Malaysia

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
<tr class="mergedrow"> <tr class="mergedbottomrow">
Malaysia
مليسيا(Jawi)
A blue rectangle with a gold star and crescent in the canton, with 14 horizontal red and white lines on the rest of the flag Shield showing symbols of the Malaysian states with a star and crescent above it and a motto below it supported by two tigers
Pambansang Kasabihan: "Bersekutu Bertambah Mutu"[1]
"Kalakasan ang Pagkakaisa"
Pambansang Awit: Negaraku
Aking Bansa

Pununglunsod
(at pinakamalaking lungsod)
Kuala Lumpur
Putrajaya (administrative)
3°08′N 101°42′E / 3.133°N 101.700°E / 3.133; 101.700
Opisyal na wika Malaysian Malay
Official script Malay (Latin) alphabet
Recognised languages English
Pangkat-lahi ([2])
Pangalang-
turing
Malaysian[3]
Pamahalaan Federal parliamentary
constitutional monarchy
, Elective monarchy
 -  Hari Muhammad V
 -  Punong Ministro ng Malaysia Mahathir Mohamad (PH)
 -  Pangalawang Punong Ministro ng Malaysia Wan Azizah Wan Ismail
Batasan Parliamento
 -  Mataas na kapulungan Kapulungang Pambansa
 -  Mababang kapulungan Kapulungang Pambayan
Independence from the United Kingdom 
 -  Independence of the Federation of Malaya 31 August 1957[4] 
 -  Independence of Sarawak 22 July 1963[5] 
 -  Self-government of North Borneo 31 August 1963[6] 
 -  Federation of
Malaya, North Borneo,
Sarawak
, Singapore
16 September 1963 
Lawak
 -  Kabuuan 329,847 km2 (67th)
127,355 sq mi 
 -  Katubigan (%) 0.3
Santauhan
 -  Pagtataya ng 2018 32,121,000[7] (42nd)
 -  Lahatambilang ng 2010 28,334,135[8] 
 -  Kakapalan 92/km2 (116th)
237/sq mi
KGK (KLP) Pagtataya ng 2014
 -  Kabuuan $555.912 billion[9] 
 -  Bawat ulo $18,509[9] 
KGK (pasapyaw) Pagtataya ng 2014
 -  Kabuuan $367.712 billion[9] 
 -  Bawat ulo $12,243[9] 
Gini (2009) 46.2 (36th)
TKT (2013) 0.773 (62nd)
Pananalapi Ringgit (RM) (MYR)
Pook ng oras MST (TPO+8)
 -  Tag-araw (DST) not observed (TPO+8)
Anyo ng Taburaw dd-mm-yyyy
Nagmamaneho sa left
Internet TLD .my, مليسيا.[10]
Kodigong pantawag +60

Ang Malaysia /ma·ley·sya/ (Malay: Malaysia, bigkas: /məˈleɪʒə/ o /məˈleɪziə/) ay isang bansang binubuo ng labintatlong mga estado at tatlong teritoryong federal sa Timog Silangang Asya na may kabuuang sukat ng lupa na 329847 kilometro kuwadrado.[2][11] Kuala Lumpur ang kabiserang lungsod nito, samantalang ang Putrajaya naman ang sentro ng pamahalaang federal. Ang bansa ay may populasyong umaabot sa mahigit 25 milyon.[2] Ang bansa ay hinati ng Dagat Timog Tsina sa dalawang magkahiwalay na rehiyon.—ang Tangway ng Malaysia at ang Silangang Malaysia.[2] Naghahanggan ang Malaysia sa mga bansang Thailand, Indonesia, Singapore. Brunei at sa Pilipinas.[2] Ang bansa ay matatatagpuan malapit sa ekwador at nakakatamasa ng klimang tropikal.[2] Ang pinuno ng estado ay ang Yang di-Pertuan Agong (na kadalasang tinutukoy bilang 'ang Hari' o 'ang Agong') at ang pamahalaan ay pinamumunuan ng isang punong ministro.[12][13] Ang pamahalaan ay kahalintulad ng bahagya o ibinatay sa sistemang parliyamentaryo ng Westminster.[14]

Kasaysayan[baguhin | baguhin ang batayan]

Nagkaroon na ng patunay ng pagkakaroon ng mga pamayanan sa Malaysia. Humihigit-kumulang ang simula ng kasaysayan ng Malaysia sa 40,000 taon makalipas. [15] Pinaniniwalaang ang mga unang tumira sa tangway ay mga Negrito. [16] Nakisalamuha ang mga taga-Malaysia sa mga taga-India at Tsina, na patuloy na nagpalaganap sa kani-kanilang kultura.

Lumaganap ang Islam sa Malaysia sa pagdating ng mga Arabong mangangalakal na tumulong sa bahaginan ng kultura. [17]

Nakalaya ang Malaysia mula sa Britanya noong 1957, at tuluyang lumabas ang Singapura mula sa sakop ng Kalipunan noong 1965.

Pinanggalingan ng Salita[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang salitang Malaysia na mababasa sa isang mapa noong 1914 mula sa isang Amerikanong atlas

Ang pangalang "Malaysia" ay ginamit noong 1963 nang ang Kalipunan ng Malaya, Singapore, Hilagang Borneo at Sarawak ay bumuo ng isang pederasyong may 14 na estado.[18] Subalit bago mabuo ang pederasyon, ang pangalang ito ay madalang na ginamit upang tukuying ang mga pook sa Timog Silangang Asya. Isang mapa ang inilathala noong 1914 sa Chicago na may nakatalang salitang Malaysia ang nagsasabi sa ilang mga teritoryo sa loob ng Arkipelago ng Malay.[19] Minsan rin naisip ng Pilipinas na gamitin ng kanilang bansa ang pangalang "Malaysia", subalit ginamit na ito ng Malaysia noong 1963 bago man gawan ito ng hakbang Pilipinas.[20] Ang iba pang pangalang naisip noon 1963 ay ang Langkasuka, na hango sa dating kaharian na matatagpuan sa hilagagn bahagi ng Tangway ng Malay noong unang sanglibong taon.[21]

Paghahating Pampolitika[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang Malaysia ay binubuo ng 13 bansa (negeri) (Johor, Kedah, Kelantan, Melaka, Negeri Sembilan, Pahang, Penang, Perak, Perlis, Sarawak, Selangor, at Terengganu), at 3 teritoryong pederal (Kuala Lumpur, Labuan, at Putrajaya).

Demograpiya[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang populasyon ng Malaysia ay binubuo ng maraming lahi, na ang lahing Malay at iba pang katutubo (bumiputra) sa Sabah at Sarawak ang bumubuo ng may 65%[22] ng buong populasyon. Nakabatay sa Saligang Batas na ang mga Malay ay mga Muslim na nakasayanan sa kaugalian at kulturang Malay. Kaya ang isang Muslim ng kahit anong lahi na nakasanayan sa kaugalian at kalinangang Malay ay maituturing na isang Malay at may pantay-pantay na karapatan pagdating sa karapatang Malay na nakabatay sa saligang batas. Mga pangkat na katutubo ngunit hindi Malay ay bumubuo ng mahigit sa kalahati ng populasyon ng Sarawak (30% ay mga Iban), at nasa 60% ng populasyon ng Sabah (18% ay ang mga Kadazan-Dusun, at 17% naman ang mga Bajau)[22]. Mayroon ding iba pang grupong katutubo sa kanlurang bahagi ng bansa, na ang tawag sa kanila ay "Orang Asli".

Ang mga Tsino ay nasa 26% ng populasyon, samantala ang mga Indiyan ay nasa 8% [22]. Karamihan sa mga Indio ay Tamil.

Pananampalataya[baguhin | baguhin ang batayan]

Islam ang opisyal na relihiyon ng Malaysia bagaman ang bansa ay may maraming relihiyon. Ayon sa Population and Housing Census ng taong 2000, humigit-kumulang na 60.4 porsyento ng populasyon ay sinasampalatayanan ang relihiyong Islam; Budismo na may 19.2 porsyento; Kristiyanismo na may 9.1 porsyento; Hinduismo na 6.3 percent; at tradisyonal na relihiyong Tsino (2.6%).[22] Ang nalalabing 2 porsyento ay naitala sa ibang pananampalataya, kasama na ang Animismo at Sikhismo.[22]

Ang Saligang Batas ng Malaysia ay tumitiyak ng kalayaan sa pananampalataya, ngunit ito ay hinihigpitan sa kasalukuyan. Lahat ng etnikong Malay ay Muslim ayon na rin sa Saligang Batas ng Malaysia.[23] Idagdag pa ang lahat ng mga hindi Muslim na nag-asawa sa isang Muslim ay kailangang itakwil ang kanilang kinaanibang relihiyon at lumipat sa relihiyong Islam. Kapag ang isang tao ay naging Muslim, hindi na siya puwedeng itakwil ang relihiyong Islam at lumipat sa ibang pananampalataya. Samantala ang mga hindi Muslim ay nakakaranas ng pagbabawal sa ibang gawain tulad ng pagtayo ng gusaling panrelihiyon at pagdaos ng kaganapang panrelihiyon sa ibang bahagi ng bansa.[24][25] Ang mga Muslim ay inoobligahang sundin ang mga pasya ng hukumang Sharia pagdating sa mga bagay na may kinalaman sa kanilang relihiyon. Ang sakop ng hukumang Sharia ay limitado lamang sa mga Muslim ukol sa bagay na may kinalaman sa pananampalataya at mga tungkulin bilang isang Muslim, kasama ang pag-aasawa, pamana, pagtalikod sa pananampalataya at iba pa. Hindi saklaw ng hukumang Sharia ang kasong kriminal.

Mga kawing panlabas[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. "Malaysian Flag and Coat of Arms". Malaysian Government. http://mygov.malaysia.gov.my/EN/Main/MsianGov/MsianFlagAndCrest/Pages/MsianFlagAndCrest.aspx. Hinango noong 9 September 2013. 
  2. 2.0 2.1 2.2 2.3 2.4 2.5 CIA. The World Fact Book: Malaysia. Retrieved 9 Disyembre 2006.
  3. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang state.gov); $2
  4. Derek Mackay (11 June 2005). Eastern Customs: The Customs Service in British Malaya and the Opium Trade. The Radcliffe Press. pp. 240–. ISBN 978-1-85043-844-1. http://books.google.com/books?id=QM5LImNbYusC&pg=PA240. Hinango noong 28 August 2013. 
  5. Frans Welman. Borneo Trilogy Sarawak: Volume 2. Booksmango. pp. 134–. ISBN 978-616-245-089-1. http://books.google.com/books?id=A-H-O8pxUnMC&pg=PA134. Hinango noong 28 August 2013. 
  6. Frans Welman. Borneo Trilogy Volume 1: Sabah. Booksmango. pp. 159–. ISBN 978-616-245-078-5. http://books.google.com/books?id=glG-WBH8hkQC&pg=PA159. Hinango noong 28 May 2013. 
  7. "Malaysia Population Clock". Department of Statistics, Malaysia. http://www.statistics.gov.my/portal/index.php?option=com_content&view=article&id=213&lang=en. Hinango noong 16 March 2014. 
  8. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang Population); $2
  9. 9.0 9.1 9.2 9.3 "Malaysia". International Monetary Fund. http://www.imf.org/external/pubs/ft/weo/2012/02/weodata/weorept.aspx?pr.x=43&pr.y=9&sy=2012&ey=2017&scsm=1&ssd=1&sort=country&ds=.&br=1&c=548&s=NGDP_RPCH%2CNGDPD%2CNGDPDPC%2CPPPGDP%2CPPPPC&grp=0&a=. Hinango noong 23 January 2013. 
  10. "Delegation of the مليسيا domain representing Malaysia in Arabic". Internet Assigned Numbers Authority. http://www.iana.org/reports/2012/malaysia-report-20120809.html. Hinango noong 16 June 2013. 
  11. Article 1. Constitution of Malaysia.
  12. Article 33. Constitution of Malaysia.
  13. Article 43. Constitution of Malaysia.
  14. Ang Federation of International Trade Associations. General Information of Malaysia. Retrieved 7 Disyembre 2007.
  15. Holme, Stephanie (13 Pebrero 2012). "Getaway to romance in Malaysia". stuff.co.nz. Isinangguni noong Ika-10 ng Marso, 2018.
  16. Fix, Alan G. (Hunyo1995). "Malayan Paleosociology: Implications for Patterns of Genetic Variation among the Orang Asli". American Anthropologist. New Series. 97(2): 313–323. doi:10.1525/aa.1995.97.2.02a00090. JSTOR 681964.
  17. W.P. Groeneveldt, 1877, Notes on the Malay Archipelago and Malacca (Mga Tala sa Kapuluang Malay at Malacca), Batavia : W. Bruining. Isinangguni noong ika-10 ng Marso, 2018.
  18. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang am002); $2
  19. The New Student's Reference Work. 1914.
  20. Sakai, Manako. Reviving Malay Connections in Southeast Asia.
  21. Page 46–47. Suarez, Thomas. Early Mapping of Southeast Asia.
  22. 22.0 22.1 22.2 22.3 22.4 "Population and Housing Census" Press statement , Department of Statistics, Malaysia. Nakuha noong 2008-07-15. (Ingles)
  23. Artikulo 160 (2). Saligang Batas ng Malaysia.
  24. Inter Press Service: Temple Demolitions Spell Creeping Islamisation. Nakuha noong 2008-07-15. (Ingles)
  25. BBC : Pressure on multi-faith Malaysia. Nakuha noong 2008-07-15. (Ingles)