

Ang tradisyon o kaugalian ay isang sistema ng mga paniniwala o pag-uugali (katutubong kaugalian) na ipinasa sa loob ng isang pangkat ng mga tao o lipunan na may simbolikong kahulugan o espesyal na kahalagahan na may mga pinagmulan sa nakaraan.[1][2] Isang bahagi ng mga ekspresyong pangkalinangan at kuwentong-bayan, kinabibilangan ng mga karaniwang halimbawa ang mga pista opisyal o hindi praktikal subalit makabuluhan sa lipunan na mga damit (tulad ng mga peluka ng mga abogado o mga espuewela ng mga opisyal ng militar), subalit inilapat din sa mga kaugalian at gawi ng lipunan tulad ng mga pagbati atbp. Sa Pilipinas, isang halimbawa ng kaugaliang Pilipino ang paghalik sa kamay o pagmano sa mga matatanda, pagiging malapit sa pamilya, at lakas ng loob.

Maaaring magpatuloy ang mga tradisyon at umunlad sa loob ng libu-libong taon—nagmula mismo ang salitang tradisyon mismo sa salitang Latin na tradere na literal na nangangahulugang ihatid, ibigay, ibigay para sa pag-iingat. Bagama't ipinapalagay na may sinaunang kasaysayan ang mga tradisyon, maraming mga tradisyon ang sadyang naimbento, maging ito man ay pampulitika o pangkalinangan, sa loob ng maikling panahon. Ginagamit din ng iba't ibang disiplinang akademiko ang salita sa iba't ibang paraan.

Ang sumasagabal na pariralang "ayon sa kaugalian", o "sa pamamagitan ng kaugalian", ay karaniwang nangangahulugan na alam lamang ang anumang impormasyong sinusunod ng oral na tradisyon, subalit hindi sinusuportahan (at marahil ay maaaring pabulaanan) ng pisikal na dokumentasyon, ng isang pisikal na artipakto, o iba pa na ebidensyang mahusay. Nagpapahiwatig ang kaugalian ng kalidad ng isang piraso ng impormasyong tinatalakay. Halimbawa, "Ayon sa tradisyon, ipinanganak si Homero sa Quios, subalit maraming iba pang mga lugar ang may kasaysayang nag-aangkin sa kanya bilang kanila." Maaaring hindi kailanman mapatunayan o mapabulaanan ang tradisyong ito.

Ang mga tradisyon ay paksa ng pag-aaral sa ilang akademikong larangan, lalo na sa humanidades at agham panlipunan, tulad ng antropolohiya, arkeolohiya, kasaysayan, at sosyolohiya .

Ang konseptuwalisasyon ng tradisyon, bilang ang paniwala ng paghawak sa isang nakaraang panahon, ay matatagpuan din sa pampulitika at pilosopikal na diskurso. Halimbawa, ito ang batayan ng pampulitikang konsepto ng tradisyonalismo, at pati na rin sa maraming relihiyon sa daigdig kabilang ang tradisyonal na Katolisismo. Sa artistikong konteksto, ginagamit ang tradisyon upang bigyan kapasyahan ang tamang pagpapakita ng isang anyo ng sining. Halimbawa, sa pagganap ng mga tradisyunal na uri (tulad ng tradisyonal na sayaw), binibigyang higit na kahalagahan ang pagsunod sa mga alituntunin na nagdidikta kung paano dapat buuin ang isang anyo ng sining kaysa sa sariling kagustuhan ng tagapalabas. Maraming salik ang maaaring magpalala sa pagkawala ng kaugalian, kabilang ang industriyalisasyon, globalisasyon, at ang asimilasyon o marginalisasyon ng mga partikular na pangkat ng kultura. Bilang tugon dito, sinimulan na ngayon ang mga pagtatangka at inisiyatiba sa pagpapanatili ng kaugalian sa maraming bansa sa buong mundo, na nakatuon sa mga aspeto tulad ng mga tradisyonal na wika. Karaniwang ikinukumpara ang tradisyon sa layunin ng modernidad at dapat na maiiba sa mga kustumbre, kumbensyon, batas, pamantayan, gawain, tuntunin at katulad na mga konsepto.

Ang mga tekstuwal na tradisyon ng mga nakagapos na manuskrito ng Sefer Torah (rolyong Torah) ay ipinasa na nagbibigay ng karagdagang mga puntong patinig, mga marka ng pagbigkas, at mga diin sa punto sa tunay na Tekstong Masoretiko ng Bibliyang Hudyo, na kadalasang batayan para sa mga pagsasalin ng Lumang Tipan ng Kristiyanismo.

Ang salitang Tagalog na tradisyon ay nagmula sa Latin na traditio sa pamamagitan ng Kastilang tradicion; ang pangngalan Latin ay mula sa pandiwang tradere (ihatid, ipasa, ibigay para ingatan); orihinal na ginamit ito sa batas ng Roma upang tukuyin ang konsepto ng legal na paglilipat at mana.[3][4] Ayon kay Anthony Giddens at iba pa, ang modernong kahulugan ng tradisyon ay nabago sa panahon ng Kaliwanagan, sa pagsalungat sa modernidad at pag-unlad.[3][5][6]

Ang likas na salitang Tagalog para sa tradicion ay "kaugalian" at sa mas malalim na Tagalog ay "pinamulihanan".[7] Bagaman, ang salitang "kaugalian" ay kasingkahulugan din ng "kustumbre", "norma", "kasanayan", "nakagawian" (o habit sa Ingles) o ugali. Kaugnay din ng salitang "kaugalian" ang mga salitang tradisyunal, pinagkaugalian o kinaugalian, at simula.[7][8] Katumbas din ito ng diwang "pagsasalin ng ari-arian sa ibang tao".[8] Ayon kay Jose Abriol, katumbas ang tradisyon ng pariralang sali't saling aral.[9]

Tulad ng maraming iba pang mga katawagang panlahat, maraming mga kahulugan ang tradisyon.[1][4][10] Kasama sa konsepto ang ilang magkakaugnay na ideya; ang pinag-iisa ay tumutukoy ang kaugalian sa mga paniniwala, bagay o kustumbre na isinagawa o pinaniniwalaan sa nakaraan, na nagmula dito, na ipinadala sa pamamagitan ng panahon sa pamamagitan ng pagtuturo ng isang henerasyon sa isa pa, at ginagawa o pinaniniwalaan sa kasalukuyan.[1][2]

Ang tradisyon ay maaari ding tumukoy sa mga paniniwala o kustumbre na Prehistoriya, na may nawala o arkano na pinagmulan, na umiiral mula pa noong una.[11] Sa orihinal, ipinasa ang mga tradisyon nang pasalita, nang hindi nangangailangan ng sistema ng pagsulat. Kasama sa mga kagamitan upang tulungan ang prosesong ito ang mga kagamitang patula tulad ng rima, mga kuwentong epiko at aliterasyon. Tinutukoy din bilang kaugalian ang mga kuwentong napreserba sa gayong paraan, o bilang bahagi ng isang oral na tradisyon. Maging ang gayong mga kaugalian, gayunpaman, ay ipinapalagay na nagmula (na "imbento" ng mga tao) sa isang punto.[2][3] Madalas na ipinapalagay ang mga tradisyon na makaluma, hindi nababago, at napakahalaga, kahit na minsan ay hindi gaanong "natural" ang mga ito kaysa sa ipinapalagay.[12][13] Ipinapalagay na hindi bababa sa dalawang transmisyon sa tatlong henerasyon ang kinakailangan para ang isang kasanayan, paniniwala o bagay na makikita bilang tradisyonal.[11] Ang ilang mga kaugalian ay sadyang ipinakilala para sa isang kadahilanan o iba pa, kadalasan upang itampok o pahusayin ang kahalagahan ng isang institusyon o katotohanan.[14] Maaari ding iakma ang kaugalian upang umangkop sa mga pangangailangan ng araw, at maaaring tanggapin ang mga pagbabago bilang bahagi ng sinaunang tradisyon.[12][15] Mabagal na nagbabago ang tradisyon, kung saan nakikitang makabuluhan ang mga pagbabago mula sa isang henerasyon patungo sa isa pa.[16] Kaya, hindi mulat ng kamalayan sa pagbabago ang mga nagsasagawa ng mga kaugalian, at kahit na sumailalim ang isang kaugalian sa malalaking pagbabago sa maraming henerasyon, makikita ito na hindi nagbabago.[16]

May iba't ibang pinagmulan at larangan ng kaugalian; maaari silang matukoy bilang:

  1. ang mga anyo ng artistikong pamana ng isang partikular na kalinangan.
  2. mga paniniwala o kustumbre na itinatag at pinananatili ng mga lipunan at pamahalaan, tulad ng mga pambansang awit at pambansang pista opisyal, tulad ng mga pista opisyal ng Pederal sa Estados Unidos.[12][13]
  3. mga paniniwala o kustumbreng pinananatili ng mga relihiyong denominasyon at mga katawan ng Simbahan na nagbabahagi ng kasaysayan, kustumbre, kalinangan, at, sa ilang kaso, katawan ng mga turo.[17][3] Halimbawa, masasabi ng isa ang kaugalian ng Islam o kaugalian ng Kristiyanismo.

Maaaring tradisyonal ang maraming bagay, paniniwala at kustumbre.[2] Maaaring tradisyonal ang mga ritwal ng pakikipag-ugnayang panlipunan, na may mga parirala at kilos tulad ng pagsasabi ng "salamat", pagpapadala ng mga anunsyo ng kapanganakan, mga kard na pambati, atbp.[2][18][19] Maari din na tumukoy ang tradisyon sa mas malalaking konsepto na ginagawa ng mga pangkat (tradisyong pampamilya sa Pasko[19]), mga organisasyon (piknik ng kumpanya) o mga lipunan, tulad ng pagsasagawa ng mga pambansa at pampublikong pista.[12][13] Kinabibilangan sa ilan sa mga pinakalumang kaugalian ang monoteismo (tatlong milenyo) at pagkamamamayan (dalawang milenyo).[20] Maaari rin itong kinabibilangan ng mga materyal na bagay, tulad ng mga gusali, gawa ng sining o mga kasangkapan.[2]

Ang tradisyon ay kadalasang ginagamit bilang isang pang-uri, sa mga konteksto tulad ng tradisyonal na musika, tradisyonal na gamot, tradisyonal na mga kahalagahan at iba pa.[1] Sa ganitong mga konstruksiyon, tumutukoy ang kaugalian sa mga tiyak na halaga at materyal partikular sa tinalakay na konteksto, na ipinasa sa mga henerasyon.[3]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 Thomas A. Green (1997). Folklore: an encyclopedia of beliefs, customs, tales, music,or art (sa wikang Ingles). ABC-CLIO. p. 800. ISBN 978-0-87436-986-1.
  2. 2.0 2.1 2.2 2.3 2.4 2.5 Shils 12 (sa Ingles)
  3. 3.0 3.1 3.2 3.3 3.4 Anthony Giddens (2003). Runaway world: how globalization is reshaping our lives (sa wikang Ingles). Taylor & Francis. p. 39. ISBN 978-0-415-94487-8.
  4. 4.0 4.1 Yves Congar (2004). The meaning of tradition (sa wikang Ingles). Ignatius Press. p. 9. ISBN 978-1-58617-021-9.
  5. Shils 3–6 (sa Ingles)
  6. Shils 18 (sa Ingles)
  7. 7.0 7.1 English, Leo James (1977). "Tradisyon". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731., pahina 1452.
  8. 8.0 8.1 Gaboy, Luciano L. Tradition - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  9. Abriol, Jose C. (2000). "Sali't saling aral, tradisyon". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077., pahina 1732.
  10. Pascal Boyer (1990). Tradition as truth and communication: a cognitive description of traditional discourse (sa wikang Ingles). Cambridge University Press. p. 7. ISBN 978-0-521-37417-0.[patay na link]
  11. 11.0 11.1 Shils 15 (sa Ingles)
  12. 12.0 12.1 12.2 12.3 Hobsbawm 2–3 (sa Ingles)
  13. 13.0 13.1 13.2 Hobsbawm 3–4 (sa Ingles)
  14. Hobsbawm 1 (sa Ingles)
  15. Langlois, S. (2001). "Traditions: Social". International Encyclopedia of the Social & Behavioral Sciences (sa wikang Ingles). pp. 15829–15833. doi:10.1016/B0-08-043076-7/02028-3. ISBN 978-0080430768.
  16. 16.0 16.1 Shils 14 (sa Ingles)
  17. Michael A. Williams; Collett Cox; Martin S. Jaffee (1992). Innovation in religious traditions: essays in the interpretation of religious change (sa wikang Ingles). Walter de Gruyter. p. 1. ISBN 978-3-11-012780-5.
  18. Pascal Boyer (1990). Tradition as truth and communication: a cognitive description of traditional discourse (sa wikang Ingles). Cambridge University Press. p. 8. ISBN 978-0-521-37417-0.[patay na link]
  19. 19.0 19.1 Handler, Richard; Jocelyn Innekin (1984). "Tradition, Genuine or Spurious". Journal of American Folklore (sa wikang Ingles). 29.
  20. Shils 16 (sa Ingles)