Aliterasyon
Sa panitikan, ang aliterasyon o paripantig ay isang uri ng tayutay na gumagamit ng pag-uulit ng unang ponema, titik o tunog upang magbigay ng kakaibang punto o istilo. Ito rin ang hayag na repetisyon ng magkakaparehong inisyal na mga tunog ng katinig sa sunod-sunod o malapit na magkaugnay na mga pantig sa loob ng isang pangkat ng mga salita, kahit na ang mga salita na iba ang pagkakabaybay.[1][2][3][4] Bilang isang paraan ng pagkakabit ng mga salita para sa epekto, tinatawag din ang aliterasyon sa Ingles bilang head rhyme (punong tugma) o initial rhyme (inisyal na tugma).[5] Ang mga halibawa sa Ingles ay "humble house", "potential power play",[6] "picture perfect", "money matters", "rocky road", o "quick question".[7][8] Sa Tagalog naman, ang ilang halimbawa ay "tansong tasa", "bababa ba?", o "putong puti". Isang pamilyar na halimbawa sa Ingles ang "Peter Piper picked a peck of pickled peppers". Sa Tagalog, popular na halimbawa ang "Minekaniko ng mekaniko ni Monico ang makina ng Minica ni Monica". Mula ang "aliterasyon" sa Latin na salitang littera, na nangangahulugang "titik ng alpabeto"; unang naimbento ang salita sa isang Latin na pag-uusap ng Italyanong humanistang si Giovanni Pontano noong ika-15 dantaon.[9] Ginagamit ang aliterasyon ng patula sa iba't ibang mga wika sa buong sanlibutan, kabilang ang Arabe, Irlandes, Aleman, Monggol, Unggaro, Wikang Senyas na Amerikano, Somali. Pinlandes, at Islandes.[10]
May ilang pampanitikang eksperto na tinatanggap ang aliterasyon bilang ang repetisyon ng mga tunog ng patinig.[11] Makitid na tumutukoy ang aliterasyon sa pag-uulit ng isang titik sa kahit anumang pantig, na, ayon sa metro ng tula, binibigyan-diin ito,[12][13] tulad sa Ingles na talata ni James Thomson na "Come…dragging the lazy languid line along".[14]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Beckson & Ganz (1989)
- ↑ Carey & Snodgrass (1999)
- ↑ Crews (1977, p. 437)
- ↑ Harmon (2012)
- ↑ Carey & Snodgrass (1999)
- ↑ Crews (1977, p. 437)
- ↑ "Alliteration - Examples and Definition of Alliteration". Literary Devices (sa wikang Ingles). 2021-01-29. Nakuha noong 2021-06-29.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Meredith, Joel L. (2000-10-25). Adventures in Alliteration (sa wikang Ingles). ISBN 978-1-4691-1220-6.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ W.M. Clarke, "Intentional Alliteration in Vergil and Ovid", Latomus, T. 35, Fasc. 2 (Abril–Hunyo 1976), pp. 276-300 (sa Ingles).
- ↑ Roper, Jonathan, ed. 2011. Alliteration in Culture. Palgrave MacMillan (sa Ingles).
- ↑ Beckson & Ganz (1989)
- ↑ "Alliteration, University of Tennessee Knoxville" (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2013-04-24. Nakuha noong 2013-09-10.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Definition of Alliteration, Bcs.bedfordstmartins.com" (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2013-07-03. Nakuha noong 2013-09-10.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Thomson, James (1986). The Castle of Indolence (sa wikang Ingles). ISBN 0-19-812759-6.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)