Hokkien

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Silipin din: Min Nan
Hokkien
Quanzhang, Fukien, Fookien
福建话/閩南語(泉漳片)
Hō-ló-oē/Hô-ló-uē
Sinasalitang katutubo sa Tsina, Taiwan, Hong Kong, Pilipinas, Kambodya, Malaysia, Indonesya, Singgapura, Brunei, Taylandya, Estados Unidos, at iba pang lugar na pinanirhan ng Hoklo
Rehiyon katimugan ng lalawigan ng Fujian at iba pang timog-silangang dalampasigang lugar ng Tsina, Taiwan, Timog-Silangang Asya
Etnisidad Hoklo (Isang pangkat ng Tsinong Han)
Pamilyang wika
Mga wikain/diyalekto
Opisyal na katayuan
Opisyal na wika sa Wala (Isa sa mga wikang estatuaryo (ayon sa batas) para sa mga paalalang pampublikong sakayan ng Republika ng Tsina[1])
Pinangangasiwaan (regulado) ng Wala
Mga kodigong pangwika
ISO 639-3
Banlamgu.svg
Pagkakakalat-kalat mga wikain ng Min Nan. Naka-mariing luntian ang Hokkien.
Hokkien
Tradisyonal na Tsino 福建話
Pinapayak na Tsino 福建话
alternatibong pangalang Tsino
Traditional Chinese 福佬話
Simplified Chinese 福佬话

Ang Hokkien /hɒˈkiɛn/ (Tradisyonal na Intsik: 福建話pinapayak na Intsik: 福建话pinyin: Fújiànhuà; Pe̍h-ōe-jī: Hok-kiàn oē) o Quanzhang (Quanzhou–Zhangzhou / Chinchew–Changchew; BP: Zuánziū–Ziāngziū) ay isang pangkat ng mga mutwal na intelihibleng wikain ng Min Nan na ginagamit sa Taiwan, Timog-Silangang Asya, at sa ibang lugar na pinaninirhan ng mga Tsinong inmigrante at ng mga kaapu-apuhan nila. Nagmula ang Hokkien mula sa wikain ng timog silangan ng Fujian. Baga ma't malapit man ito sa Wikaing Teochew, ngunit lubhang mahirap ang mutwal na pagkakaunawaan, at medyo kahawig nito ang Hainanes. Bukod sa mismong Hokkien, mayroon pang mga wikain ang Min sa Fujian na hindi mutwal na intelihible sa Hokkien.

Mga Pangalan[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang katagang Hokkien (福建; hɔk˥˥kɪɛn˨˩) ay mismong terminong hindi ginagamit sa Tsino upang bigyang-tukoy ang diyalekto, sapagka't ang Lalawigan ng Fujian ang literal na kahulugan nito, at ginagamit ang katagang ito sa Timog-Silangang upang bigyang-tukoy nga ang mga wikain ng Min Nan. Sa Aghamwikang Tsino, batid ang mga wikaing ito sa kanilang pagkakahanay sa ilalim ng Dibisyong Quanzhang (Tsino: 泉漳片; pinyin: Quánzhāng piàn) nng Min Nan, na nanggaling mula sa mga unang karakter ng Quanzhou at Zhangzhou, dalawang pangunahing lungsod ng Hokkien. Batid din ang naturang baryante sa iba pang mga kataga katulad ng Min Nan (traditional Chinese: 閩南語, 閩南話; simplified Chinese: 闽南语, 闽南话; pinyin: Mǐnnányǔ, Mǐnnánhuà; Pe̍h-ōe-jī: Bân-lâm-gí,Bân-lâm-oē) o Timog Min, at Fulaohua (traditional Chinese: 福佬話; simplified Chinese: 福佬话; pinyin: Fúlǎohuà; Pe̍h-ōe-jī: Hō-ló-oē).

Pagkakahanay[baguhin | baguhin ang batayan]

Tahanang ang Timog ng Fujian sa tatlong pangunahing wikain ng Hokkien. Batid sila ayon sa kinalalagyang pangheograpiko kung saan sila natugma (nakatala mula hilaga patimog):

Dahil pangunahing lungsod ang Xiamen (Amoy) sa Timog Fujian, itinuturing ang Wikaing Amoy na pinakamahalaga, at maging isang prestihiyong wikain, ng Hokkien. Iyon ang bukod-tanging baryante ng mga wikaing Quanzhou at Zhangzhou. Nagkaroon ito ng maimpluwensyang papel sa kasaysayan, lalo na sa mga ugnayang ng mga kanluraning bansa sa Tsina, at isa sa mga higit na madalas na natututunan sa lahat ng mga baryanteng Tsino ng mga taga Kanluran noong ikalawang kalahati ng ika-19 siglo at maagang bahagi ng ika-20 siglo.

Ang mga baryante ng Hokkien na ginagamit sa Taiwan ay pareho lamang sa tatlong baryante ng Fujian, at bilang isa ay batid din bilang Taiwanes. Ginagamit ang Taiwanes ng karamihan sa populasyon doon, at nagdadala ng higit na kahalagahan mula sa perspektibong pang-sosyo-politika, na bumubuong ikalawang (at malamang ang pinaka-signipikante ngayon) pangunahing saligan ng wika dahil sa kasikatan ni sa media ng Taiwan.

Sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

Kawing Panlabas[baguhin | baguhin ang batayan]