Hungary

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Unggarya)
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Hungary
Magyarország
Pambansang Kasabihan: wala
Sa kasaysaysan: Regnum Mariae Patronae Hungariae (Latin)
"Kaharian ni Maria, ang Patronesa ng Hungary"
Pambansang Awit: Himnusz ("Isten, áldd meg a magyart")
Himno: ("Panginoon, Pagpalain mo nawa ang mga Unggaryo")
Kinaroroonan ng  Hungary  (kahel)

– sa Europe  (kamelyo & puti)
– sa the European Union  (kamelyo)  —  [Gabay]

Kabisera
(at pinakamalaking lungsod)
Budapest
47°26′N 19°15′E / 47.433°N 19.250°E / 47.433; 19.250
Opisyal na wika Wikang Unggaro
Pamahalaan Parliamentary republic
 -  Pangulo Pál Schmitt
 -  Punong ministro Viktor Orbán
Pundasyon
 -  Kaharian ang Hungary Disyembre 1000 
Lawak
 -  Kabuuan 93,030 km2 (ika-109)
35,919 sq mi 
 -  Katubigan (%) 0.74%
Populasyon
 -  Pagtataya ng 2007 10,064,000 [1] (ika-79)
 -  Senso ng 2001 10,198,315 
 -  Kakapalan 109/km2 (ika-92)
282/sq mi
KGK (KLP) Pagtataya ng 2007
 -  Kabuuan $208.157 billion[2] (ika-48)
 -  Per capita $20,700[2] (ika-39)
Gini (2002) 24.96 (low) (ika-3)
TKT (2004) Increase 0.869 (high) (ika--35)
Salipi Forint (HUF)
Pook ng oras CET (UTC+1)
 -  Tag-araw (DST) CEST (UTC+2)
Internet TLD .hu[3]
Kodigong pantawag 36

Ang Hungary[* 1] (Unggaro: Magyarország) ay isang bansang walang pampang sa Gitnang Europa, napapaligiran ng Austria, Slovakia, Ukraine, Romania, Serbia, Croatia at Slovenia. Sa lokal na pagtawag, kilala ito bilang ang Bansa ng mga Mahyar.[6]

Pagkatapos ng sunod-sunod na paghahalinhinan ng mga Celt, Romano, Hun, Slav, Gepid, at Avar, ang mga pundasyon ng Hungary ay naitatag noong ika-siyam na siglo ni Prinsipe Árpád sa katapusan ng Honfoglalás ("pagsakop-sa-lupang-sinilangan"). Naging Kristiyanong kaharian ang Hungary nang naging pinuno ang kaniyang apo-sa-tuhod na si Stephen I noong 1000 CE. Sa pagdating ng ika-12 siglo, naging isang panggitnang kapangyarihan ang kaharian sa Europa. Pagkatapos ng Labanan sa Mohács nooong 1526 at isa't kalahating siglo ng di-lubusang panankop ng mga Ottomanong Turko (1541-1699), napasailalim sa kontrol ng mga Habsburg ang Hungary, at naging bahagi ng Austro-Unggaryong Imperyo.

Ang mga hangganan ng Hungary ay itinakda sa Treaty of Trianon (1920) pagkatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig, kung saan nawala sa Hungary ang 71% ng lupain nito, 58% ng populasyon nito, at 32% ng mga Unggaryo. Nakipag-alyansa ito sa mga Axis Powers noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Napasailalim ito ng kontrol ng Unyong Sobyet pagkatapos ng digmaan, at naitatag rito ang apat-na-dekadang diktaturyang komunista (1947-1989). Natanyag ang bansang ito dahil sa Himagsikan ng 1956 at sa pagbubukas nito ng mga hangganan sa Austria nooong 1989, na nagpabilis sa pagbagsak ng Silangang Harang.

Noong Oktubre 23, 1989, naging isang demokratikong parliamentaryong republika muli ang Hungary. Isang sikat na destinasyon ng mga turista ang Hungary, na may bumisitang 10.675 milyong turista kada taon (2013). Dito matatagpuan ang pinakamalaking sistema ng bukal at ikalawa sa pinakamalaking mainit na lawa sa daigdig (Lawa ng Hévíz), ang pinakamalaking lawa sa Gitnang Europa (Lawa ng Balaton), at pinakamalaking damuhan sa Europa (Hortobágy National Park).

Hungary geo divided.jpg

Talababa[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. Ayon sa Concise English-Tagalog Dictionary: "Unggarya",[4] ngunit iba ito sa pangalang Espanyol na Hungría'[5] na may transliterasyon na "Unggriya".


Sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. Hungarian Central Statistical Office Ni-retrieve noong 2007-05-23
  2. 2.0 2.1 IMF report ni-retrieve noong 2007-06-18
  3. Pati ang .eu bilang bahagi ng Unyong Europeo.
  4. Panganiban, Jose Villa. (1969). "Unggarya". Concise English-Tagalog Dictionary. 
  5. http://www.spanishdict.com/translate/Hungría
  6. http://www.spanishdict.com/translate/magiar




Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.