Pilosopiya ng batas
Ang pilosopiya ng batas ay isang sangay ng pilosopiya at hurisprudensiya na nagsasagawa ng pag-aaral hinggil sa saligang mga katanungan patungkol sa batas at mga sistemang legal (sistemang pambatas), na katulad ng "ano ba ang batas?", "ano ba ang saligan para sa pagiging katanggap-tanggap na makabatas?", "ano ba ang ugnayan sa pagitan ng batas at moralidad?", at iba pang kahalintulad na mga tanong. Ang pilosopiyang pambatas o pilosopiyang legal na kasalukuyang isinasagawa ng mga akademiko ay pangunahing mayroong pinagsimulan at perspektibong Kanluranin (Makakanluran). Ang mga ideya ng tradisyong pambatas na nagmula sa Kanlurang Mundo ay naging malaganap sa buong mundo, kung kaya't nakakahalina na tanawin ang mga ito bilang pandaigdigan.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Batas at Pilosopiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.