Luiz Inácio Lula da Silva

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Luiz Inácio Lula da Silva

Larawan ni Luiz Inácio Lula da Silva
Si Lula noong 2023
Pangulo ng Brazil
Kasalukuyang nanunungkulan
Unang araw ng panunungkulan
1 Enero 2023
Pangalawang PanguloGeraldo Alckmin
Nakaraang sinundanJair Bolsonaro
Nasa puwesto
1 Enero 2003 – 31 Disyembre 2010
Pangalwang PanguloJosé Alencar
Nakaraang sinundanFernando Henrique Cardoso
Sinundan niDilma Rousseff
National President of the Workers' Party
Nasa puwesto
15 Hulyo 1990 – 24 Enero 1994
Nakaraang sinundanLuiz Gushiken
Sinundan niRui Falcão
Nasa puwesto
9 Agosto 1980 – 17 Enero 1988
Nakaraang sinundanItinalaga sa posisyon
Sinundan niOlívio Dutra
Member of the Chamber of Deputies
Nasa puwesto
1 Pebrero 1987 – 1 Pebrero 1991
KonstityuwensyaSão Paulo
Pansariling detalye
Ipinanganak
Luiz Inácio da Silva

(1945-10-27) 27 Oktubre 1945 (edad 78)
Caetés, Pernambuco, Brazil
Partidong pampolitikaPT (1980–present)
Asawa
Anak5
TahananPalácio da Alvorada
EdukasyonNational Service for Industrial Training
TrabahoMetalworker, trade unionist
PirmaLula (Signature of Luiz Inácio Lula da Silva)
Websitiolula.com.br

Si Luiz Inácio Lula da Silva (Portuges na Brasilyano: [luˈiz iˈnasju ˈlulɐ dɐ ˈsiwvɐ] ( pakinggan) ; ipinanganak si Luiz Inácio da Silva ; 27 Oktubre 1945),[1] na kilala bilang Lula, ay isang Brasilyanong politiko at unyonistang manggagawa na nagsilbi bilang ika-39 na pangulo ng Brazil mula noong 1 Enero 2023.[2][3] Isang miyembro ng Partido para sa Manggagawa, siya ay dating ika-35 na pangulo mula 2003 hanggang 2010.[4] Siya ang kauna-unahang pangulo ng Brazil na nahalal sa ikatlong termino at ang unang nakatalo sa isang kasalukuyang pangulo sa isang halalan. Sa edad na 77, siya ang pinakamatandang pangulo ng Brazil sa panahon ng kanyang inagurasyon.

Kabilang sa mga uring-manggagawa, lumipat siya bilang isang bata mula sa Pernambuco patungong São Paulo kasama ang kanyang pamilya. Sinimulan niya ang kanyang karera bilang isang manggagawang metal at kalakalang unyonista. Sa panahon ng diktadurang militar sa Brazil, pinamunuan niya ang mga pangunahing welga ng manggagawa sa pagitan ng 1978 at 1980, at tumulong sa pagsisimula ng Partido para sa mga Manggagawa noong 1980, sa pagbubukas ng pulitika ng Brazil. Si Lula ay isa sa mga pangunahing pinuno ng kilusang Diretas Já na humihiling ng pagsasagawa ng mga demokratikong halalan. Noong halalang lehislatibo ng 1986, nahalal siya bilang diputadong pederal sa estado ng São Paulo na may pinakamaraming boto sa buong bansa. Pinatakbo niya ang kanyang unang pangunahing kampanya noong halalang pagpakapangulo ng Brazil ng taong 1989, natalo siya sa ikalawang round kay Fernando Collor de Mello. Dalawang beses pa siyang tumakbo noong 1994 at 1998 halalang pagkapangulo, natalo sa parehong halalan sa unang round kay Fernando Henrique Cardoso. Nanalo siya sa 2002 Brazilian presidential election, natalo niya si José Serra sa ikalawang pag-ikot ng boto. Siya ay muling nahalal noong 2006 Brazilian presidential election, tinalo naman niya si Geraldo Alckmin sa ikalawang pag-ikot ng boto.[5]

Inilarawan bilang isang taong may paniniwala sa pagbabago,[6][7][8] ang unang pagkapangulo ni Lula, na kasabay ng unang malarosas na alon sa rehiyon, ay minarkahan ng pagsasama-sama ng mga programang panlipunan tulad ng Bolsa Família at Fome Zero, na humantong sa Brazil na umalis sa Hunger Map ng UN.[9] Sa kanyang dalawang termino sa panunungkulan, nagsagawa siya ng mga radikal na reporma, na humahantong sa paglago sa GDP ng bansa, isang pagbawas sa pampublikong utang at inplasyon, at pagtulong sa 20 milyong Brasilyano na makatakas sa kahirapan.[10] Ang kahirapan, hindi pagkapantay-pantay ng karapatan, kawalan ng edukasyon, kawalan ng trabaho, infant mortality, at ang rito ng nagtratrabahong kabataan ay bumagsak nang malaki, habang ang minimum na sahod at average na kita ay tumaas, at ang access sa paaralan, unibersidad, at pangangalagang pangkalusugan ay pinalawak. Ginampanan niya ang isang kilalang papel sa patakarang panlabas, sa antas ng rehiyon (bilang bahagi ng BRICS) at bilang bahagi ng pandaigdigang kalakalan at negosasyon na makakatulong sa kapaligiran.[11] Si Lula ay itinuturing na isa sa mga pinakasikat na pulitiko sa kasaysayan ng Brazil at isa sa pinakasikat sa mundo habang siya ay nagsisilbi bilang pangulo.[12][13][14] Ang kanyang unang termino ay minarkahan ng maraming iskandalo, lalo na ang iskandalong Mensalão at Escândalo dos sanguessugas [pt] . Pagkatapos ng pangkalahatang halalan sa Brazil noong 2010, pinalitan siya ng kanyang dating Chief of Staff na si Dilma Rousseff.[15]

Pagkatapos ng kanyang unang pagkapangulo, si Lula ay nanatiling aktibo sa larangan ng pulitika at nagsimulang magbigay ng mga lektura sa Brazil at sa ibang bansa. Noong 2016, itinalaga siya bilang Chief of Staff ni Rousseff, ngunit ang pagkakatalaga ay sinuspinde ng Korteng Pederal Suprema.[16][17] Noong Hulyo 2017, hinatulan si Lula sa mga kaso ng pagnanakaw ng pera at katiwalian sa isang kontrobersyal na paglilitis, at sinentensiyahan ng siyam at kalahating taon sa bilangguan. Ang pederal na hukom ng kaso, si Sergio Moro, ay naging Ministro ng Hustisya at Pampublikong Seguridad sa gobyerno ni Bolsonaro.[18] Pagkatapos ng hindi matagumpay na apela sa korte, inaresto si Lula noong Abril 2018 at gumugol ng 580 na araw sa bilangguan.[19][20][21] Tinangka ni Lula na tumakbo sa 2018 Brazilian presidential election ngunit hindi siya pinayagan sa ilalim ng Batas Ficha Limpa ng Brazil.[22] Noong Nobyembre 2019, pinasiyahan ng Korteng Pederal Suprema na ang mga pagkakakulong na may nakabinbing apela ay labag sa batas at si Lula ay pinalaya mula sa bilangguan bilang resulta.[23] Noong Marso 2021, pinasiyahan ni Supreme Federal Court Justice na si Edson Fachin na dapat mapawalang-bisa ang lahat ng hatol ni Lula dahil nilitis siya ng korte na walang tamang hurisdiksyon sa kanyang kaso.[24] Ang desisyon ni Fachin, na kinumpirma ng ibang mga Mahistrado ng Korte Suprema noong Abril 2021, ay nagpanumbalik sa mga karapatang pampulitika ni Lula.[25] Ang Supreme Federal Court ay nagpasiya noong Marso 2021 na si hukom Moro, na namamahala sa kanyang paglilitis sa katiwalian, ay may kinikilingang bahagi sa kontrobersya.[26] Ang lahat ng mga kaso na dinala ni Moro laban kay Lula ay pinawalang-bisa noong Hunyo 24, 2021. Kasunod ng desisyon ng korte, legal na pinahintulutan si Lula na tumakbong pangulo muli sa halalang 2022, at tinalo si Bolsonaro sa runoff.[27] Siya ay nanumpa noong 1 Enero 2023.[28][29][30] Makalipas ang isang linggo, ang Praça dos Três Poderes ay inatake sa isang pagsalakay na pinamunuan ng mga taga-suporta ni Jair Bolsonaro. Kinondena niya ang pag-atake at nangakong parurusahan ang lahat ng kasangkot sa nangyaring kaguluhan.

Maagang buhay[baguhin | baguhin ang wikitext]

Si Luiz Inácio da Silva ay ipinanganak noong 27 Oktubre 1945 (nakarehistro sa petsa ng kapanganakan noong 6 Oktubre 1945) sa Caetés (noo'y isang distrito ng Garanhuns), na matatagpuan 250 km (150 milya) mula sa Recife, kabisera ng Pernambuco, isang estado sa Hilagang-silangang bahagi ng Brazil. Siya ang ikapito sa walong anak nina Aristides Inácio da Silva at Eurídice Ferreira de Melo, isang mag-asawang magsasaka na nakaranas ng taggutom sa isa sa pinakamahihirap na bahagi ng rural na lupain.[2] Dalawang linggo pagkatapos ng isilang si Lula, lumipat ang kanyang ama sa Santos, São Paulo, kasama si Valdomira Ferreira de Góis, isang pinsan ni Eurídice. Pinalaki siyang isang Romano Katoliko.[31] Ang ina ni Lula ay may lahing Portuges at may pagkabahagyang Italyano.

Noong Disyembre 1952, nang si Lula ay pitong taong gulang, inilipat ng kanyang ina ang pamilya sa São Paulo upang muling samahan ang kanyang asawa. Pagkatapos ng 13 araw na paglalakbay sa isang pau-de-arara (isang bukas na higaan ng trak), nakarating sila sa Guarujá at natuklasan na ang kanyang asawa na si Aristides ay bumuo ng pangalawang pamilya kasama si Valdomira. Ang dalawang pamilya ni Aristides ay nanirahan sa iisang bahay sa loob ng ilang panahon, ngunit hindi sila masyadong nagkakasundo, at pagkaraan ng apat na taon, lumipat si Eurídice kasama ang kanyang mga anak sa isang maliit na silid sa likod ng isang inuman sa São Paulo. Pagkatapos nito, bihirang makita ni Lula ang kanyang ama, na namatay bilang isang lasinggero noong 1978.

Personal na buhay[baguhin | baguhin ang wikitext]

Si Lula ay ikinasal ng tatlong beses. Noong 1969, pinakasalan niya si Maria de Lourdes, na namatay sa sakit na hepatitis noong 1971 habang nagdadalang-tao sa kanilang unang anak kung saan ito ay namatay din.[32] Noong 1974, nagkaroon ng anak na babae si Lula, si Lurian, kasama ang nobya niyang si Miriam Cordeiro. Ang dalawa ay hindi kailanman ikinasal, at nagsimula lamang siyang makilahok sa buhay ng kanyang anak noong ito ay isang dalaga na.[33] Noong 1974, pinakasalan ni Lula si Marisa Letícia Rocco Casa, isang balo, kung saan nagkaroon siya ng tatlong anak na lalaki. Inampon din niya ang anak niya mula kay Marisa, ang unang kasal niya. Nanatiling kasal sila ni Lula at Marisa sa loob ng 43 taon, hanggang sa kanyang kamatayan noong 2 Pebrero 2017 pagkatapos mamatay sa sakit na stroke.[34] Noong 2017 pa rin, nakilala niya at nagsimula ng isang relasyon kay Rosângela da Silva, na kilala bilang Janja, ngunit naging pampubliko lamang ito noong 2019 habang nakakulong siya sa Curitiba, Paraná, dahil sa mga kasong katiwalian na kalaunan ay ibinaba.[35] Ikinasal si Lula kay Janja noong 18 Mayo 2022.[3]

Edukasyon at trabaho[baguhin | baguhin ang wikitext]

Si Lula ay nakakuha ng kaunting pormal na edukasyon. Hindi siya natutong magbasa hanggang siya ay sumapit ng sampung taong gulang.[36] Kalaunan huminto siya sa pag-aaral pagkatapos ng ikalawang baitang upang magtrabaho para makatulong sa kanyang pamilya. Ang kanyang unang trabaho sa edad na 8 ay nasa Guarujá pa rin bilang isang magtitinda sa kalsada.[5] Noong siya ay 12 taong gulang, nagtrabaho siya bilang tagapag-ayos ng sapatos at nagtitinda sa kalye ng São Paulo. Noong 1960, noong siya ay nasa edad na 14, nakuha niya ang kanyang unang pormal na trabaho bilang isang empleyado ng bodega.[37]

Noong 1961, nagsimula siyang magtrabaho bilang isang baguhan ng press operator habang nag-aaral sa isang kursong bokasyonal sa industriyang metalurhiko na gumagawa ng mga turnilyo. Sa panahong ito, unang nakipag-ugnayan si Lula sa mga paggalaw ng welga. Matapos mabigo ang kilusan sa negosasyon, umalis si Lula sa kumpanya para sa isa pang industriya ng metalurhiko. Doon, nawala ang kanyang kaliwang kamay niya sa edad na 19 sa isang aksidente Ito ay nangyari habang nagtatrabaho siya bilang press operator sa pabrika.[36] Pagkatapos ng aksidente, kinailangan niyang tumakbo sa ilang ospital bago siya makatanggap ng medikal na atensyon. Ang karanasang ito ay nagpataas ng kanyang interes sa paglahok sa Unyon ng mga Manggagawa. Noong panahong iyon, naging kasangkot siya sa mga aktibidad ng unyon at humawak ng ilang mahahalagang posisyon sa iloob ng pakikisama niya sa unyon.[37][38]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang wikitext]

  1. Jeff Wallenfeldt (10 April 2018). "Luiz Inácio Lula da Silva". Encyclopædia Britannica. Inarkibo mula sa orihinal noong 2 July 2019. Nakuha noong 27 July 2018.
  2. 2.0 2.1 Magalhaes, Luciana; Pearson, Samantha (2022-10-30). "Brazil's Luiz Inácio Lula da Silva Wins Presidential Election, Beating Jair Bolsonaro". The Wall Street Journal (sa Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2 November 2022. Nakuha noong 2022-11-01.
  3. 3.0 3.1 Phillips, Tom; Malleret, Constance (2022-10-30). "Lula stages astonishing comeback to beat far-right Bolsonaro in Brazil election". The Guardian (sa Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2 November 2022. Nakuha noong 2022-11-01.
  4. "Luiz Inácio Lula da Silva" (sa Portuges). Biblioteca da Presidência da República. Inarkibo mula sa orihinal noong 22 March 2017. Nakuha noong 30 June 2017.
  5. 5.0 5.1 Jeantet, Diane; Saverese, Mauricio (30 October 2022). "Lula defeats Bolsonaro to again become Brazil's president". AP News. Associated Press. Inarkibo mula sa orihinal noong 30 October 2022. Nakuha noong 31 October 2022.
  6. Boadle, Anthony (2022-10-31). "Brazil leftist Lula wins third presidential term to redeem tarnished legacy". Reuters. Inarkibo mula sa orihinal noong 2 November 2022. Nakuha noong 2022-11-01.
  7. Magalhaes, Luciana; Pearson, Samantha (2022-10-30). "Brazil's Luiz Inácio Lula da Silva Wins Presidential Election, Beating Jair Bolsonaro". The Wall Street Journal. Inarkibo mula sa orihinal noong 2 November 2022. Nakuha noong 2022-11-01.
  8. Phillips, Tom; Malleret, Constance (2022-10-30). "Lula stages astonishing comeback to beat far-right Bolsonaro in Brazil election". The Guardian. Inarkibo mula sa orihinal noong 2 November 2022. Nakuha noong 2022-11-01.
  9. "Brazil removed from UN World Hunger Map". AP News (sa Ingles). September 16, 2014. Inarkibo mula sa orihinal noong 1 November 2022. Nakuha noong 2022-11-01.
  10. "How left-wing on economics is Luiz Inácio Lula da Silva?". The Economist. ISSN 0013-0613. Inarkibo mula sa orihinal noong 1 November 2022. Nakuha noong 2022-11-01.
  11. de Almeida, Paulo Roberto (2009), Love, Joseph L.; Baer, Werner (mga pat.), "Lula's Foreign Policy: Regional and Global Strategies", Brazil under Lula: Economy, Politics, and Society under the Worker-President (sa Ingles), New York: Palgrave Macmillan US, pp. 167–183, doi:10.1057/9780230618374_10, ISBN 978-0-230-61837-4, inarkibo mula sa ang orihinal noong 14 January 2023, nakuha noong 2022-11-01
  12. "Lula leaves office as Brazil's 'most popular' president". BBC News. British Broadcasting Corporation. 31 December 2010. Inarkibo mula sa orihinal noong 2 January 2011. Nakuha noong 4 January 2011.
  13. "The Most Popular Politician on Earth". 31 December 2010. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 29 December 2010. Nakuha noong 4 January 2011.
  14. "Lula's last lap". The Economist. 8 January 2009. Inarkibo mula sa orihinal noong 7 February 2018. Nakuha noong 4 January 2011.
  15. Jeantet, Diane; Saverese, Mauricio (30 October 2022). "Lula defeats Bolsonaro to again become Brazil's president". AP News. Associated Press. Inarkibo mula sa orihinal noong 30 October 2022. Nakuha noong 31 October 2022.
  16. "Brazil judge blocks Lula appointment to government". BBC News. British Broadcasting Corporation. 17 March 2016. Inarkibo mula sa orihinal noong 17 March 2016. Nakuha noong 17 March 2016.
  17. "Justice Gilmar Mendes suspends Lula's nomination as Chief of Staff". Correio Braziliense (sa Portuges). Inarkibo mula sa orihinal noong 20 March 2016. Nakuha noong 18 March 2016.
  18. "Bolsonaro appoints judge who helped jail Lula to lead justice ministry". the Guardian (sa Ingles). 1 November 2018. Inarkibo mula sa orihinal noong 9 March 2021. Nakuha noong 22 January 2021.
  19. Sergio Lima, Mario; Adghirni, Samy (5 April 2018). "Brazilian Judge Orders Arrest of Former President Lula". Bloomberg.com. Bloomberg. Inarkibo mula sa orihinal noong 9 October 2019. Nakuha noong 6 April 2018.
  20. Lopes, Marina (5 April 2018). "Lula verdict plunges Brazil into political chaos ahead of presidential election". The Washington Post (sa Ingles). ISSN 0190-8286. Inarkibo mula sa orihinal noong 5 April 2018. Nakuha noong 5 April 2018.
  21. "Brazil's former president Lula walks free from prison after supreme court ruling". the Guardian (sa Ingles). 8 November 2019. Inarkibo mula sa orihinal noong 15 March 2021. Nakuha noong 18 March 2021.
  22. Lopes, Marina (31 August 2018). "Brazil's jailed former president Lula barred from running again by electoral court". The Washington Post. Inarkibo mula sa orihinal noong 1 September 2018. Nakuha noong 1 September 2018.
  23. "Brazil's former president Lula walks free from prison after supreme court ruling". The Guardian. 8 November 2019. Inarkibo mula sa orihinal noong 8 November 2019. Nakuha noong 8 November 2019.
  24. "Fachin anula condenações de Lula relacionadas à Lava Jato; ex-presidente volta a ser elegível". G1 (sa Portuges). 8 March 2021. Inarkibo mula sa orihinal noong 8 March 2021. Nakuha noong 8 March 2021.
  25. "Lula: Brazil's ex-president cleared by Supreme Court". Reuters (sa Ingles). 8 March 2021. Inarkibo mula sa orihinal noong 16 April 2021. Nakuha noong 16 April 2021.
  26. "Lula judge was biased, Brazil supreme court rules, paving way to challenge Bolsonaro". The Guardian (sa Ingles). Associated Press. 24 March 2021. Inarkibo mula sa orihinal noong 14 July 2021. Nakuha noong 14 July 2021.
  27. Nicas, Jack (2022-10-30). "Brazil ejects Bolsonaro and brings back the former leftist leader Lula". The New York Times (sa Ingles). ISSN 0362-4331. Inarkibo mula sa orihinal noong 30 October 2022. Nakuha noong 2022-11-02.
  28. Savavrese, Mauricio; Bridi, Carla (January 1, 2022). "Lula sworn in as president to lead polarized Brazil". Associated Press. Inarkibo mula sa orihinal noong 1 January 2023. Nakuha noong January 1, 2022.
  29. Nicas, Jack (2022-10-30). "Brazil Elects Lula, a Leftist Former Leader, in a Rebuke of Bolsonaro". The New York Times. ISSN 0362-4331. Inarkibo mula sa orihinal noong 30 October 2022. Nakuha noong 2022-11-01.
  30. Boadle, Anthony (2022-10-31). "Brazil leftist Lula wins third presidential term to redeem tarnished legacy". Reuters. Inarkibo mula sa orihinal noong 2 November 2022. Nakuha noong 2022-11-01.
  31. Feltrin, Ricardo (6 April 2005). ""Lula é um católico a seu modo", diz d. Cláudio Hummes". Folha de S.Paulo. Inarkibo mula sa orihinal noong 2 October 2018. Nakuha noong 3 October 2010.
  32. Narciso, Paulo. "Da distante Paulicéia, Lula vinha namorar todas as noites". Hoje em Dia (sa Portuges). Inarkibo mula sa ang orihinal noong 21 October 2011. Nakuha noong 14 December 2009.
  33. Fordeleone, Yolanda. "Lurian, filha de Lula, foi atendida no hospital Sírio-Libanês". Estadão. Grupo Estado. Inarkibo mula sa orihinal noong 3 June 2013. Nakuha noong 3 October 2010.
  34. Souza Cruz, Bruna; Bianchi, Paula (2 February 2017). "Marisa Letícia tem morte cerebral, e família autoriza doação de órgãos". UOL Notícias. Grupo Folha. Inarkibo mula sa orihinal noong 2 February 2017. Nakuha noong 2 July 2017.
  35. "Casamento de Lula: Conheça Janja, socióloga e noiva do ex-presidente". 18 May 2022. Inarkibo mula sa orihinal noong 19 May 2022. Nakuha noong 19 May 2022.
  36. 36.0 36.1 "Lula: Fourth time lucky?". BBC News. British Broadcasting Corporation. 28 October 2002. Inarkibo mula sa orihinal noong 19 August 2018. Nakuha noong 27 April 2007.
  37. 37.0 37.1 "Biography". Presidency of the Federative Republic of Brazil. 2005. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 13 December 2007. Nakuha noong 2 September 2007.
  38. "Luiz Inácio Lula da Silva". Encyclopedia Britannica. Inarkibo mula sa orihinal noong 2 July 2019. Nakuha noong 27 October 2019.