Alemanyang Nazi

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Mas Dakilang Imperyong Aleman

Großdeutsches Reich
1933–1945
Watawat ng Alemanya
Watawat
Pambansang Sagisag ng Alemanya
Pambansang Sagisag
Salawikain: Ein Volk, ein Reich, ein Führer
"Isang masa, isang Reich, isang Führer"
Awiting Pambansa: Das Lied der Deutschen
(Awit ng mga Aleman)

Unang saknong ng
Das Lied der Deutschen
at sinundan ng Horst-Wessel-Lied
(Awit ni Horst Wessel)
Ang Europa sa kataasan ng pananakop ng Alemanyang Nazi, 1941-1942.   Alemanyang Nazi1   Mga pook na nasa ilalim ng pananakop ng Alemanya at/o Aksis   Mga kakampi ng Alemanya1, kasama sa pakikipagdigma, at mga estadong papet1   Mga sa ilalim ng kapangyarihang Alyado   Mga bansang walang kinakampihan
Ang Europa sa kataasan ng pananakop ng Alemanyang Nazi, 1941-1942.
  Alemanyang Nazi1
  Mga kakampi ng Alemanya1, kasama sa pakikipagdigma, at mga estadong papet1
  Mga sa ilalim ng kapangyarihang Alyado
  Mga bansang walang kinakampihan

Kabisera
at pinakamalaking lungsod
Berlin
Karaniwang wikaAleman
PamahalaanTotalitaryang diktadura, isang-partido na estado
Pangulo / Führer (pinuno) 
• 1933–1934
Paul von Hindenburg
• 1934–1945
Adolf Hitler 2
• 1945
Karl Dönitz
Kansilyer 
• 1933–1945
Adolf Hitler
• 1945
Joseph Goebbels
• 1945
Lutz Graf Schwerin von Krosigk 3
• Konsehong Pangestado
Reichsrat 4
PanahonPanahon sa gitna ng dalawang digmaang pandaigdig/Ikalawang Digmaang Pandaigdig
Enero 30, 1933 1933
Pebrero 27, 1933
• Anschluss
Marso 12, 1938
Setyembre 1, 1939
Abril 30, 1945
May 8, 1945 1945
Lawak
1941 (Großdeutschland)696,265 km2 (268,829 mi kuw)
Populasyon
• 1941 (Großdeutschland)
90030775
SalapiReichsmark (ℛℳ)
Pinalitan
Pumalit
Republikang Weimar
Saar (League of Nations)
Estadong Pederal ng Austria
Republikang Tsekoslobako
Rehiyon ng Klaipėda
Malayang Lungsod ng Danzig
Ikalawang Republika ng Polonya
Kaharian ng Italya
Eupen-Malmedy
Luxembourg
Alsace-Lorraine
Drava Banovina
Alemanyang sakop ng mga Alyado
Austriang sakop ng mga Alyado
Ikatlong Republika ng Czechoslovakia
Republika ng Polonya
Alsace-Lorraine
Eupen-Malmedy
Luxembourg
Kaharian ng Italya
Kaliningrad Oblast
Protektorado ng Saar
Sosyalistang Republikang Pederal ng Yugoslavia
Elten at Selfkant
Bahagi ngayon ng Alemanya
 Austria
 Belhika
 Republikang Tseko
 Pransiya
 Belarus
 Italya
 Lithuania
 Luxembourg
 Olanda
 Poland
 Rusya
 Eslobenya
 Ukraine
 Eslobakya
1: Kasama ang mga de facto na isinanib/isinamang mga teritoryo.

2: Ang opisina ay pormal na bakante. Binansagan ni Adolf Hitler ang kanyang sarili bilang Führer und Reichskanzler mula Agosto 1934.
3: Ginamit ni Lutz Graf Schwerin von Krosigk ang titulong Nangungunang Ministro.


4: Sa pamamagitan ng Batas Pagpapagana ng 1933, ang pamahalaang Aleman ay binigyan ng kapangyarihang legislatibo, ngunit ang Reichstag ay pormal na nanatili bilang tagagawa ng batas.

Ang Alemanyang Nazi (Aleman: Nazideutschland), kilala rin bilang Ikatlong Reich (Aleman: Drittes Reich) ngunit opisyal na tinawag na Alemang Reich (Aleman: Deutsches Reich), mula 1933 hanggang 1943 at Dakilang Alemang Reich (Aleman: Großdeutsches Reich), mula 26 Hunyo 1943, pasulong ang pangalawang karaniwang ginagamit upang tukuyin ang Alemanya mula 1933 hanggang 1945 nang ito ay isang totalitaryan na diktadurya na pinamunuan ni Adolf Hitler at ng kanyang Partidong Nazi.

Nakipagkasundo sila sa Unyong Sobyet na tutulungan nito ang Alemanya kung sakaling makipagdigma sila. Hinati din nila sa dalawa ang Polonya na itinatadhana ng kasunduan. Ngunit nawalan ito ng bisa nang salakayin ng Alemanya ang Unyong Sobyet na tinatawag na Operasyong Barbarossa.

Ang Alemanyang Nazi ay nagsimula ng manalo ang partidong Nazi sa Alemanya at naging Kansilyer ng Alemanya si Adolf Hitler. Nang mamatay si Pangulong Hidenburg, siya ang pumalit bilang pangulo. Bago pa man mamuno si Hitler bilang pangulo, sinakop niya na ang Austria, Tsekoslobakya at iba pang katabing bansa. Nagpasya silang humiwalay sa Liga ng mga Bansa. Noong 23 Agosto 1939, lumagda sila ng kasunduan ng Unyong Sobyet, kabilang dito ang hahatiin nila ang Polonya kung sakaling lulusubin ito ng Alemanya at tutulungan ng Unyong Sobyet ang Alemanya kung sakaling makipagdigma ito. 1 Setyembre 1939 nang salakayin ng Alemanya ang Polonya pakanluran, at sinalakay naman ng Unyong Sobyet ang Polonya pasilangan. Nang tumangging alisin ni Hitler ang kanyang sandatahan sa Polonya, nagpahayag ng pakikidigma ang Pransiya at Britanya. Sa tagsibol ng 1940, nilusob ng pwersa ng Alemanya ang Denmark, Norway, Belgium at Netherlands. Isinunod naman ang Pransiya. Nang matalo ang Pransiya ang mga sundalo ng kapangyarihang Alyado ay ipinalipat sa Dunkirk. Nang bumagsak ang Pransiya, hinati ito sa dalawa. Ang hilagang Pransiya ay sakop ng Alemanya, at ang kolaboreytor ng Alemanya, ang kanlurang Pransiya na mas kilala bilang Vichy France.

Noong Agosto hanggang Oktubre ng 1940, nilusob ng Luftwaffe (hukbong panghimpapawid ng Alemanya) ang mga lungsod ng Inglatera ngunit hindi matalo ang RAF (Royal Air Force) o hukbong panghimpapawid ng Britanya kaya't hindi masakop ng Alemanya ang Britanya. Sa Hlagang Aprika, Ang pwersa ng Italya ay umurong sa Ehipto, kung saan nakaistasyon ang pwersa nito. Natalo sila ngunit napaatras ng pwersa ng Alemanya sa hangganan ng Ehipto. Dahil sa kanyang pagkapanalo, sinalakay nito ang dating kakampi niya, ang Unyong Sobyet, nang ilunsad nito ang Operasyong Barbarossa. Mahigit kilometro na lang ang distansiya nila sa Moscow, ang kapitolyo ng Unyong Sobyet ngunit napaatras sila ng matinding taglamig. Muli silang sumalakay sa isang rehiyon at tinangkang sakupin ang Stalingrad, ngunit hindi masakop ang Stalingrad dahil sa opensiba ng mga Ruso sa ilalim ni Heneral Zhukov, at napaatras nila ang pwersa ng Alemanya. Sa hilagang Aprika ang pagsakop ng Morocco at Algeria ng kapangyarihang Alyado ang nagwakas ng ambisyon ng Alemanya sa Hilagang Aprika. Sa Europa, napaatras muli ng pwersa ng mga Ruso ang pwersa ng Alemanya sa hangganan ng Polonya. Sa ilalim ng pamumuno ni Heneral Dwight Eisenhower, inilunsad nila ang Operasyong Overlord. Napalaya nila ang Paris at patuloy na umuurong ang pwersa ng mga Ruso patungo sa kanluran. Inilunsad na ng Alemanya ang huling opensiba nila sa kanluran, ang labanan sa Bulge ngunit dahil sa paurong ang mga Ruso sa kanluran, nabigo ito. Habang nasa taguan si Hitler kasama ang asawa niya, si Eva Braun, nagpakamatay siya at naging dahilan ito upang sumuko ang Alemanyang Nazi.

Tingnan din[baguhin | baguhin ang wikitext]