Joseph Stalin

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Iosif Stalin)
Jump to navigation Jump to search
Joseph Stalin
Иосиф Сталин
CroppedStalin1943.jpg
Si Stalin sa Kumperensiya ng Tehran noong 1943.
General secretary ng Central Committee ng Partido Komunista ng Unyong Sobyet
Nasa puwesto
3 April 1922 – 16 October 1952
Nakaraang sinundanVyacheslav Molotov
(as Responsible Secretary)
Sinundan niNikita Khrushchev
(office reestablished)
Chairman of the Council of Ministers
Nasa puwesto
6 May 1941 – 5 March 1953
First DeputiesNikolai Voznesensky
Vyacheslav Molotov
Nikolai Bulganin
Nakaraang sinundanVyacheslav Molotov
Sinundan niGeorgy Malenkov
Pansariling detalye
Ipinanganak
Ioseb Besarionis dze Jughashvili

18 Disyembre 1878(1878-12-18)
Gori, Tiflis Governorate, Russian Empire
Namatay5 Marso 1953 (edad 74)
Kuntsevo Dacha, Kuntsevo, Russian SFSR, Soviet Union
HimlayanLenin's Mausoleum, Moscow (9 March 1953 – 31 October 1961)
Kremlin Wall Necropolis, Moscow (from 31 October 1961)
KabansaanSoviet
Georgian
Partidong pampolitikaPartido Komunista ng Unyong SobyetCommunist Party of the Soviet Union
(Mga) AsawaEkaterina Svanidze (1906–07)
Nadezhda Alliluyeva (1919–32)
Mga anakYakov Dzhugashvili, Vasily Dzhugashvili, Svetlana Alliluyeva
Mga magulangBesarion Jughashvili and Ketevan Geladze
Pirma
Serbisyo sa militar
Mga palayawKoba
Katapatan Unyong Sobyet
Sangay/serbisyoSoviet Armed Forces
Mga taon ng serbisyo1943–53
RangggoMarshal of the Soviet Union (1943–45)
Generalissimus of the Soviet Union (1945–53)
CommandsAll (supreme commander)
Mga labanan/digmaanIkalawang Digmaang Pandaigdig

Si Joseph Stalin (18 Disyembre 1878 – 5 Marso 1953), na nakikilala rin bílang Iosif Vissarionovič Stalin, Iosif Vissarionovich Stalin, at ang orihinal na pangalan ay Ioseb Besarionis Dze Jugashvili (pinapaiksing Ioseb Jughashvili, na binabaybay din bílang Iosif Dzhugashvili) ay isang rebolusyonaryong Bolshevik at pinúnò ng Unyong Sobyet mula 1922 hanggang sa kaniyang kamatayan noong 1953. Naging punong kalihim ng Partidong Unyong Sobyet si Stalin noong 1922. Siya ang komunistang diktador ng Unyong Sobyet.[1] Si Stalin ang pumalit kay Vladimir Lenin bílang pinúnò ng Unyong Sobyet. Isa siyang pinúnong totalitaryano, at nanatili sa kapangyarihan sa pamamagitan ng pagtanggal sa sinumang inaakala niyang panganib sa kaniya. Ang kaniyang mga patakaran ay nakagawa sa Unyong Sobyet na maging isang nasyong makapangyarihan at moderno, ang pinakamalaki sa mundo. Naghantong din ito sa pagkamatay ng milyon-milyong mga tao.[2] Sa pagdaka, ang anyo ng kaniyang pamahalaan ay tinaguriang Stalinismo. Nilusob ni Stalin ang Polonya noong 18 Setyembre 1939. Pinamunuan niya ang Unyong Sobyet habang nagaganap ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig at lubos na nakaapekto sa mga pagpapasyang ginawa pagkalipas ng digmaan hinggil sa Europa na nangyari sa mga pagpupulong sa Yalta at sa Potsdam.[1] Sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nananatiling walang pinapanigan si Stalin subalit lumagda ng kasunduang pangkapayapaan sa piling ng pinuno ng Alemanya na si Adolf Hitler. Pagkaraan ay nakipaglaban siya sa isang madugong digmaan pagkaraang lusubin ng Alemanya ang Unyong Sobyet. Nang magwakas ang digmaan, nakontrol ni Stalin ang lahat ng Silangang Europa kasama na ang Silangang Alemanya. Doon ay naitatag ang isang serye ng matatapat na mga estadong may iisang partido na Marxista at Leninista, na nagpalawak sa kaniyang kapangyarihan at nakatiyak sa posisyon ng Unyong Sobyet bílang isang superpower.

Unang bahagi ng búhay[baguhin | baguhin ang batayan]

Si Stalin ay ipinanganak na Ioseb Besarionis dze Jughashvili (იოსებ ბესარიონის ძე ჯუღაშვილი). Ipinanganak siyang etnikong Georgian. Dati ang Georgia ay kabílang pa sa Imperyong Ruso. Ang bersiyon ng kaniyang pangalan sa Ruso ay Iosif Vissarionovich Dzhugashvili (Ио́сиф Виссарио́нович Джугашви́ли).

Ipinanganak si Ioseb noong Disyembre 188, 1878[2] sa bayan ng Gori sa Tiflis Governorate ng Imperyong Ruso (na ngayon ay Georgia). Ang kaniyang ama ay si Besarion Jughashvili, isang sapatero, habang ang kaniyang ina ay si Ketevan Geladze, isang kasambahay. Noong bata pa, nagkaroon si Ioseb ng maraming suliraning pangkalusugan. Pinanganak siyang may dalawang adjoined na daliri sa para sa kaniyang kaliwang paa,[14] at ang kaniyang mukha ay permanenteng nasugatan ng smallpox sa edad na pitó. Sa edad na labindalawa, na-injure niya ang kaniyang kaliwang braso sa isang aksidente na kinasangkutan ng isang horse-drawn carriage, kayâ naging mas maikli ito at mas matigas kaysa ang kabiláng braso niya.

Kamatayan at legasiya[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang kalusugan ni Stalin ay unti-unting nadeteryorado patungo sa katapusan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Nagdusa siya sa atherosclerosis dahil sa matinding paninigarilyo, isang mild stroke noong panahon ng Victory Parade, at isang matinding atake sa puso naman noong Oktubre 1945.

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. 1.0 1.1 Deverell, William at Deborah Gray White. United States History and New York History: Post-Civil War to the Present (Holt McDougal:2010), pahina R116.
  2. "Joseph Stalin (1879 - 1953)". Historic Figures. Hinango noong 2009-02-01.



TaoUnyong SobyetTalambuhay Ang lathalaing ito na tungkol sa Tao, Unyong Sobyet at Talambuhay ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.