Pumunta sa nilalaman

Unyong Europeo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa European Union)
12 gintong bituin na nakapabilog sa isang likurang bughaw.
Watawat
Salawikain: United in diversity[1]
(Tagalog: Pagkakaisa sa Pagkakaiba)
Awitin: Ode to Joy[1] (orchestral)
(Tagalog:Oda para sa Kaligayahan)
An Paglalarawang ortograpiko ng ng mundo, na itinatampok ang Unyong Europeo at ang mga kasapi nitong mga bansa (lunti).
Mga Kasapi ng Unyong Europeo.
Sentrong PampolitikaBruselas
Luxembourg
Strasbourg
Opisyal na wika
KatawaganEuropeo[2]
Mga Kasaping Estado
PamahalaanSui generis
Charles Michel
David Sassoli
 Alemanya
• Komisyon
Ursula von der Leyen
Unyong Europeo
18 Abril 1951
25 Marsoh 1957
7 Pebrero 1992
Lawak
• Kabuuan
4,324,782 km2 (1,669,808 mi kuw) (n/a)
• Katubigan (%)
3.08
Populasyon
• Pagtataya sa 2008
499,673,300 (n/a)
• Densidad
114/km2 (295.3/mi kuw) (n/a)
KDP (PLP)Pagtataya sa 2008 (IMF)
• Kabuuan
$15.247 trillion
• Bawat kapita
$30,513
KDP (nominal)Pagtataya sa 2008 (IMF)
• Kabuuan
$18.394 trillion (n/a)
• Bawat kapita
$36,812
Gini (2009)30.7(EU25)[3]
katamtaman
TKP (2006)0.960-0.825[4]
mababa · n/a
Salapi
Sona ng orasUTC+0 to +2
• Tag-init (DST)
UTC+1 to +3
Kodigong panteleponoTingnan ang listahan
Internet TLD.eu

Ang Unyong Europeo (UE), na kilala rin bilang Samahang Europeo o Kaisahang Europeo (Ingles: European Union o EU) ay isang supranasyonal at intergubernamental na unyon ng 28 malaya at demokratikong bansang-kasapi. Ang Unyong Europeo ay ang pinakamalaking kompederasyon ng mga malayang estado, na itinatag sa ilalim ng pangalang iyon noong 1992 ng Kasunduan sa Pagkakaisa ng Europa (ang Tratado ng Maastricht). Subali't, maraming mga aspekto ng Unyon ay namalagi na bago ng araw na iyon sa pamamagitan ng isang serye ng mga sinundang relasyon na bumabalik sa 1951.[5]

Ang Unyon sa kasalukuyan ay may isang karaniwang nag-iisang kalakalan na binubuo ng isang unyong pang-adwana, isang nag-iisang salapi na pinamamahala ng Europeong Bangko Sentral (sa ngayon ay inaangkin ng 13 ng 28 mga estadong-kasapi), isang Karaniwang Patakarang Pansaka, isang karaniwang patakarang pang-kalakalan, at ng isang Karaniwang Patakarang Pampalaisdaan.[6] Isang Karaniwang Patakarang Panlabas at Panseguridad ay itinatag rin bilang ikalawa sa mga tatlong haligi ng Unyong Europeo. Ang Kasunduang Schengen ay nagpaalis ng mga kontrol sa pasaporte para sa ilang mga estadong-kasapi, at ang pagsusuring pang-adwana ay inalis rin sa maraming mga interyor na hangganan sa UE, na gumawa sa isang ekstento isang nag-iisang espasyo ng mobilidad para sa mga mamamayan ng UE na manirahan, mag-biyahe, mag-trabaho at mamuhunan.[7]

Ang mga pinakamahalagang institusyon ng UE ay nagsasama ng Sangguniang Europeo, ang Lupong Europeo, ang Hukumang Europeo ng Katarungan, ang Batasang Europeo, ang Konsehong Europeo, at ang Europeong Bangko Sentral. Ang mga pinanggalingan ng Parlamentong Europeo ay bumabalik sa dekadang 1950 at ng mga nagtatatag ng tratado, at mula sa 1979 ang mga miyembrong nito ay inihahalalal ng mga taong kanilang kinakatawan. Kada limang taon nagkakaroon ng halalan kung saan ang mga naka-rehistrong mamamayan ng UE ay maaaring bumoto.

Ang mga aktibidad ng Unyong Europeo ay sumasakop sa karamihang lapad ng patakarang publiko, mula sa patakarang ekonomika sa ugnayang panlabas, tanggulan, pagsasaka at kalakalan. Pero, ang ekstento ng kapangyarihan nito ay umiiba ng kahanga-hanga kahalubilo ng mga sakop. Sa ilan ang UE ay maaaring magkawangis sa isang pederasyon (hal. sa ugnayang pampananalapi, patakarang agrikultural, pang-kalakalan at pang-kalikasan, patakarang ekonomika at panlipunan), sa iba isang kompederasyon (hal. sa ugnayang panloob), at sa iba pa rin isang organisasyong internasyonal (hal. sa ugnayang panlabas).

Pamayanang Europeo ng Karbon at Asero

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Gumagawa ng panukala si Robert Schuman ng Pamayanang Karbon at Asero noong 1950

Isa sa mga unang nagtagumpay na panukala para sa Kooperasyong Europeo ay ang pagkakaroon ng Pamayanang Europeo ng Karbon at Asero noong 1951. Ito ay naging layunin upang mamahala ang mga industriya ng karbon at asero ng mga bansang-kasapi, ang namumunong Pransiya at Kanlurang Alemanya. Ito rin ay naging layunin kung saan nangyari ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa pagitan nila, na ang karbon at bakal ay mga punong kasangkapan para sa matinding digmaan. Ang mga ibang kasaping nagtatag ay Italya at ang mga bansang Benelux: ang Belhika, Olanda, at Luxembourg.[8]

Mga Pamayanang Europeo

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang mga karagdagang pamayanan ay nalikha noong 1957: ang Pamayanang Pang-ekonomikong Europeo (EEC) na nagtatag ng unyong pang-adwana, ay ang Pamayanang Lakas-Atomikong Europeo (Euratom) para sa kooperasyon sa pagpapaunlad ng enerhiyang nuklear.[8] Noong 1967 ang Kasunduang Pinag-isahan ay nakalikha ng isang langkay ng mga institusyon para sa mga tatlong pamayanan, na tinutukoy nang magkakasama bilang Mga Pamayanang Europeo, bagama't, ang Pamayanang Europeo ay kilala nang karaniwan lamang.[9]

Noong 1973 ang mga Pamayanang Europeo ay lumawak nang sumapi ang Dinamarka, Irlanda at ang Nagkakaisang Kaharian.[10] Nakipag-usap ang Norwega na sumanib sa panahong iyon ngunit iniwaksi ang pagkakasapi sa pamamagitan ng reperendum kaya nanatili sa labas ang bansa.

Ang paglikha ng Pamayanang Pang-ekonomikong Europeo ng Kasunduang Roma noong 1957

Noong 1979, lumaganap ang unang tuwid at demokratikong halalan ng mga kasapi ng Batasang Europeo.[11] Ito ang unang halalan ng Europa na pinayagan ang mga mamamayan na maghalal ng mga 410 MEP sa Batasang Europeo, at ito rin ang unang halalang pansabansaan sa kasaysayan ng daigdig.

Sumapi ang mga bansang Gresya, Espanya at Portugal sa loob ng dekada 80.[12] Ang Kasunduang Schengen noong 1985 ay naglikha ng malawakang pagbubukas ng mga hangganan na hindi gumagamit ng pasaporte sa pagitan ng mga bansang-kasapi.[13] Noong 1986, nagsimulang gumamit ang watawat na Europeo at nilagdaan ng mga pinuno ang Batas ng Isahang Pang-europeo. Ang batas na ito ay nagbibigay ng pagbabago ng paraan ng paggawa ng pasiyang pampamayanan habang kumikilos upang makamtan ang pagiging kasapi, nagbibigay ng layunin upang mabawasan ang mga impedimento sa kalakalan at magpapakilala ng malawak na Kooperasyong Pampolitika ng Europa.

Unyong Europeo

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ang pagbagsak ng Kurtinang Bakal ay nagbigay-daan sa pagpapalawak nang pasilangan. (Dingding ng Berlin)

Pagkatapos ng pagbagsak ng Kurtinang Bakal, and dating Silangang Alemanya ay naging bahagi ng pamayanan kasabay ng pagkakaisa sa isang Alemanya.[14] Nang lumalawak patungong Silangang Europa bilang bahagi ng usapan, pinayangan ang pamantayang Copenhagen para sa mga kandidatong-kasapi ng Unyong Europeo.

Ang Kasunduan ng Maastricht ay naging ganap nang lubos noong 1 Nobyembre 1993.[15] Ipinakilala ang salitang Unyong Europeo at itinatag ang tatlong haligi nito. Ang salitang Pamayanang Europeo ay tinutukoy sa unang haligi na nakilala na dating Mga Pamayanang Europeo. Ang ikalawa at ikatlong haligi ay may kapakanan sa patakarang panlabas at ugnayang pantahanan, na may higit na antas na malapagitang-pamahalaan ng pagkikiisa. Sa wikang kolokyal, ang salitang Unyong Europeo ay ipinalit sa salitang Pamayanang Europeo. Ang kanyang bakas bilang pangalan ng unang haligi ay ipapawalang-bisa sa sistemang haligi kung ang Kasunduan ng Lisbon ay magiging ganap.

Sumanib ang mga bansang Awstrya, Suwesa at Finlandya noong 1995. Binago ng Kasunduan ng Amsterdam ang kasunduang Maastricht noong 1997 sa mga bahagi tulad ng demokrasya at patakarang panlabas. Ang Amsterdam ay nasundan ng Kasunduan ng Nice noong 2001, na may pagbabago sa mga kasunduang Roma at Maastricht na payagan ang UE na gampanan sa pagpapalawak mula sa silangan.

Noong 2002, ipinagtibay ng labindalawang bansang-kasapi ang euro bilang isang pananalapi. Mula't sapul, ang Eurosona ay lumawak upang mapalibot ang labinlimang bansa. Noong 2004, namasdan ang pagpapalawak ng UE nang sumanib ang mga sampung bagong bansa na nagmumula sa Hanay Pansilangan.[16] Pagkalipas ng talong taon, sumanib ang dalwang bansa, Bulgarya at Rumania.[16] Sumanib ang bansang Croatia noong 2013.[17]

Ang isang kasunduan na nakapaglikha ng saligang-batas para sa UE ay nilagdaan sa Roma noong 2004, tangkaing palitan ang lahat ng mga dating kasunduan sa iisang dokumento. Subali't hindi natuloy ang pagpapatunay nang tumanggi ang mga botanteng Pranses at mga Olandes sa mga reperendum. Noong 2007, pinayagan na mapalitan ang panukalang-batas sa bagong Kasunduang Reporma, na mas mabuting baguhin na lamang kaysa mapalitan ang mga umiiral na kasunduan. Nilagdaan ang kasunduang ito noong 13 Disyembre 2007 sa Lisbon at kinilala bilang Kasunduang Lisbon at napalaganap ito noong Enero 2009.

Mga bansang-kasapi

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Mga estadong-kasapi at kandidato sa paglawak ng Unyong Europeo

Upang sumapi sa UE, kailangang makamtan ng bansa ang pamantayang Copenhagen na isinulat sa 1993 Sangguniang Europeo ng Copenhagen. Kailangan nilang magpanatili ng matatag na demokrasya na may paggalang sa karapatang pantao at ang tuntunin ng batas; isang masigasig na kalakalang ekonomiya na may kakayahang makipagpaligsahan sa loob ng UE; at ang pagtanggap ng mga obligasyon bilang kasapi, kasama ang batas ng UE. Tungkulin ng Sangguniang Europeo na magsuri ng mga katuparan sa pamantayan ng isang bansa.[18]

Ang Unyong Europeo ay binubuo ng 28 malalayang bansa na nakikilala bilang mga bansang-kasapi: Alemanya, Austria, Belhika, Bulgarya, Croatia, Dinamarka, Eslobakya, Eslobenya, Espanya, Estonya, Gresya, Irlanda, Italya, Latbiya, Litwaniya, Luxembourg, Malta, ang Nagkakaisang Kaharian, Olanda, Pinlandiya, Polonya, Portugal, Pransiya, Rumanya, Suwesya, Tsekya, Tsipre at Unggarya.[19]

Mayroong dalawang opisyal na bansang-kandidato, Dating Republikang Yugoslav ng Masedonya, at Turkiya; ang mga kanlurang Balkan na bansang Albanya, Bosnia at Herzegovina, Montenegro, at Serbya ay opisyal na nakilala bilang mga kandidatong may potensiyal.[20]

Ang mga apat na bansa ng Kanlurang Europa na piniling huwag nang sumanib sa UE ay bahagyang may tungkulin sa ekonomiya at mga alituntunin ng UE: Iceland, Liechtenstein, at Noruwega na bahagi ng mga bansa ng isahang kalakalan sa pamamagitan ng Espasyong Ekonomikong Europeo, at ang Suwisa na may magkatulad na ugnayan sa pamamagitan ng mga kasunduang bilateral.[21] Ang mga maliliit na bansa na may kaugnayan sa UE tulad ng Monaco, San Marino, at Lungsod ng Vatikan ay kabilang sa paggamit ng euro at iabng kooperasyon.

Pamayanang EuropeoKaraniwang Patakaranng Panlabas at PangkaligtasanKooperasyong Pampulisya at Panghukuman sa Kaganapang Krimen
Ang mga tatlong haligi na nagtataguyod ng Unyong Europeo (maaaring magklik)

Ang UE ay nakabatay sa mga serye ng mga kasunduan na nakapagbuo ng pangkasalukuyang istruktura sa pamamagitan ng mga sunud-sunod na karagdagan at mga susog.[22] Tiniyak ng mga kasunduan ang malawak na mithiing pampatakaran ng organisasyon at itinatag ang mga institusyon na may kapangyarihang naaayon sa batas na kinakailangan upang isakatuparan ang mga mithiing ito, kabilang ang kakayahan upang isabatas ang lehislasyon[23] na makakapagbago nang tuwiran ang lahat ng mga bansang-kasapi at ang kanilang mga naninirahan (ang prinsipyo ng 'tuwirang dulot').[24] Ang mga pambansang hukuman ay nagpapatupad ng mga kasunduan ng UE at ang mga batas na inaakto sa ilalim nila. Sa kaso ng pagsasalungat kung saan ang batas na nanggaling sa lehislasyong UE na nakakapagbangga sa isa pang pambansang batas, ang batas ng UE ay isinasaalang-alang upang mahawakan ang karapatang mabigyan ng kahalagahan (prinsipyo ng 'Kataasan').[25] Ang mga pasiya higgil sa lehislasyong UE ay maaaring masangguni sa Hukumang Europeo ng Katarungan sa pamamagitan ng mga pambansang hukuman. Ang UE ay natatasahan ng bilang ng mga institusyon, sa una pa lamang ang Sanggunian ng Unyong Europeo, ang Komisyong Europeo, at ang Batasang Europeo.

Ang UE ay palaging isinasalarawan bilang nahahati sa tatlong saklaw ng pananagutan, na tinatawag na 'mga haligi'. Ang likas na mga patakaran ng Pamayanang Europeo ay nakabuo ng unang haligi, habang ang ikalawa ay binubuo ng Karaniwang Patakarang Panlabas at Pangkaligtasan. Ang ikatlong haligi ay likas na binubuo ng mga Ugnayang Pangkatarungan at Pantahanan, gayumpaman napapanagutan sa mga pagbabago na ipinakilala ng mga kasunduang Amsterdam at Nice, ito'y pangkasalukuyang binubuo lamang ng Kooperasyong Pampulisya at Panghukuman sa Kaganapang Krimen. Sinasabi nang malawakan, ang ikalawa at ikatlong haligi ay maisasalarawan bilang mga intergubernaturyal na haligi sapagka't ang mga institusyong supranasyonal ng Komisyon, Batasan at ang Hukuman ng Katarungan ay gumaganap nang di-gaano ng isang tungkulin o wala sa lahat. Karamihan sa mga gawain ng UE ay nagmumula sa ilalim ng unang, Pamayanan na haligi. Ito ay halos umaakma nang halos nakakatipid at ang institusyong supranasyonal ay may higit na impluwensiya.[26]

Ang Komisyong Europeo ay gumaganap bilang kanang-kamay na tagapagpaganap ng UE at may tungkulin ukol sa pagkukusa ng lehislasyon at ang pang-araw-araw tumatakbo ng UE. Ito ay nagbabalak upang kumilos nang nag-iisa sa kalamangan ng UE bilang isang kabuuan, na tutol sa Sanggunian na binubuo ng mga pinuno ng mga bansang-kasapi na nagninilay-nilay sa mga pambansang kapakanan. Ang komisyon ay natitingnan din bilang makina ng pagbubuo ng Europa. Ito'y kasalukuyang binubuo ng mga 27 komisyonado para sa mga iba't ibang saklaw ng patakaran, isa mula sa bawat bansang-kasapi.

Ang Pangulo ng Komisyon at ang lahat ng ibang komisyonado ay nanominahan ng Sanggunian. Ang pagtatalaga ng Pangulo ng Komisyon, at ang Komisyon din sa kabuuang ito, ay kiakailangang patotohanan ng Batasan.[27]

Ang hemisiklo ng Batasan ng UE sa gusaling Louise Weiss sa Strasbourg
European Commission (Brussels)

Ang Batasang Europeo ay binubuo ng kalahati ng tagapagbatas ng UE. Ang mga 785 Kasapi ng Batasang Europeo (KBE) ay tuwirang inihalal ng mga mamamayan ng UE tuwing limang taon. Bagama't ang mga KBE ay inihalal sa pambansang batayan, manapa'y sila'y umuupo alinsunod sa mga pampolitikang pangkat kaysa sa kanilang kabansaan. Bawat bansa ay may buklod na bilang ng mga upuan. Ang Batasan at ang Sanggunian ay nagbubuo at nagpapasa ng lehislasyon nang sama-sama, na gumagamit ng kapwa-pasiya, sa tiyak na saklaw ng patakaran. Ang pamamaraang ito ay magpapalawig sa mga maraming bagong saklaw sa ilalim ng minumungkahing Kasunduan ng Lisbon, at samakatuwid magpapalaki ng kapangyarihan at kaugnayan ng Batasan. Ang Batasan ay may kapangyarihan ding tanggihan o punain ang Komisyon at ang badyet ng UE. Ang Pangulo ng Batasang Europeo ay dumadaig sa tungkulin ng ispiker sa batasan at kumakatawan ito nang panlabas. Ang pangulo at ang mga pangalawang pangulo ay inihalal ng KBE tuwing dalawa at kalahating taon.[28]

Sanggunian ng Unyong Europeo

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Sanggunian ng Unyong Europeo ay binubuo ng ibang kalahati ng tagapagbatas ng UE. Ito ay isang organisadong andamyo kung saan ang mga pambansang ministro ay may tungkulin ukol sa mga saklaw ng patakaran na naitalumpati, nagpupulong. Bagama't ang Sanggunian ay nagpupulong sa iba't ibang kayarian, ito'y isinasaalang-alang sa pagiging isang bugtong na lupon.[29] Bukod sa tungkuling panlehislatibong, ang Sanggunian ay tumutupad din ng tungkuling tagapagpaganap sa kaugnayan ng Karaniwang Patakarang Panlabas at Pangkaligtasan.

Ang umiikot na Pagkapangulo ng Sangguniang UE ay nakakakuha ng bawat bansang-kasapi sa loob ng bawat anm na buwan, habang kung saan ang kaugnay na kasapi ay namumuno ng mga karamihang pagpupulong ng Sanggunian.[29] Ang mga bansang-kasapi na humahawak ng pagkapangulo ay gumagamit ito nang karaniwan upang isulong at tumutok sa takdang bilang ng saklaw na pampatakaran; tulad ng iba't ibang uri ng reporma, pagpapalaki o panlabas na ugnayan na may tiyak na bahagi ng daigdig.

Sangguniang Europeo

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang lideratong pampulitaka na may mataas na ranggo sa UE ay ipagkakaloob ng Sangguniang Europeo, na binubuo ng isang kinatawan ng bawat bansang-kasapi at saka ang Pangulo ng Komisyong Europeo. Ang mga bansang-kasapi ay namimili para mayroon silang kinatawan na maaaring puno ng estado (halimbawa, ang pangulo) o ang puno ng pamahalaan (halimbawa, ang punong ministro). Ang Sangguniang Europeo ay nagpupulong nang hindi bababa sa apat na pagtitipon sa loob ng isang taon, at pinamumunuan ng kinatawan ng umiikot na pagkapangulo.[29] Ang Sangguniang Europeo ay hindi dapat malito sa Sanggunian ng Europa, ang malayang intergubernatoryal na institusyon sa UE.

Ang panghukumang bahagi ng UE ay binubuo ng Hukumang Europeo ng Katarungan (HEK) at ang Hukuman ng Unang Paglilitis (na ipinangalan muli ang "Pangkalahatang Hukuman" sa pagpasok sa puwersa ng Kasunduan ng Lisbon). Sila ay nagpapakahulugan nang sama-sama at gumagamit ng mga kasunduan at batas ng UE.[30] Ang Hukuman ng Unang Paglilitis ay nagbabahagi sa pinakamahalaga sa mga kaso na hinahawakan ng mga pangisahan at mga kompanya patungo bago ang mga hukumang UE, at ang HEK ay nagbabahagi sa una pa lamang sa mga kaso na hinahawakan ng mga bansang-kasapi, ang mga institusyon at mga kaso ay nasangguni sa mga hukuman ng UE ng mga hukuman ng mga bansang-kasapi.[31] Ang mga pasiya mula sa Hukuman ng Unang Paglilitis ay maaaring iapela sa Hukuman ng Katarungan subali't sa paksa ng usapang batas lamang.[32]

Ang mga pambansang hukuman na nasa loob ng mga Bansang-Kasapi ay may mahalagang tungkulin na ginagampanan sa UE bilang tagapag-iral ng mga batas ng UE at ang "diwa ng bayanihan" sa pagitan ng UE at ang mga pambansang hukuman ay nangingibabaw sa mga Kasunduan. Ang mga pambansang hukuman ay maaaring gumamit ng batas ng UE sa mga kasong pantahanan, at kung sila'y humiling ng paglilinaw sa interpretasyon o bisa ng anumang lehislasyon ng UE sa mga kaso ito'y maaaring makagawa ng sanggunian para sa paunang pasiya sa HEK. Ang karapatan sa pagpapahayag ng lehislasyon ng UE na walang saysay gayumpaman ay nakapintong sa mga hukuman ng UE.

Unyong Pananalapi

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Mga salaping euro

Ang pang-isahang umiiral na salapi para sa UE ay naging opisyal na layunin mula 1969 at nagsimulang kumilos noong 1990 sa Unyong Pang-ekonomiya at Pananalapi. Pagkalipas ng siyam na taon, inilunsad ang euro sa labing-isa ng dating labinlimang bansang-kasapi bilang pananalaping pantuos, ibig sabihin na ang mga pambansang pananalapi ay nananatiling ginagamit nguni't nakatutok lamang sa euro pagdating sa halaga ng palitan. Noong 1 Enero 2002, inilabas ang mga barya at salaping papel ng euro at ang mga pambansang sirkulasyon ay unti-unting inalis sa mga labindalawang bansa. Tinanggap ng Slobenya ang euro noong 1 Enero 2007, ang mga bansang Tsipre at Malta naman noong 1 Enero 2008, sa ganoong paraan ang Eurosona sa kasalukuyang 15 bansa na gumagamit ng euro bilang kanilang nagi-iisang opisyal na pananalapi. Ang mga ibang kasapi ng UE, maliban sa Dinamarka at ang Mga Nagkakaisang Kaharian, ay pumayag na sumali kasabay ang kundisyon ng mga pagiging kasapi ng UE at ang mga petsa para rito ay isasaayos kung nakamit nang lubos ang kalagayan ng ekonomiya. Ang opinyong pambayan sa Dinamarka ay kasalukuyang sumasang-ayon sa pagsali. Ang Suwesa ay nakapagpaliguy-ligoy upang makaiwas ang mga bagay na kinakailangan sa pagsali ng saklaw ng euro sa pamamagitan ng di-pagkamit sa mga pamantayang kasapian. Ang bilang ng mga ibang bansa sa labas ng UE, tulad ng Montenegro, ay gumagamit din ng euro nang di-opisyal.[33] Ang euro, at ang mga patakarang pananalapi ng mga bansang nakapagkupkop nito, ay napapangasiwaan sa ilalim ng Bangko Sentral ng Europa (BSE).[34]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 "Symbols of the EU". Europa web portal. Nakuha noong 9 Enero 2008.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. The New Oxford American Dictionary, Second Edn., Erin McKean (editor), 2051 pages, Mayo 2005, Oxford University Press, ISBN 0-19-517077-6.
  3. European Foundation for the Improvement of Living and Working Conditions [1]
  4. range from List of countries by Human Development Index
  5. "Panorama of the European Union Naka-arkibo 2009-12-21 sa Wayback Machine.", Europa. Retrieved 20 Mayo 2006.
  6. Activities of the EU — Internal market, Europa. Retrieved 20 Mayo 2006.
  7. "Abolition of internal borders and creation of a single EU external frontier", Europa. Retrieved 20 Mayo 2006.
  8. 8.0 8.1 "A peaceful Europe - the beginnings of cooperation". Europa. Nakuha noong 2007-06-25.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "Merging the executives". European Navigator. Nakuha noong 2007-06-25.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "The first enlargement". European Navigator. Nakuha noong 2007-06-25.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. "The new European Parliament". European Navigator. Nakuha noong 2007-06-25.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. "Negotiations for enlargement". European Navigator. Nakuha noong 2007-06-25.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. "A Europe without frontiers". Europa. Nakuha noong 2007-06-25.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. "1980-1989 The changing face of Europe - the fall of the Berlin Wall". Europa. Nakuha noong 2007-06-25.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. "Treaty of Maastricht on European Union". Activities of the European Union. Europa. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2007-10-21. Nakuha noong 2007-10-20.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link); Craig, Paul; Grainne De Burca , P. P. Craig (2006). EU Law: Text, Cases and Materials (ika-4th ed. (na) edisyon). Oxford: Oxford University Press. p. 15. ISBN 978-0-19-927389-8. {{cite book}}: |edition= has extra text (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. 16.0 16.1 "A decade of further expansion". Europa. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2007-06-15. Nakuha noong 2007-06-25.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. "Croatia becomes the 28th member state of the European Union". Europa. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2013-06-29. Nakuha noong 2013-12-29.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. "Accession criteria (Copenhagen criteria)". Europa. Nakuha noong 2007-06-26.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. "European Countries". Europa. Nakuha noong 2007-09-05.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  20. "European Commission - Enlargement - Candidate and Potential Candidate Countries". Europa. Nakuha noong 2007-06-26.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  21. "The EU's relations with Switzerland". Europa. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2008-12-19. Nakuha noong 2007-09-16.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  22. "Sources of EU law". Europa. Nakuha noong 2007-09-05.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  23. EUR-Lex. "European Community consolidated treaty, (article 249, provisions for making regulations)" (PDF). Europa. Inarkibo mula sa ang orihinal (PDF) noong 2007-12-01. Nakuha noong 2007-11-08.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  24. Alinsunod sa prinsipyo ng tuwirang Sanhi na unang lumuhog sa pasiya ng Hukuman ng KatarunganVan Gend en Loos v. Nederlanse Administratie Der Belastingen, Eur-Lex (European Court of Justice 1963). . Tingnan sa: Craig and de Búrca, ch. 5.
  25. Alinsunod sa prinsipyo ng Kataasan na itinatag ng ECJ sa Kaso 6/64, Falminio Costa v. ENEL [1964] ECR 585. Tingnan sa Craig and de Búrca, ch. 7. Tingnan din sa: Factortame Ltd. v. Secretary of State for Transport (No. 2) [1991] 1 AC 603, Solange II (Re Wuensche Handelsgesellschaft, BVerfG decision of 22 Oktubre 1986 [1987] 3 CMLR 225,265) and Frontini v. Ministero delle Finanze [1974] 2 CMLR 372; Raoul George Nicolo [1990] 1 CMLR 173.
  26. "Pillars of the European Union". Europa. Nakuha noong 2007-06-27.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  27. "Institutions: The European Commission". Europa. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2007-06-23. Nakuha noong 2007-06-25.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  28. "Institutions: The European Parliament". Europa. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2007-06-24. Nakuha noong 2007-06-25.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  29. 29.0 29.1 29.2 "Institutions: The Council of the European Union". Europa. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2007-07-03. Nakuha noong 2007-06-25.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  30. EUR-Lex. "European Community consolidated treaty, (article 220, The court of Justice)" (PDF). Europa. Inarkibo mula sa ang orihinal (PDF) noong 2007-12-01. Nakuha noong 2007-11-08.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  31. "The Court of Justice of the European Communities". Europa. Nakuha noong 2007-09-14.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link); "The Court of First Instance". Europa. Nakuha noong 2007-09-14.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link); "Institutions: Court of Justice". Europa. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2011-02-09. Nakuha noong 2007-06-25.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  32. EUR-Lex. "European Community consolidated treaty, (article 225 (1), The court of First Instance)" (PDF). Europa. Inarkibo mula sa ang orihinal (PDF) noong 2007-12-01. Nakuha noong 2007-11-08.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  33. European Commission. "Use of the euro in the world". The euro outside the euro area. Europa. Nakuha noong 2008-02-27.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  34. "ECB, ESCB and the Eurosystem". European Central Bank. Nakuha noong 2007-09-15.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]