Sun Tzu

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Sun Tzu
Isang bantayog ni Sun Tzu
Bantayog ni Sun Tzu sa Yurihama, Tottori, sa Hapon
KapanganakanSun Wu
544 BK (tradisyonal)
Qi or Wu, Zhou Kingdom
Kamatayan496 BK (tradisyonal; edad 47–48)
Gusu, Wu, Kahariang Zhou
TrabahoHeneral sa militar, taktiko, manunulat, pilosopo
PanahonPanahong Tagsibol at Taglagas
PaksaEstratehiyang militar
(Mga) kilalang gawaAng Sining ng Pakikidigma
Sun Tzu
Sunzi (Chinese characters).svg
"Sun Tzu" sa sinaunang selyong sulat (itaas), karaniwang Tradisyonal (gitna) at Pinapayak (ibaba) na titik Tsino
Pangalang Tsino
Tradisyonal na Tsino 孫子
Pinapayak na Tsino 孙子
Kahulugang literal "Master Sun"
Sun Wu
Tradisyonal na Tsino 孫武
Pinapayak na Tsino 孙武
Changqing
Tradisyonal na Tsino 長卿
Pinapayak na Tsino 长卿
Pangalang Biyetnames
Biyetnames Tôn Vũ
Hán-Nôm 孫武
Pangalang Koreano
Hangul 손무
Hanja 孫武
Pangalang Hapones
Kanji 孫武 o 孫子
Hiragana そんぶ o そんし

Si Sun Tzu ( /sn ˈdz,_sn ˈs/;[1][2] Tsino: 孫子; pinyin: Sūnzǐ) ay isang Tsinong heneral, estratehistang militar, manunulat at pilosopo na nabuhay sa panahong Silangang Zhou ng sinaunang Tsina. Kinaugaliang kinikilala si Sun Tzu bilang may-akda ng Ang Sining ng Pakikidigma, isang maimpluwensyang akda ng estratehiyang militar na kapwa nakaapekto sa Kanluraning at Silangang Asyanong pilosopiya at kaisipang militar. Mas nakatuon ang kanyang mga akda sa mga alternatibo sa labanan, tulad ng panlalang, pagpapaliban, paggamit ng mga maniktik at mga alternatibo sa digmaan mismo, pagbubuo at pagpapanatili ng mga alyansa, paggamit ng panlilinlang at pagkukusang pasakop, kahit pansamantala lamang, sa mga mas malalakas na kalaban.[3] Pinagpipitaganan si Sun Tzu sa kulturang Tsino at Silangang Asyano bilang isang maalamat na tauhan sa kasaysayan at militar. Ang kanyang pangalan sa kapanganakan ay Sun Wu (Tsino: 孫武) at kilala siya bilang Changqing (Tsino: 長卿), ang kanyang pangalang panggalang, sa labas ng kanyang pamilya.[kailangan ng sanggunian] Ang pangalang Sun Tzu kung saan siya ay kinikilala sa Kanluraning Mundo ay isang panggalang na nangangahulugang "Maestrong Sun".

Hindi tiyak ang pagiging makasaysayan ni Sun Tzu. Inilagay siya ni Sima Qian, isang mananalaysay ng dinastiyang Han at mga iba pang tradisyonal na Tsinong mananalaysay bilang isang ministro kay Haring Helü ng Wu, at pinetsahan ang kanyang buhay sa 544–496 BK. Inilagay naman ng mga modernong iskolar na tumatanggap sa kanyang pagiging makasaysayan ang tekstong umiiral ng Sining ng Pakikidigma sa panahon ng mga Naglalabanang Estado batay sa kanyang istilo ng pagkatha at kanyang mga paglalarawan ng pakikidigma.[4] Sinasabi ng mga tradisyonal na salaysay na ang inapo ng heneral, si Sun Bin, ay nagsulat din ng akda tungkol sa taktikang militar, na pinamagatang Ang Sining ng Pakikidigma rin. Dahil tinutukoy sina Sun Wu at Sun Bin bilang Sun Tzu sa mga klasikong tekstong Tsino, pinaniwalaan ng ilang mga mananalaysay na magkapareho sila, bago natuklasan ang akda ni Sun Bin noong 1972.

Ang gawa ni Sun Tzu ay pinapurihan at ginamit sa pakikidigma sa Silangang Asya mula nang ito ay nalikha. Noong ikadalawampung siglo, sumikat ang Ang Sining ng Pakikidigma at nagkaroon ng praktikal na gamit sa Kanluraning lipunan din. Patuloy itong nagiimpluwensya sa mga mararaming mapagkompetensyang pagsisikap sa mundo, tulad ng kultura, pulitika, negosyo at palakasan, pati na rin sa makabagong pakikidigma.[5][6][7][8]

Talasanggunian[baguhin | baguhin ang wikitext]

  1. "Sun Tzu". Columbia Electronic Encyclopedia (2013).
  2. "Sun Tzu". The American Heritage Dictionary of the English Language (sa wikang Ingles) (ika-5 (na) edisyon). Boston: Houghton Mifflin Harcourt. 2014. Nakuha noong 25 October 2019.
  3. Ancient warfare edited by John Carman and Anthony Harding, page 41
  4. Sawyer, Ralph D. (2007), The Seven Military Classics of Ancient China, New York: Basic Books, pa. 421–22, ISBN 978-0-465-00304-4
  5. Scott, Wilson (7 March 2013), "Obama meets privately with Jewish leaders", The Washington Post, Washington, D.C., tinago mula sa orihinal noong 24 July 2013, nakuha noong 22 May 2013
  6. Obama to challenge Israelis on peace, United Press International, 8 March 2013, nakuha noong 22 May 2013
  7. Garner, Rochelle (16 October 2006), "Oracle's Ellison Uses 'Art of War' in Software Battle With SAP", Bloomberg, tinago mula sa orihinal noong 20 October 2015, nakuha noong 18 May 2013
  8. Hack, Damon (3 February 2005), "For Patriots' Coach, War Is Decided Before Game", The New York Times, nakuha noong 18 May 2013


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.