Awtoritarismo
Ang awtoritarismo ay isang uri ng pamahalaan na nakikilala sa pamamagitan ng pagtanggi sa pampolitikang pluralidad o nakakarami, paggamit ng isang malakas na sentral na kapangyarihan upang ipreserba ang pampolitikang status quo, at mga pagbabawas sa pananaig ng batas, paghihiwalay ng mga kapangyarihan, at demokratikong pagboto.[1] Nilikha ng mga siyentipikong pampolitika ang maraming tipolohiya na nilalarawan ang mga kaibhan ng mga awtoritaryong uri ng pamahalaan.[1] Maaring likas na awtokratiko o oligarkiko ang mga rehimeng awtoritarismo at maaring nakabatay sa pananaig ng isang partido o militar.[2][3]
Sa maimpluwensyang gawa noong 1964,[4] binigyan kahulugan ng siyentipikong pampolitika na si Juan Linz ang awtoritarismo na nagtataglay ng apat na katangian:
- Limitadong pampolitikang pluralismo, na pinagtanto sa mga pambabraso sa lehislatura, mga partidong pampolitika at mga grupong interes.
- Binatay ang pampolitikang pagkalehitimo sa mga apela sa emosyon at pagkakakilanlan ng rehimen bilang kinakailangang kasamaan upang labanan ng "madalian ang nakikilalang mga problemang panlipunan, tulad ng mahinang pag-unlad o insurhensiya."
- Napakaliit na pampolitikang pagpapakilos, at pagpigil sa mga aktibidad kontra sa rehimen.
- Hindi malinaw na kapangyarihang ehekutibo, na kadalasang walang-katiyakan at papalit-palit, na pinapahaba ang kapangyarihan ng ehekutibo.[5][6]
Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang wikitext]
- ↑ 1.0 1.1 Furio Cerutti (2017). Conceptualizing Politics: An Introduction to Political Philosophy (sa wikang Ingles). Routledge. pa. 17. Sipi:
Political scientists have outlined elaborated typologies of authoritarianism, from which it is not easy to draw a generally accepted definition; it seems that its main features are the non-acceptance of conflict and plurality as normal elements of politics, the will to preserve the status quo and prevent change by keeping all political dynamics under close control by a strong central power, and lastly, the erosion of the rule of law, the division of powers, and democratic voting procedures.
- ↑ Natasha M. Ezrow & Erica Frantz (2011). Dictators and Dictatorships: Understanding Authoritarian Regimes and Their Leaders (sa wikang Ingles). Continuum. pa. 17.
- ↑ Brian Lai & Dan Slater (2006). "Institutions of the Offensive: Domestic Sources of Dispute Initiation in Authoritarian Regimes, 1950-1992". American Journal of Political Science (sa wikang Ingles). 50 (1): 113–126. doi:10.1111/j.1540-5907.2006.00173.x. JSTOR 3694260.
{{cite journal}}
: CS1 maint: uses authors parameter (link) - ↑ Richard Shorten, Modernism and Totalitarianism: Rethinking the Intellectual Sources of Nazism and Stalinism, 1945 to the Present Naka-arkibo 2020-01-09 sa Wayback Machine. (Palgrave Macmillan, 2012), p. 256 (note 67): "For a long time the authoritative definition of authoritarianism was that of Juan J. Linz." (sa Ingles)
- ↑ Juan J. Linz, "An Authoritarian Regime: The Case of Spain," sa Erik Allardt at Yrjö Littunen, mga pat., Cleavages, Ideologies, and Party Systems: Contributions to Comparative Political Sociology (Helsinki: Transactions of the Westermarck Society), pp. 291-342. Muling inimprenta sa Erik Allardt & Stine Rokkan, mga pat., Mas Politics: Studies in Political Sociology (New York: Free Press, 1970), pp.251-83, 374-81 (sa Ingles).
- ↑ Gretchen Casper, Fragile Democracies: The Legacies of Authoritarian Rule Naka-arkibo 2020-01-09 sa Wayback Machine. (University of Pittsburgh Press, 1995), pp. 40–50 (binabanggit si Linz 1964, sa Ingles).