Pumunta sa nilalaman

Quanzhou

Mga koordinado: 24°54′25″N 118°35′13″E / 24.907°N 118.587°E / 24.907; 118.587
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Quanzhou

泉州市

Chin-chiang
Map
Kinaroroonan ng nasasakupan ng Lungsod ng Quanzhou sa Fujian
Kinaroroonan ng nasasakupan ng Lungsod ng Quanzhou sa Fujian
Quanzhou is located in China
Quanzhou
Quanzhou
Kinaroroonan sa Tsina
Mga koordinado (Kawanihan ng Gawaing Sibil ng Distrito ng Licheng (鲤城区民政局)): 24°54′25″N 118°35′13″E / 24.907°N 118.587°E / 24.907; 118.587
Bansa Tsina
LalawiganFujian
Pamahalaan
 • Kalihim ng CPCZheng Xincong
 • AlkaldeZhu Ming
Lawak
 • Antas-prepektura na lungsod11,218.91 km2 (4,331.65 milya kuwadrado)
 • Urban
872.4 km2 (336.8 milya kuwadrado)
 • Metro
4,274.5 km2 (1,650.4 milya kuwadrado)
Populasyon
 (2017 Est)
 • Antas-prepektura na lungsod8,650,000
 • Kapal770/km2 (2,000/milya kuwadrado)
 • Urban
1,435,185
 • Densidad sa urban1,600/km2 (4,300/milya kuwadrado)
 • Metro
6,107,475
 • Densidad sa metro1,400/km2 (3,700/milya kuwadrado)
Sona ng orasUTC+8 (Pamantayan ng Tsina)
Kodigong postal
362000
Kodigo ng lugar0595
Kodigo ng ISO 3166CN-FJ-05
GDP2018[1]
 - KabuuanCNY 846.797 bilyon (US$127.915 bilyon)
 - Kada taoCNY 127,915 (US$14,788)
 - PaglagoIncrease 12.19%
Mga unlapi ng plaka ng sasakyan闽C
Pampook na wikainMin Nan: wikaing Quanzhou
Websaytquanzhou.gov.cn
Quanzhou
Quanzhou sa wikang Intsik
Tsino泉州
Hokkien POJChoâⁿ-chiu
PostalChinchew
Kahulugang literal"Bukal na Prepektura"
Informal names
Tsino刺桐城
Kahulugang literalLungsod ng Punong Tung

Ang Quanzhou, maaaring tawagan bilang Chinchew, ay isang antas-prepektura na pantalang lungsod sa hilagang pampang ng Ilog Jin, sa tabi ng Kipot ng Taiwan sa lalawigan ng Fujian, Republikang Bayan ng Tsina. Ito ang pinakamalaking kalakhang rehiyon ng Fujian, na may lawak na 11,245 square kilometer (4,342 mi kuw) at, magmula noong 2010, may populasyon na 8,128,530 katao.[2] Ang built-up area ay tahanan ng 6,107,475 katao at sinasaklaw ng mga distritong urbano ng Licheng, Fengze, at Luojiang; mga lungsod ng Jinjiang, Nan'an, at Shishi; kondado ng Hui'an; at ang Quanzhou District for Taiwanese Investment.[3] Ang Quanzhou ay panlabindalawang extended na kalakhang pook sa Tsina noong 2010.

Ang Quanzhou ay ang pangunahing pantalan ng Tsina para sa dayuhang mga mangangalakal, na kumilala nito bilang Zaiton,[a] mula ika-11 hanggang ika-14 na mga dantaon. Binisita ito nina Marco Polo at Ibn Battuta; pinuri ito ng kapuwang manggagalugad bilang isa pinakamaunlad at pinakamaluwalhating mga lungsod sa mundo. Ito ang baseng pandagat kung saang pangunahing inilunsad ang Imperyong Mongol ang mga pag-atake sa Hapon pati sa Java. Isa rin itong cosmopolitan center kalakip ng mga templong Budista at Hindu, mga moskeng Islam, at mga simbahang Kristiyano, kasama ang isang Katolikong katedral at mga Franciscanong bahay-pari. Isang di-matagumpay na himagsikan ay humantong sa walang-awang pagpaslang ng mga pamayanang banyaga ng lungsod noong 1357. Ang mga pagkalinsad ng ekonomiya—kabilang na ang pamimirata at ang labis na reaksiyon nito ng imperyo noong Ming at Qing—ay nagbawas ng kariwasaan nito. Lumipat ang Hapones na kalakal sa Ningbo at Zhapu, at pinahintulutan lamang ang banyagang kalakal sa Guangzhou. Naging isang sentro ng pagpuslit ng opyo ang Quanzhou noong ika-19 na dantaon ngunit ang pagbabanlik [en] (ang pagdami at pagdagdag ng deposito ng banlik o silt) sa daungan nito ay sumagabal sa kalakal ng mas-malaking mga barko.

  1. Pinagtatalunan ang pagtukoy ng Quanzhou bilang Zaiton noong ika-19 na siglo. Ninais ng ilang mga iskolar na iugnáy ang dakilang pantalan sa mga akda nina Polo at Ibn Battuta sa mas-akiting daungan ng Xiamen sa maraming mga pagdadahilan. Ngunit malinaw na nakasaad sa mga Tsinong tala ang dating katayuan ng Quanzhou at ang naunang pangingibabaw at kahusayan ng daugnan nito, na unti-unting natambakan ng banlik sa loob ng maraming mga siglo.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 泉州市2009年国民经济和社会发展统计公报 (sa wikang Tsino). Quanzhou Municipal Statistic Bureau. 2010-03-08. Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-06-15. Nakuha noong 2010-05-03.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. (sa Tsino) Compilation by Lianxin website. Data from the Sixth National Population Census of the People's Republic of China Naka-arkibo March 25, 2012, sa Wayback Machine.
  3. http://www.citypopulation.de/php/china-fujian-admin.php


PRC Ang lathalaing ito na tungkol sa PRC ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.