Pumunta sa nilalaman

Cabo Verde

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Cape Verde)
Republika ng Cabo Verde
República de Cabo Verde
Watawat ng Cabo Verde
Watawat
National Emblem ng Cabo Verde
National Emblem
Awiting Pambansa: Cântico da Liberdade (Portuges)
"Awit ng Kalayaan"
Location of Cabo Verde
KabiseraPraia
Pinakamalaking lungsodcapital
Wikang opisyalPortuges (opisyal)
at siyam na mga wikang Crioulo ng Cabo Verde
PamahalaanRepublika
• Pangulo
Carlos Veiga
Kalayaan 
• Kinilala
5 Hulyo 1975
Lawak
• Kabuuan
4,033 km2 (1,557 mi kuw) (ika-172)
• Katubigan (%)
-
Populasyon
• Pagtataya sa 2020
555,988
• Senso ng 2005
507,000
• Densidad
126/km2 (326.3/mi kuw) (ika-79)
KDP (PLP)Pagtataya sa 2005
• Kabuuan
$3.055 bilyon (ika-158)
• Bawat kapita
$6,418 (ika-92)
TKP (2004)0.722
mataas · ika-106
Salapieskudo ng Cabo Verde (CVE)
Sona ng orasUTC-1 (Oras ng Cabo Verde (CVT))
• Tag-init (DST)
UTC-1 (wala)
Kodigong pantelepono238
Kodigo sa ISO 3166CV
Internet TLD.cv

Ang Republika ng Cabo Verde (Ingles: Cape Verde) ay isang republika na matatagpuan sa kapuluan ng ekorehiyon ng Makronesya ng Hilagang Dagat Atlantiko, sa labas ng kanlurang pampang ng Aprika. Natuklasan at ginawang kolonya ang dating walang-nakatirang mga pulo ng mga Portuges noong ika-15 daang taon; naging sentro ito ng kalakalan ng mga aliping Aprikano sa kalaunan.

Ang pangalang "Cape Verde" ay nakagisnang ginagamit sa wikang Ingles para sa kapuluan, at para sa bansa mula nang nakamit nito ang kalayaan noong 1975. Noong 2013, napagpasiyahán ng pamahalaan ng Cabo Verde na ang katawagang Portuges na Cabo Verde ang siyang gagamitin para sa mga layuning opisyal, tulad sa Mga Nagkakaisang Bansa, pati na sa mga kontekstong Ingles. Isang kasapi ng Unyong Aprikano ang Cabo Verde.

Pagpapangalan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang pangalang Cabo Verde ay nagmula sa Cap Vert (wikang Pranses na nangangahulugang "Lunting Kapa") sa Senegal, ang pinakakanluraning pook sa kontinente ng Aprika.

Noong 24 Oktubre 2013, ipinahayag ng delegasyon ng bansa sa Mga Nagkakaisang Bansa (UN) na ang kinikilalang pangalan ay hindi na dapat isalin sa ibang mga wika. Sa halip ng "Cape Verde" sa wikang Ingles, gagamitin ang katawagang "Republic of Cabo Verde" (sa wikang Filipino o Tagalog, "Republika ng Cabo Verde").[1][2]

Walang naninirahan sa Cabo Verde nang magsidating ang mga Portuges noong 1460 at gawing bahagi ng imperyong Portuges ang mga kapuluan. Dahil sa lokasyon nito sa may dalampasigan ng Aprika ang Cabo Verde ay naging isang mahalagang tubigang himpilan, na noon ay isang lugar na taniman ng mga tubo, at naging pangunahing pinagkukunan ng mga alipin para sa kalakalang transatlantiko, na nang kalaunan ay humubog ng Diyasporang Aprikano, o sapilitang pagkalat ng bilang ng mga Aprikano sa ibang mga lupain.

Noong 1975, nakamit ng Cabo Verde ang kasarinlan mula sa Portugal matapos ang isang mahabang pakikibakang sandatahan sa mga kagubatan ng Guinea-Bissau. Ang Partidong Aprikano para sa Kasarinlan ng Guinea-Bissau at Cabo Verde (PAIGC) ay ang nagiisang kinatawan na nagdulot ng kalayaan para sa Cabo Verde. Bilang karagdagan, may ginanapan ding papel ang rebolusyanoryang popular ng armadong hukbo ng Cuba sa pagsasarili ng Cabo Verde. Pagkatapos ng kasarinlan, sinubok ng PAIGC na pag-isahin ang Cabo Verde at Guinea-Bissau para maging isang bansa, na hinahawakan ng PAIGC ang dalawang pamahalaan, ngunit naunsiyami ang plano dahil sa pag-aalsa (kudeta) ng Guinea-Bissau noong 1980. Bilang resulta, ang titik na G - na panandang titik para sa Guinea-Bissau, ay tinanggal mula sa daglat na PAIGC. Mula sa paglaglag na ito, nabuo ang PAICV o Partidong Aprikano para sa Kasarinlan ng Cabo Verde. Sa Cabo Verde, namuno ang PAICV hanggang sa ganapin ang halalang makademokrasya ng 1991, na nagdulot ng pagpapalit ng pamahalaan. Nagwagi sa eleksiyong ito ang Mobimyento para sa Demokrasya (MPD, Mga Galaw para sa Demokrasya). Muling nahalal ang MPD noong 1996. Muling nagbalik sa kapangyarihan ang PAICV noong 2001, at muling nanalo noong 2006.

Datos ng klima para sa Cabo Verde: Sal at Praia
Buwan Ene Peb Mar Abr May Hun Hul Ago Set Okt Nob Dis Taon
Sukdulang taas °S (°P) 33.0
(91.4)
36.7
(98.1)
35.2
(95.4)
36.0
(96.8)
36.4
(97.5)
40.0
(104)
40.0
(104)
34.9
(94.8)
35.0
(95)
37.0
(98.6)
36.9
(98.4)
33.2
(91.8)
40.0
(104)
Katamtamang taas °S (°P) 26.1
(79)
26.2
(79.2)
27.4
(81.3)
27.7
(81.9)
28.9
(84)
29.4
(84.9)
29.7
(85.5)
30.6
(87.1)
30.5
(86.9)
30.7
(87.3)
29.4
(84.9)
27.6
(81.7)
28.68
(83.64)
Arawang tamtaman °S (°P) 22
(72)
22
(72)
22
(72)
23
(73)
24
(75)
24
(75)
25
(77)
26
(79)
26
(79)
26
(79)
25
(77)
23
(73)
24
(75)
Katamtamang baba °S (°P) 19.7
(67.5)
19.2
(66.6)
19.4
(66.9)
20.2
(68.4)
21.1
(70)
21.9
(71.4)
23.3
(73.9)
24.3
(75.7)
24.4
(75.9)
24.1
(75.4)
22.8
(73)
21.4
(70.5)
21.82
(71.27)
Sukdulang baba °S (°P) 10.0
(50)
10.2
(50.4)
10.0
(50)
14.0
(57.2)
10.7
(51.3)
14.1
(57.4)
11.0
(51.8)
16.0
(60.8)
18.0
(64.4)
19.4
(66.9)
16.4
(61.5)
16.0
(60.8)
10.0
(50)
Katamtamang presipitasyon mm (pulgada) 3
(0.12)
7
(0.28)
5
(0.2)
5
(0.2)
0
(0)
3
(0.12)
5
(0.2)
15
(0.59)
14
(0.55)
16
(0.63)
7
(0.28)
10
(0.39)
90
(3.56)
Katamtamang kahalumigmigang relatibo (%) 61 58 57 56 57 61 67 50 47 67 64 63 59
Buwanang tamtaman ng sikat ng araw 310.0 214.5 280.0 330.0 341.0 300.0 279.0 250.0 295.0 279.0 300.0 279.0 3,457.5
Sanggunian #1: Weatherbase.com (humidity, sun and mean temperature),[3] Met Office for precipitation[4]
Sanggunian #2: Voodoo Skies for the rest [5]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Tanya Basu (12 Disyembre 2013). "Cape Verde Gets New Name: 5 Things to Know About How Maps Change". National Geographic. Inarkibo mula sa orihinal noong 13 Disyembre 2013. Nakuha noong 12 Disyembre 2013.{{cite magazine}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Cabo Verde põe fim à tradução da sua designação oficial" [Cabo Verde puts an end to translation of its official designation] (sa wikang Portuges). Panapress. 31 Oktubre 2013. Inarkibo mula sa orihinal noong 17 Disyembre 2013. Nakuha noong 17 Disyembre 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Praia, Cape Verde Travel Weather Averages". Weatherbase. Inarkibo mula sa orihinal noong 15 Enero 2014. Nakuha noong 14 Enero 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Cape Verde weather". Met Office. Inarkibo mula sa orihinal noong 5 Setyembre 2015. Nakuha noong 8 Oktubre 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Voodoo Skies - Praia Monthly Temperature weather history". VoodooSkies.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 25 Enero 2016. Nakuha noong 8 Oktubre 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)