Silangang Alemanya

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang Demokratikong Republika ng Alemanya ay itinatag sa Silangang bahagi ng Alemanya sa tulong ng Unyong Sobyet. Sa kabuuan ang gobyernong ito ay Komunista. Kilala rin ito bilang Silangang Alemanya. Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, hinati ang Alemanya, ang Kanlurang Alemanya ay sa mga Kapangyarihang Kanluranin at ang sa Silangan naman ay sa Unyong Sobyet. Nang magawa ang Dingding ng Berlin, tuluyang nahati ang Alemanya. Ang Demokratikong Republika ng Alemanya ay may gobyernong Komunismo, ngunit dahil sa reporma ng bagong pinuno ng Unyong Sobyet nawala ang Komunismo sa Silangang Europa at Silangang Alemanya. Nang gibain ang Dingding ng Berlin ay tuluyang nawala ang Komunismo sa Alemanya at napagisa muli ito.

Mga pinuno[baguhin | baguhin ang wikitext]

AlemanyaEuropa Ang lathalaing ito na tungkol sa Alemanya at Europa ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.