Brazil

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Brasil)
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Pederatibong Republika ng Brasil
República Federativa do Brasil
Pambansang Kasabihan: Ordem e Progresso
(Portuges para sa "Kaayusan at Kaunlaran")
Pambansang Awit: Hino Nacional Brasileiro
Kabisera Brasília
15°45′S 47°57′W / 15.750°S 47.950°W / -15.750; -47.950
Pinakamalaking lungsod São Paulo
Opisyal na wika Portuguese
Pamahalaan Presidential Federal republic
 -  Pangulo Dilma Rousseff
 -  Pangalawang Pangulo Michel Temer
Kalayaan mula Portugal 
 -  dineklara Setyembre 7, 1822 
 -  kinilala Agosto 29, 1825 
Lawak
 -  Kabuuan 8,514,877 km2 (ika-5)
3,287,597 sq mi 
 -  Katubigan (%) 0.65
Populasyon
 -  Pagtataya ng 2014 202 768 562 (ika-5)
 -  Senso ng 2010 190 755 799 
 -  Kakapalan 23.8/km2 (ika-150)
57/sq mi
KGK (KLP) Pagtataya ng 2014
 -  Kabuuan $1,576,728 Trilyon (ika-9)
 -  Per capita $8,584 (ika-68)
TKT (2009) 0.813 (high) (ika-70)
Salipi Real (BRL)
Pook ng oras (UTC-3 to -5 (Opisyal: -3))
Internet TLD .br
Kodigong pantawag 55
Brazil topo.jpg

Ang Brasil[1] (Ingles: Brazil), opisyal na tinatawag na Pederatibong Republika ng Brasil (Portuges: República Federativa do Brasil), ay ang pinakamalaking bansa sa buong rehiyon ng Timog Amerika at Latin Amerika. Ito rin ang ikalimang pinakamalaking bansa sa daigdig pagdating sa parehong lawak ng bansa at sa populasyon. Ito rin ang pinakamalaking bansang nagsasalita ng wikang Portuges sa buong mundo, at nag-iisa lamang sa kontinente ng Amerika.

Nahahangganan ng Karagatang Atlantiko sa silangan, ang Brasil ay may habang-baybayin na 7,491 km (4,655 mi). Hinahangganan nito ang lahat ng ibang mga bansa sa Timog Amerika maliban sa Ecuador at Chile, at sumasakop sa 47.3 porsiyento ng kontinente ng Timog Amerika. Ang batis ng Ilog Amazon nito ay kinabibilangan ng malawak na kagubatang tropikal, sari-saring sistemang ekolohikal, at malaking saklaw ng likas-yamang pinaninirahan ng iba't ibang buhay at pinoprotektahang halaman at hayop. Ang natatanging pamanang pangkalikasan nito ang nagbigay-turing sa Brasil bilang isa sa 17 bansang megadiverse o may malawak na sari-saring mga buhay na yaman, at palaging paksa ng mga makabuluhang pandaigdigang interes at mga debate ukol sa pagwasak ng kagubatan at pagtatanggol sa kalikasan.

Etimolohiya[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang salitang "Brasil" ay mula sa brazilwood, isang katutubong puno na minsang naging sagana sa dalampasigan ng Brasil. Sa Portuges, ang brazilwood ay tinatawag na pau-brasil, kung saan ang salitang brasil ay karaniwang binibigyan ng etimolohiyang "pula katulad ng baga," na nabuo mula sa Latin na brasa ("baga") at ang hulapiing -il (mula sa -iculum o -ilium). Dahil nakapagbibigay ang brazilwood ng malamlam na pulang tina, ito ay pinahahalagahan nang mataas ng industriya ng tela sa Europa at ang pinakaunang pinakinabangang produkto mula sa Brasil. Sa loob ng ika-16 na dantaon, malalaking tipak ng brazilwood ang inaani ng mga katutubo (kadalasan ay mga Tupi) sa baybayin ng Brasil, na kung saan ipinagbibili ang troso nito sa mga mangangalakal na Europeo (kadalasan ay mga Portuges, ngunit may mga Pranses din) bilang kapalit ng mga sari-saring mga bagay mula sa Europa.

Demograpiya[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga wika[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang opisyal na wika ng Brasil ay Portuges (Artikulo 13 ng Saligang Batas ng Republikang Pederal ng Brasil), kung saan halos buong populasyon ay nagsasalita nito at masasabing tanging wikang ginagamit sa mga pahayagan, radyo, telebisyon, at mga gawaing pangkalakan at pampamahalaan. Ang pinakasikat na kataliwasan dito ay ang matatag na batas ng wikang pasenyas na ipinasa ng Pambansang Kapulungan ng Brasil. Opisyal na kinilala ng batas noong 2002, ipinatupad ang batas noong 2005. Ipinag-uutos ng batas ang paggamit ng Wikang Pasenyas ng Brazil (Brazilian Sign Language), na mas kilala sa daglat na Portuges nito na LIBRAS, sa edukasyon at serbisyong pampamahalaan. Dapat ituro ang wika bilang bahagi ng edukasyon at kurikulum sa patolohiya ng pagsasalita at wika. Ang mga guro ng LIBRAS, mga nagtuturo at mga nagsasaling-wika nito ay mga kinikilalang propesyunal. Dapat naaabot ng mga taong may kapansanan sa pandinig ang mga serbisyong pampaaralan at pangkalusugan.

Nagkaroon ng sariling pag-unlad ang Brasilenyong Portuges, gaya ng naganap noong ika-16 na dantaon sa mga Gitna at Katimugang diyalekto ng Europeong Portuges (sa kabila ng napakalaking bilang ng mga nanahang mananakop na Portuges, at mga baguhang migrante, na nagmula sa mga Hilagang rehiyon, at sa maliit na bahagdan, sa Portuges na Macaronesia), na may impluwensiya mula sa mga wikang Amerindo at Aprikano, partikular ang Kanlurang Aprikano at Bantu. Bunga nito, ang wika ay naging iba kahit papaano, kadalasan sa ponolohiya, mula sa wika ng Portugal at iba pang mga bansang nagsasalita ng wikang Portuges (ang mga diyalekto ng ibang bansa, bahagi nito'y dahil katatapos lamang ng kolonyalismong Portuges sa mga rehiyong ito, ay higit na malapit sa modernong Europeong Portuges). Ang mga pagkakaibang ito'y maihahalintulad sa kung paano nagkaiba ang Ingles Amerikano at Ingles Britanya.

Ang Brasil ang natatanging bansa sa kontinenteng Amerika na nagsasalita ng wikang Portuges, na nagbigay-pagpapahalaga sa wika bilang importanteng bahagi ng pambansang pagkakakilanlan ng Brasil, at nagbigay din ng pambansang pagkakaiba sa kultura mula roon sa mga kapitbahayang bansa nitong nagsasalita ng wikang Kastila.

Ang pag-aaral ng kahit isang pangalawang wika (kadalasan ay Ingles at/o Kastila) ay sapilitan sa lahat ng 12 baitang ng sapilitang sistemang pang-edukasyon (mababa at mataas na antas, na tinatawag doon na ensino fundamental at ensino médio). Ang Brasil ang unang bansa sa Timog Amerika na nag-alok ng Esperanto sa mga mag-aaral ng mataas na antas.

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. Panganiban, Jose Villa. (1969). "Brasil". Concise English-Tagalog Dictionary. 



Brasil Ang lathalaing ito na tungkol sa Brasil ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.


Mga bansa sa Timog Amerika
Argentina | Bolivia | Brazil | Chile | Colombia | Ecuador | Guyana | Panama | Paraguay | Peru | Suriname | Trinidad and Tobago | Uruguay | Venezuela
Mga dumidepende: Falkland Islands | French Guiana