Paraguay

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Republika ng Paraguay

República del Paraguay
Tetã Paraguái
Watawat ng Paraguay
Watawat
Eskudo ng Paraguay
Eskudo
Salawikain: Paz y justicia  (sa Kastila)
Kapayapaan at Katarungan
Awit: Paraguayos, República o Muerte  (sa Kastila)
Mga Paraguayo, Republika o Kamatayan
Location of Paraguay
Kabisera
at pinakamalaking lungsod
Asunción
Opisyal na wikaKastila (Espanyol), Guaraní[1]
KatawaganParaguayo
PamahalaanUnitary presidential constitutional republic
• Pangulo
Mario Abdo Benítez
• Pangalawang Pangulo
Hugo Velázquez
Kalayan 
mula sa Espanya
• Ipinahayag
14 Mayo 1811
Lawak
• Kabuuan
[convert: invalid number] (ika-60)
• Katubigan (%)
2.3
Populasyon
• Pagtataya sa Hulyo 2005
7 353 672 (ika-101)
• Kapal
15/km2 (38.8/sq mi) (ika-192)
GDP (PPP)Pagtataya sa 2005
• Kabuuan
$28.342 billion (ika-96)
• Kada kapita
$4,555 (ika-107)
GDP (nominal)Pagtataya sa 2007 (IMF)
• Kabuuan
$10.9 billion (ika-111)
• Kada kapita
$1,802 (ika-116)
Gini (2002)57.8
mataas
HDI (2007)0.755
mataas · 95th
SalapiGuaraní (PYG)
Sona ng orasUTC-4
• Tag-init (DST)
UTC-3
Kodigong pantelepono595
Kodigo sa ISO 3166PY
Internet TLD.py

Ang Paraguay na may opisyal na pangalan na Republika ng Paraguay (binabaybay ding Paragway) ay isang bansa sa Timog Amerika. Nagmula ang pangalan ng bansa mula sa mga salitang Guaraní (bigkas /gwa·ra·ní/) na pará, nangangahulugang “ilog”, at guay, nangangahulugang “itong pampang”. Hinihinala na, sa Guaraní, tumutukoy lamang ang ekspresyong ito sa Asunción, ngunit, sa Espanyol, tumutukoy ito sa buong bansa.

Ang mga katutubong Guarani ang nanirahan sa mga lupain ng makabagong-panahong Paraguay sa loob ng mahigit isang milenyo bago sila nasakop ng mga Espanyol noong ika-16 na siglo. Ang mga Espanyol at mga misyonerong Heswita ang nagpakilala ng Kristiyanismo at kulturang Espanyol sa rehiyon. Pagkatapos lumaya mula sa Espanya noong 1811, sunod-sunod na pinamunuan ng mga diktador ang Paraguay na nagsagawa ng mga polisiyang proteksiyonista.

Ang paglago ng Paraguay ay naputol ng Digmaang Paraguayo (1864-1870), na kung saan nawala ang 60%-70% ng populasyon nito dahil sa digmaan at kamatayan, at ang 140,000 kilometro kwadrado ng teritoryo nito ay napunta sa Argentina at Brazil. Sa pagdaan ng ika-20 siglo, sunod-sunod na mga awtoritaryanong pamahalaan ang namuno sa Paraguay. Katangi-tangi rito ang pamamahala ni Alfredo Stroessner, na namahala mula 1954 hanggang 1989. Siya ay napatalsik sa kudeta, at muling isinagawa ang malayang halalan noong 1993. Pagkatapos ng isang taon, kasama ng Paraguay ang Argentina, Brazil, at Uruguay sa nagtatag ng Mercosur, isang rehiyonal na organisasyong pangekonomiya.

Noong 2009, tinataya na mayroon nang 6.5 milyong katao na naninirahan sa Paraguay, ang karamihan ay nasa timog-silangang bahagi ng bansa. Ang kabisera at ang pinakamalaking lungsod ay ang Asunción, na kung saan naninirahan ang halos 1/3 ng buong populasyon. Hindi tulad ng karamihan sa mga bansa sa Latin America, ang kultura at wika ng katutubong Guarani ay may malaking impluwensya. Karamihan sa mga naninirahan ay nagsasabing sila ay mestizo, na resulta ng pakikihalo ng mga iba't ibang grupo sa isa't isa. Parehong Guarani at Espanyol ang opisyal na wika ng Paraguay, na may 92% na nakakapagsalita ng Espanyol at 98% na nakakapagsalita ng Guarani.

Mga pinakamalaking lungsod[baguhin | baguhin ang batayan]

Talasanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. Paraguay - Constitution, Article 140 About Languages, International Constitutional Law Project, tinago mula sa orihinal noong 2009-12-22, nakuha noong 2007-12-03 Check date values in: |accessdate= (tulong) (see translator's note) Naka-arkibo 2008-12-05 sa Wayback Machine.
  2. "3218.0 - Censo de la DGEEC, 2002". DGEEC. 2002.



Bansa Ang lathalaing ito na tungkol sa Bansa ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.