Timog Sudan

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Republika ng Timog Sudan
جمهورية السودان
Pambansang Kasabihan: "Katarungan, Kalayaan, Kaunlaran"
Awit: "South Sudan Oyee!"
Kabisera
(at pinakamalaking lungsod)
Juba
04°51′N 31°36′E / 4.850°N 31.600°E / 4.850; 31.600
Opisyal na wika Ingles
Kinikilalang rehiyonal na wika Ang Arabikong Juba ay ang lingua franca sa paligid ng Juba.
Pangkat etniko  Dinka, Nuer, Bari, Lotuko, Kuku, Zande, Mundari, Kakwa, Pojulu, Shilluk, Moru, Acholi, Madi, Lulubo, Lokoya, Toposa, Lango, Didinga, Murle, Anuak, Makaraka, Mundu, Jur, Kaliko, at iba pa.
Pangalang-
turing
Timog Sudano
Pamahalaan Federal presidential democratic republika
 -  Ikalawang Pangulo Riek Machar
Lehislatura Asembleyang Mambabatas
Kalayaan mula sa Sudan 
 -  Komprehensibong Kasunduan sa Kapayapaan Enero 6 2005 
 -  Awtonomiya Hulyo 9 2005 
 -  Kalayaan Hulyo 9 2011 
Lawak
 -  Kabuuan 619,745 km2 (ika-45)
239,285 sq mi 
Populasyon
 -  Senso ng 2008 8,260,490 (disputed)[1] (ika-94)
Salipi Sudanese pound (SDG)
Pook ng oras East Africa Time (UTC+3)
Internet TLD .sd
Kodigong pantawag 249

Ang Timog Sudan, opisyal bilang ang Republika ng Timog Sudan [2] (Arabe: جمهورية جنوب السودانان‎, Kastila: Sudán del Sur) ay isang bansa sa Silangang Aprika. Ang kabisera at ang pinakamalaking lungsod nito ay Juba. Ito ay isang bansangnapaliligiran ng lupa na may hangganan sa Etiyopiya sa silangan; Kenya, Uganda at Demokratikong Republika ng Konggo sa timog; ang Republikang Gitnang-Aprikano sa kanluran at Sudan sa hilaga. May malawak na latiang rehiyon ng Sudd na dinadaluyan ng Puting Nilo na lokal na tinatawag bilang Bahr al Jabal

Ang bayan ay unang naging bahagi ng kondominyum ng Anglo-Ehiptong Sudan ng Nagkakaisang Kaharian at Ehipto at naging bahagi ng Republika ng Sudan nang ito ay lumaya noong 1956. Matapos ang Unang Digmaang Sibil ng Sudan, nabuo ang Rehiyong Awtonomous ng Timog Sudan noong 1972 na tumagal hanggang 1983. Nabuo ang panibagong digmaan sa Ikalawang Digmaang Sibil ng Sudan at nagtapos sa isang Komprehensibong Kasunduan ng Kapayapaan noong 2005. Sa patapos ng nasabing taon, ang wtonomiya sa timog ay naibalik nang nabuo ang Pamahalaang Awtonomous ng Timog Sudan. Ang Timog Sudan ay naging isang malayang bansa noong Hulyo 9, 2011 nang madaling araw (00:00) lokal na oras matapos ng isang reperendum na isinagawa noong Enero 2011 na kung saan halos 99% ng mga bumoto ang humiling ng hiwalay na bansa mula sa Sundan.[3]

Bilang ang pinakabagong bansa sa buong mundo (sa kapanahunan ng Hulyo 2011), tumatanggap ang Timog Sudan ng mga pandaigdigang pagkilala ng pagkakabuo at paglaya nito mula sa ibang bansa. Sa araw ng kalayaan nito, ito ay kinilala agad ng apat na bansa at ng Lungsod Batikano.[4][5][6][7][8] Inaaasahang sumapi sa Mga Nagkakaisang Bansa ang Timog Sudan pati sa pagsama nito sa Unyong Aprikano at nag-aalaok na ang Ligang Arabe sa pagkakasapi ng Timog Sudan. Ito rin ay nagnanais na sumapi sa Komonwelt ng mga Bansa.[9]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. "Discontent over Sudan census". News24.com. 21 May 2009. http://www.news24.com/Content/World/News/1073/b52cc36803164f39be83598566f1eb70/21-05-2009-07-23/Discontent_over_Sudan_census. 
  2. "South Sudan becomes world's newest nation". Forbes.com. Sininop mula sa orihinal na pahina noong 12 July 2011. http://web.archive.org/web/20110712012350/http://www.forbes.com/feeds/ap/2011/07/08/general-af-south-sudan-independence_8556235.html. Hinango noong 9 July 2011. 
  3. Martell, Peter (2011 [last update]). "BBC News - South Sudan becomes an independent nation". BBC. http://www.bbc.co.uk/news/world-africa-14089843. Hinango noong 9 July 2011. 
  4. "North Sudan recognizes independence of South Sudan". Allvoices. Sininop mula sa orihinal na pahina noong 17 July 2012. https://archive.is/Oxfw. Hinango noong 8 July 2011. 
  5. "Germany announces immediate recognition of South Sudan". President of Germany. 8 July 2011. Sininop mula sa orihinal na pahina noong 8 December 2012. https://archive.is/nA9i. Hinango noong 8 July 2011. 
  6. "U.S. Support to Peace and Security in South Sudan". U.S. State Department. 8 July 2011. http://www.state.gov/r/pa/prs/ps/2011/07/167906.htm. 
  7. = 27811&lang = en "DICHIARAZIONE DEL DIRETTORE DELLA SALA STAMPA DELLA SANTA SEDE, P. FEDERICO LOMBARDI, S.I.". V. C. Official Site. 8 July 2011. http://press.catholica.va/news_services/bulletin/news/27811.php?index = 27811&lang = en. 
  8. "Egypt officially recognises the new state of South Sudan". http://english.ahram.org.eg/~/NewsContent/2/8/15929/World/Region/Egypt-officially-recognises-the-new-state-of-South.aspx. 
  9. "South Sudan Launches Bid to Join Commonwealth". Talk of Sudan. 8 July 2011. http://talkofsudan.com/sudan/item/9001-south-sudan-launches-bid-to-join-commonwealth. Hinango noong 9 July 2011.