Pumunta sa nilalaman

Kontrata

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang isang kontrata ay isang legal na kasunduan o pangako sa pagitan ng dalawa o marami pang mga tao.

Ang kontrata ay isang pangako o kasunduang legal sa pagitan ng dalawa o mahigit pang mga partido at maaaring ipatupad ng batas. Ipapatupad ng batas ang ilang mga kasunduan subalit hindi ang iba. Ang mga makabatas na mga patakaran na nangangakong ipatupad ng batas ay maaaring magkakaiba sa iba't ibang mga lugar o mga hurisdiksiyon, subalit ang isang kontrata ay karaniwang ipinatutupad lamang kung ginawa ito ng mga tao o mga pangkat ng mga taong nais itong tupdin at kung alam nila ang kanilang mga ginagawa. Kung minsan, isinusulat ang kontrata at nilalagdaan ng mga taong pumapayag dito, subalit hindi palaging kailangang nakasulat. Karaniwang pumipirma ang mga tao kapag may isang mahalagang bagay o mataas ang presyo ng bagay na ginagawa, katulad ng kontrata sa hanapbuhay. Kapag may isang taong lumabag sa kontrata, may ibang taong maaaring magdemanda o maghabla laban sa taong lumabag sa kontrata. Sa paghahablang ganito, titingnan ng hukuman ang kontrata, makikinig sa mga sasabihin ng taong gumawa ng kontrata, at pagkaraan ay saka magpapasya hinggil sa kahulugan ng kontrata.


Batas Ang lathalaing ito na tungkol sa Batas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.