Pangkat ng Walo
Pangkat ng Walo Group of Eight Groupe des Huit Gruppe der Acht Gruppo degli Otto 主要国首脳会議 Большая восьмёрка |
---|
|
Ang Pangkat ng Walo (P8) (Inggles: Group of Eight o G8) ay isang sabansaang poro ng mga pamahalaan ng Alemanya, Hapon, Italya, Canada, ang Estados Unidos, ang Nagkakaisang Kaharian, Pransiya, at Rusya. Tumutukoy ang G8 sa mga bansang-kasapi o sa taunang pagtitipon ng mga puno ng pamahalaan ng G8. Ang mga ministro ng mga bansang-kasapi ng G8 ay nagpupulong din sa kabuuan ng taon, tulad ng mga ministrong pananalapi ng G7/8 (na nagpupulong nang apat na beses sa isang taon), mga ministro sa ugnayang panlabas o mag ministro sa kapaligiran. Ang Unyong Europeo ay kumakatawan din sa mga pagpupulong sa pamamagitan ng pangulo ng Komisyong Europeo at ang umiikot na Panguluhan ng Sanggunian ng Unyong Europeo.
Bawat pangkalendaryong taon, ang tungkulin bilang punung-abala sa G8 ay umiikot sa pamamagitan ng mga bansang-kasapi sa mga sumusunod na ayos: Pransiya, ang Estados Unidos, ang Nagkakaisang Kaharian, Rusya, Alemanya, Hapon, Italya at Canada. Isinasaayos ng humahawak ng panguluhan ang mga talausapan, nagpupunung-abala ng pagtitipon para sa taong iyon at nagpapasiya kung saan gaganapin ang mga pagpupulong pangministeryo. Kamakailan, ang mga bansang Pransiya at Mga Nagkakaisang Kaharian ay nakapagpahiwatig ng adhikain sa pagpapalawak ng pangkat na ito at isama ang mga limang umuunlad na bansa, na tinutukoy bilang Pag-abot sa Lima (Outreach 5 o O5) o Dagdag Lima (Plus Five): Brasil, Indiya, Mehiko, Timog Aprika at Republikang Popular ng Tsina. Ang mga bansang ito ay nakalahok bilang mga panauhin sa mga dating pagpupulong, na tinuturing nang minsan G8+5.
Pagkakabuo at mga gawain
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ibinalak ng G8 ang pagiging porong di-pormal, at samakatuwid ito'y may pagkukulang sa istrakturang administratibo tulad sa mga sabansaang organisasyon kagaya ng Mga Nagkakaisang Bansa o Bangkong Pandaigdig. Ang pangkat ay walang palagiang sekretarya, o mga anumang tanggapan para sa mga kasapi. Ang panguluhan ng pangkat ay umiikot nang taunan sa mga bansang-kasapi na may bagong takdang tagal ng panahon simula sa Enero 1 ng taon. Ang bansang humahawak ng panguluhan ay may tungkulin sa pagpaplano at pagpupunung-abala ng pagkakasunud-sunod na pagpupulong ng antas-pangministeryo, nagtutulak sa pamumuno sa gitnang-taunang pagtitipon na pinagdaluhan ng mga puno ng pamahalaan.
Ang mga pagpupulong pangministeryo ay nagdadala ng mga ministro sa pagsasama sa pagtupad ng mga tungkulin ukol sa iba't ibang portpolyo upang talakayin ang mga isyu ng alintanang pagbibigayan o pandaigdig. Ang saklaw ng mga paksa ay ibinilang ang kalusugan, pagpapairal ng batas, paggawa, kaunlarang pang-ekonomiya at panlipunan, enerhiya, kapaligiran, ugnayang panlabas, katarungan at panloob, terorismo at kalakalan. Mayroon ding hiwalay na lipon ng mga pagpupulong na kinikilala bilang "G8+5" na nilikha noong 2005 sa pagtitipon sa Gleneagles, Eskosya na dinaluhan ng mga ministro sa pananalapi at enerhiya mula sa lahat ng mga walong bansang-kasapi kasama rin ang limang "Pag-abot sa mga Bansa": Brasil, Indiya, Mehiko, Timog Aprika at Tsina. Noong Hunyo 2005, ang mga ministro ng katarungan at mga ministro ng panloob mula sa mga bansang G8 ay pumayag na magbunsod ng sabansaang batayang datos sa pedopilya.[2] Ang mga opisyal ng G8 ay pumayag din na ipagsama ang mga datos sa terorismo, ipasailalim sa mga hangganan sa pamamagitan ng pagsasarilinan at batas sa seguridad sa mga pangisahan bansa.[3]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Ang UE ay may mga pribelehiyo at obligasyon ng pagiging kasapi nguni't hindi namumuno sa mga pagtitipon. Ito'y kumakatawan ng mga Pangulo ng Komisyon at Sanggunian. 967. "EU and the G8". European Commission. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2007-02-26. Nakuha noong 2007-09-25.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2007-02-26 sa Wayback Machine. - ↑ G8 sa pagbubunsod ng sabansaang batayang datos sa pedopilya David Batty 18 Hunyo 2005 The Guardian
- ↑ G8 sa pagsasama ng mga datos sa terorismo Martin Wainwright 18 Hunyo 2005 The Guardian