Tekstong Masoretiko

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang Tekstong Masoretiko (MT, 𝕸, o \mathfrak{M}) ang autoratibo at opisyal na Hebreong teksto ng bibliya ng Hudaismo na tinatawag ding Tanakh. Ang Tanakh ay katumbas ng Lumang Tipan sa bibliya ng Kristiyanismo. Ang Masoretiko ay umaayon sa 60 % ng Mga skrolyo ng Patay na Dagat na pinakamatandang manuskrito ng Tanakh. [1][2] Ang Masoretiko ay kinopya ng mga Hudyo na tinatawag na Masorte sa pagitan ng ika-7 hanggang ika-10 siglo CE. Ang pinakamatandang umiiral na manuskrito ng Masoretiko ay mula ika-9 na CE. [3]

Kaibahan sa Septuagint[baguhin]

Ang Septuagint ang Griyegong salin ng Tanakh(Hebreo) sa lenggwaheng Griyego na isinalin mula ika-3 hanggang ika-1 siglo BCE. Ang Septuagint ang pinagsipian ng mga may akda ng Bagong Tipan ng sinasabing mga hula ni Hesus. Ito rin ang pinagsipian ng mga ama ng simbahan. Ang Septuagint ay itinatakwil ng mga Hudyo na salin ng Tanakh dahil sa korupsiyon nito. Maraming pagkakaiba ang dalawang saling ito dahil ang Septuagint ay isinalin mula sa Hebreong teksto na iba sa pinagkopyahan ng Masoretiko.

Mga sanggunian[baguhin]

  1. Tov, E. 2001. Textual Criticism of the Hebrew Bible (2nd ed.) Assen/Maastricht: Van Gocum; Philadelphia: Fortress Press. Flint, Peter W. 2002. The Bible and the Dead Sea Scrolls as presented in Bible and computer: the Stellenbosch AIBI-6 Conference: proceedings of the Association internationale Bible et informatique, "From alpha to byte", University of Stellenbosch, 17–21 July, 2000 Association internationale Bible et informatique. Conference, Johann Cook (ed.) Leiden/Boston BRILL, 2002]
  2. Laurence Shiffman, Reclaiming the Dead Sea Scrolls, p. 172
  3. A 7th century fragment containing the Song of the Sea (Exodus 13:19-16:1) is one of the few surviving texts from the "silent era" of Hebrew biblical texts between the Dead Sea Scrolls and the Aleppo Codex. See "Rare scroll fragment to be unveiled," Jerusalem Post, May 21, 2007.