Silangang Timor
Demokratikong Republika ng Silangang Timor Repúblika Demokrátika Timór-Leste República Democrática de Timor Leste | |
---|---|
Salawikain: Unidade, Acção, Progresso (Portuges: "Pagkakaisa, Pagkilos, Kaunlaran") | |
Awiting Pambansa: Pátria (Bayan) | |
Kabisera at pinakamalaking lungsod | Dili |
Wikang opisyal | Tetum at Portuges[1] |
Katawagan | East Timorese, Taga-Silangang Timor |
Pamahalaan | Republikang parlamentaryo |
• Pangulo | José Ramos-Horta |
Xanana Gusmão | |
Kalayaan | |
• Ipinahayag | 28 Nobyembre 1975 |
• Kinilala | 20 Mayo 2002 |
Lawak | |
• Kabuuan | 15,410 km2 (5,950 mi kuw) (ika-158) |
• Katubigan (%) | walang gaano |
Populasyon | |
• Pagtataya sa Hulyo 2005 | 1,115,000[kailangan ng sanggunian] (ika-155) |
• Densidad | 64/km2 (165.8/mi kuw) (ika-132) |
KDP (PLP) | Pagtataya sa 2005 |
• Kabuuan | $2.18 bilyon (206) |
• Bawat kapita | $800 (188) |
TKP (2007) | 0.514 mababa · ika-150 |
Salapi | Dolyar[3] (USD) |
Sona ng oras | UTC+9 |
Kodigong pantelepono | 670 |
Kodigo sa ISO 3166 | TL |
Internet TLD | .tl[4] |
- Para sa lathalaing ukol kay Tamerlane, tingnan ang Timur.
Ang Demokratikong Republika ng Timor-Leste, o Silangang Timor, ay isang bansa sa Timog-Silangang Asya. Binubuo ito ng silangang hati ng pulo ng Timor, ng mga kalapit na pulo ng Atauro at Jaco, at Oecusso-Ambeno, isang enclave ng kanlurang Timor sa kanlurang bahagi ng pulo, pinaliligiran ng Kanlurang Timor.
Sakop noong ika-16 dantaon ng Portugal ang Silangang Timor, at tinatawag bilang Portuges na Timor hanggang sa matapos ang papanakop nito. Noong huling bahagi ng 1975, inihayag ng Silangang Timor ang kanilang kalayaan, subalit sinakop ng karatig bansang Indonesia at inihayag bilang kanilang ika-27 lalawigan nang sumunod na taon. Ang Silangang Timor ay humiwalay noong 1999 at nakamit nito ang ganap na kalayaan noong 20 Mayo 2002. Nang sumali ang Silangang Timor sa Mga Nagkakaisang Bansa noong 2002, napagpasyahan nilang gamiting opisyal ang pangalan nito sa Portuges na Timor-Leste, at hindi ang pangalan nito sa Ingles na “East Timor”. Isa sa dalawang bansa sa buong Asya ang Silangang Timor na may nakakahihigit na bilang ng Katoliko, sunod sa Pilipinas.
Mga teritoryong pampangasiwaan
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Pulo ng Atauro[5] (1 Enero 2022)
Talababa
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Kinikilala ng Saligang Batas ang Indones at Ingles bilang mga "wikang panghanapbuhay".
- ↑ Sinakop ng Indonesia ang Silangang Timor noong 7 Disyembre 1975 at umalis noong 1999.
- ↑ Ginagamit din ang baryang sentimo.
- ↑ Nasa ilalim na ng phased outing ang .tp.
- ↑ https://www.hatutan.com/2022/04/01/domingos-soares-simu-posse-nuudar-administrador-munisipiu-atauro/.