Pumunta sa nilalaman

Republikang Bayan ng Polonya

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Republikang Bayan ng Polonya
Polska Rzeczpospolita Ludowa (Polako)
1947–1989
Salawikain: Proletariusze wszystkich krajów, łączcie się!
"Mga proletaryo ng lahat ng bansa, magkaisa!"
Awitin: Mazurek Dąbrowskiego
"Masurka ni Dąbrowski"
Location of Republikang Bayan ng Polonya
KatayuanKasapi ng Pakto ng Varsovia at Comecon
Kabisera
at pinakamalaking lungsod
Varsovia
52°13′N 21°02′E / 52.217°N 21.033°E / 52.217; 21.033
Wikang opisyalPolako
KatawaganPolako
Polones
Pamahalaan1947–1956:
Unitaryong Marxista–Leninistang unipartidistang sosyalistang republika sa ilalim ng Stalinistang diktadura
1956–1989:
Unitaryong Marxista–Leninistang unipartidistang sosyalistang republika
1981–1983:
Huntang militar
First Secretary and Leader 
• 1947–1956 (first)
Bolesław Bierut
• 1989–1990 (last)
Mieczysław Rakowski
Head of Council 
• 1947–1952 (first)
Bolesław Bierut
• 1985–1989 (last)
Wojciech Jaruzelski
Prime Minister 
• 1944–1947 (first)
E. Osóbka-Morawski
• 1989 (last)
Tadeusz Mazowiecki
LehislaturaSejm
PanahonDigmaang Malamig
19 February 1947
22 July 1952
21 October 1956
13 December 1981
4 June 1989
31 December 1989
Lawak
• Kabuuan
312,685 km2 (120,728 mi kuw)
Populasyon
• Pagtataya sa 1989
37,970,155
TKP (1989)0.910
napakataas · ika-33
SalapiZłoty (PLZ)
Sona ng orasUTC+1 (CET)
• Tag-init (DST)
UTC+2 (CEST)
Kodigong pantelepono+48
Pinalitan
Pumalit
Provisional Government of National Unity
Poland

Ang Republikang Bayan ng Polonya ay estadong sosyalista na umiral sa Gitnang Europa mula 1947 hanggang 1989. Hinangganan nito ang Dagat Baltiko sa hilaga, Unyong Sobyetiko sa silangan, Tsekoslobakya sa timog, at Silangang Alemanya sa kanluran. Sumaklaw ito ng lawak na 312,685 km2 at tinahanan ng halos 38 milyong mamamayan. Naging estadong satelite ito ng USSR bilang kasapi ng mas malaking Silangang Bloke. Ang kabisera at pinakamalaking lungsod nito ay Varsovia.

Sa pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, itinulak ng Hukbong Pula ang mga tropa ng Alemanyang Nazi mula sa okupadong Polonya. Noong Pebrero 1945, inatasan ng Kumperensiya sa Yalta ang pagbuo ng pansamantalang pamahalaan sa Polonya mula sa isang kompromisong koalisyon hanggang maganap ang mga posgerang halalan. Binalewala ni Iosif Stalin ang Polakong gobyerno sa pagpapatapon sa Londres at bumuo ang administrasyong papet. Sa kasunod na Kumperensiya sa Potsdam noong Hulyo hanggang Agosto, pinagtibay ng tatlong pangunahing Alyados ang malawakang lipat pakanluran ng mga hangganan ng Polonya, kung saan pinasyahan ang bagong teritoryo nito sa pagitan ng mga Linya ng Oder–Neisse at Curzon. Kinonsolida ng nangunang Nagkakaisang Partido Manggagawa ng Polonya o PZPR ang kapangyarihan nito sa bansa sa ilalim ni Bolesław Bierut. Ipinahayag ang Konstitusyong Hulyo noong 1952, at idineklara ang Polonya na republikang bayan.

Kasunod ng pagkamatay ni Stalin noong 1953, sinimulan ni Nikita Khrushchev ang De-Stalinisasyon at lumitaw sa kapangyarihan ang mas liberal na paksyong komunista na pinamunuan ni Władysław Gomułka. Gayunpaman, patuloy na dumanas ang Polonya ng kahirapan sa ekonomiya at politika. Nagdulot ito sa malawakang pagprotesta noong Marso 1968 at Disyembre 1970 nang tumaas ang presyo ng mga bilihin. Nagpasimuno ang pamahalaan ang bagong ekonomikong programa na nakita ang malaking pag-utang mula sa Kanluran. Panandaliang tumaas ang mga pamantayan ng pamumuhay sa bansa, ngunit muling bumaba sa Krisis sa Langis ng 1973. Napilitan ang gobyerno ni Edward Gierek na muling magtaas ng mga presyo, at humantong ito sa mga protesta noong Hunyo 1976.

Pinalakas ng paghalal kay Karol Wojtyła bilang si Santo Papa Juan Pablo II ang pagkontra sa nakitang awtoritaryo at di-epektibong sistema ng sosyalismo. Noong Agosto 1980, nagkaroon ng bagong serye ng mga welga na nagresulta sa pagtatatag ng makasarinlang unyong manggagawa na Solidaridad na pinamunuan ni Lech Wałęsa. Lumago ang oposisyon, na naging dahilan sa pagdeklara ni Wojciech Jaruzelski ng batas militar noong Disyembre 1981. Winakasan ito pagkatapos ng dalawang taon, sa kabila ng pagreporma ni Mikhail Gorbachev, tumitinding pamumuwersa ng Kanluran, at ang patuloy na humihinang ekonomiya ng bansa. Humantong ito sa Akwerdo sa Mesang Bilog ng 1989, kung saan ginanap ang unang malayang halalan sa Polonya pagkatapos ng apat na dekada. Bumitiw si Jaruzelski sa pagkapangulo at sinundan ni Wałęsa, na nagmarka sa katapusan ng rehimeng komunista sa bansa.

Patuloy na kontrobersyal ang legasiya ng republikang bayan sa modernong Polonya. Nagkaroon ng ilang tagumpay na nakamit tulad ng pinabuting kalagayan sa kabuhayan, mabilisang industriyalisasyon, at urbanisasyon. Binigyang karapatan ang mga tao sa aborsyon, libreng edukasyon, at pangkalahatang pangangalagang pangkalusugan; halos dumoble ang populasyon sa pagitan ng 1947 at 1989. Nagpatupad din ng mga patakaran na nagresolba sa kawalan ng tirahan at ginarantiya ang trabaho. Sa kabila nito, kinakarakterisa ang rehimen bilang mapang-api at diktatoryal. Pinamahalaan ang bansa na unipartidistang estado sa ilalim ng Marxista–Leninistang PZPR. Hindi naging malaya at patas ang mga halalan, at paulit-ulit na tinahimik ang mga disidenteng grupo. Ang Ministeryo ng Pampublikong Seguridad, na sa kalauna'y Serbisyong Panseguridad, ay ang nagsilbing punong ahensyang intelihensya na kumilos bilang sikretong pulis. Kaakibat dito ang organisasyong Milisyang Mamamayan, ang opisyal na pulisya ng bansa, na nagsagawa ng marahas na pagsupil at malawakang pag-aaresto sa mga nagproprotesta. Tinatayang mahigit 22,000 ang namatay o nawala noong panahong ito.