Lungsod ng Vaticano

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Lungsod ng Vatican)
Jump to navigation Jump to search
Estado ng Lungsod ng Vaticano

  • Status Civitatis Vaticanae  (Latin)
  • Stato della Città del Vaticano  (Italyano)
Watawat ng Lungsod ng Vaticano
Watawat
Eskudo ng Lungsod ng Vaticano
Eskudo
Awiting Pambansa: Inno e Marcia Pontificale
"Himno at Martsang Pontipisya"
Kinaroroonan ng Lungsod ng Vaticano sa Europa.
Kinaroroonan ng Lungsod ng Vaticano sa Europa.

Wikang opisyalItalyano
Relihiyon
Kristiyanismo (Katolisismong Romano)
(pampamahalaang relihiyon)
PamahalaanUnitaryong Kristiyanong estadong monarkiyang
ganap
sa ilalim ng isang eklesyastikong
elektibong
teokrasya
Banal na Luklukan
Francisco
Pietro Parolin
Fernando Vérgez Alzaga
LehislaturaKomisyong Pontipisyo
Kasarinlan mula sa Italya
11 Pebrero 1929
Lawak
• Kabuuan
0.49 km2 (0.19 mi kuw) (ika-195)
Populasyon
• Pagtataya sa 2019
453 (ika-240)
• Kapal
924/km2 (2,393.1/mi kuw) (ika-12)
SalapiEuro () (EUR)
Sona ng orasUTC+1 (CET)
• Tag-init (DST)
UTC+2 (CEST)
Gilid ng pagmamanehokanan
Kodigong pantelepono+379
Kodigo sa ISO 3166VA
Internet TLD.va

Ang Lungsod ng Vaticano[1] (Latin: Civitas Vaticana; Italyano: Città del Vaticano), opisyal na Estado ng Lungsod ng Vaticano (Latin: Status Civitatis Vaticanae; Italyano: Stato della Città del Vaticano), o kilala sa simpleng tawag na Vaticano (Latin: Vaticanus), ay isang enklabe at lungsod-estadong may kasarinlan na napapaligiran ng Roma, ang kabisera ng Italya. Inilalarawan ito bilang isang natatanging teritoryo sa ilalim ng "buong pagmamay-ari, eksklusibong dominyo, at soberanong awtoridad at hurisdiksyon" ng Banal na Luklukan, na siya'y isang soberanong entidad ng pandaigdigang batas na nagpapanatili ng kasarinlang temporal, diplomatiko, at espirituwal ng estado-lungsod. Ito ang pinakamaliit na estado sa mundo ayon sa lugar at populasyon, na mayroong lawak na 49 ektarya lamang at populasyon na humigit-kumulang 825 na tao. Ang mga pinakamataas na punsyonaryo ng estado ay pawang mga klerong Katoliko ng iba't-ibang bansang pinagmulan. Bilang pinamamahalaan ng Banal na Luklukan, ang estado ay isang eklesyastiko o saterdotal-monarkikong estado na pinamumunuan ng papa, ang siyang obispo ng Roma at pinuno ng Simbahang Katoliko. Dahil dito, maaari itong ituring na ang tanging teokrasya at huling monarkiyang ganap sa Europa. Ang Kataas-taasang Pontisipe ay nagtatalaga ng mga tungkulin ng pamahalaan sa Kalihim ng Estado. Pagkatapos ng Papadong Abinyon ay pangunahing nanirahan ang mga papa sa Palasyong Apostoliko sa loob ng lungsod.

Ang Banal na Luklukan ay itinayo noong Unang Kristiyanismo at ang pangunahing luklukang episkopal ng Simbahang Katoliko, na mayroong humigit-kumulang 1.329 bilyong nabautismuhang Kristiyanong Katoliko sa mundo noong 2018 sa Simbahang Latino at 23 Silangang Simbahang Katoliko. Sa kabilang banda, ang estado ng Lungsod ng Vaticano ay nagsimulang umiral noong Pebrero 11, 1929 sa pamamagitan ng Paktong Lateran sa pagitan ng Banal na Luklukan at Italya, na binanggit ito bilang isang bagong likha, hindi bilang isang bakas ng mas malaking Estados Pontifisyos, na dating sumasaklaw sa karamihan ng gitnang Italya.

Sa loob ng Lungsod ng Vaticano ay mga kultural at relihiyosong lugar tulad ng Basilika ni San Pedro, Kapilya Sistina, at mga Museong Vaticano, lahat ay tumatampok ng ilan sa mga pinakasikat at pinakamagandang pintura at eskultura sa mundo. Ang arkitektural, makasaysayan, at masining na konporma na bumubuo sa Vaticano ay idineklara bilang isang Pandaigdigang Pamanang Pook ng UNESCO noong 1984. Saklaw ng Basilika ni San Pedro at ng Plaza ni San Pedro ang 20% ng teritoryo ng lungsod, samakatuwid ginagawa ang estado na pinakaurbanisadong teritoryong may kasarinlan sa mundo. Ang natatanging ekonomiya ng estado ay pampananalaping sinusuportahan sa pamamagitan ng mga donasyon mula sa mga mananampalataya sa mga bayarin para sa pagpasok sa mga museo at pagbenta ng mga selyo, subenir, at publikasyon.

Etimolohiya[baguhin | baguhin ang batayan]

Ipinangalan ang lungsod-estado sa Burol Vaticano (Mons Vaticanus). Nariyan na ang Burol Vaticano at ng kanugnog nitong Kapatagang Vaticano (Campus Vaticanus) bago pa ng Kristyanismo, at nang maging Kristyano ang Imperyong Romano ay doon na sinimulang ipatayo ang Basilika ni San Pedro, ang Palasyong Apostoliko at ang Kapilyang Sistina nito, at ang Museong Vaticano.

Kasaysayan[baguhin | baguhin ang batayan]

Nabuo ang kasalukuyang bansa mula sa dáting teritoryo ng Mga Estadong Papal na isinanib sa Kaharián ng Italya. Itinatag ito sa pamamagitan ng Tratadong Laterano, na siyang nilagdaan ng Punong Ministrong si Benito Mussolini para kay Haring Victor Emmanuel III, at Pietro Gasparri, Kalihim–Kardinal ng Estado, para kay Papa Pio XI noong 11 Pebrero 1929.

Tanaw sa buong lungsod-estado. Kapansin-pansin sa gitna ng retrato ang Basilika ni San Pedro at Plaza ni San Pedro.

Mga sanggunián[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. Macapagal-Arroyo, Gloria (25 Hunyo 2006). "Statement: President Arroyo during the Departure Ceremony for an Official Visit to the Vatican City, Italy and Spain". Official Gazette. Nakuha noong 11 Abril 2022.

Mga panlabas na kawil[baguhin | baguhin ang batayan]



Kristiyanismo Ang lathalaing ito na tungkol sa Kristiyanismo ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.