Pumunta sa nilalaman

Kalakalan

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Gdańsk noong ika-17 na siglo
Ang tindahan ng mga prutas sa palengke.

Ang kalakalan ay isang kusang palitan ng mga produkto, serbisyo, o pareho. Tinatawag din ng kalakalan ang komersyo. Ang mekanismo na pinapahintulutan ang kalakalan ay tinatawag na pamilihan. Ang pinagmulan ng kalakalan ay baligya, ang tuwirang palitan ng mga produkto at mga serbisyo. Ang mga makabagong mangangalakal ay nakikipagkasundo nang pangkalahatan sa halip, sa pamamagitan ng midyum ng palitan, tulad ng salapi. Ang bunga nito ay ang paghihiwalay ng pamimili sa pagtitinda, o pag-iipon. Ang pag-imbento ng salapi (at sumunod ang salaping pautang, salaping papel at di-pisikal na salapi) ay nagpapagaan sa takbo ng kalakalan. Ang kalakalan na may pagitan ng dalawang mangangalakal ay tinatawag na kalakalang bilateral, samantala ang kalakalan na may higit sa dalawang mangangalakal ay tinatawag na kalakalang multilateral.

Ang pag-iiral ng kalakalan ay may maraming dahilan. Nang dahil sa pagpapakadalubhasa at pagkakahati ng paggawa, karamihan sa mga tao ay nakatutok sa maliit na aspekto ng produksiyon, pangangalakal para sa ibang mga produkto. Umiiral ang kalakalan sa pagitan ng mga rehiyon dahil ang iba't ibang rehiyon ay may mga pahambing na kainaman sa produksiyon ng ibang kalakal, o dahil sa lawak ng iba't ibang rehiyon na pinapahintulutan para sa benepisyo ng maramihang produksiyong tulad ng mga presyo sa pamilihan sa pagitan ng mga kinaroroonan ay napapakinabangan ng parehong lunan.

Ang pangangalakal ay tumutukoy rin sa mga aksiyon na ginagampanan ng mga mangangalakal at ang mga ibang ahenteng pangkalakalan sa mga kalakalang pampananalapi.

Negosyo Ang lathalaing ito na tungkol sa Negosyo ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.