Belarus

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Рэспубліка Беларусь
Республика Беларусь

Republika ng Belarus
Pambansang Kasabihan: none
Pambansang Awit: 

Belaruso: Дзяржаўны гімн Рэспублікі Беларусь
Salin: Pambansang Awit ng Republika ng Belarus
Impormal na pangalan: Мы, беларусы

Salin: Kaming mga Belaruso
Kabisera
(at pinakamalaking lungsod)
Minsk
53°55′N 27°33′E / 53.917°N 27.550°E / 53.917; 27.550
Opisyal na wika Belaruso, Ruso
Pamahalaan Presidential republic
 -  Pangulo Alexander Lukashenko
 -  Punong Ministro Sergey Sidorsky
Kalayaan mula sa Unyong Sobyet 
 -  Dineklara 27 Hulyo 1990 
 -  Tinatag 25 Agosto 1991 
Lawak
 -  Kabuuan 207,600 km2 (ika-93)
80,155 sq mi 
 -  Katubigan (%) negligible (183 km²)[1]
Populasyon
 -  Pagtataya ng 2005 9,755,000 (ika-81)
 -  Senso ng 1999 10,045,237 
 -  Kakapalan 49/km2 (ika-142)
127/sq mi
KGK (KLP) Pagtataya ng 2005
 -  Kabuuan $79.13 bilyon (ika-64)
 -  Per capita $7,700 (ika-78)
TKT (2003) 0.786 (medium) (ika-67)
Salipi rouble (BYR)
Pook ng oras EET (UTC+2)
 -  Tag-araw (DST) EEST (UTC+3)
Internet TLD .by
Kodigong pantawag 375

Ang Belarus, opisyal na Republika ng Belarus (Belarussian: Рэспубліка Беларусь; Ruso: Республика Беларусь) ay isang bansa sa silangang Europa. Hinahanggan ito ng Poland sa kanluran, Lithuania sa hilagang-kanluran, Latvia sa hilaga, Rusya sa silangan, at ng Ukraine sa timog. Ang kabisera nito ay Minsk, ang iba pang mga malalaking lungsod nito ay Brest, Hrodna (Grodno), Homiel (Gomel), Mahilyow (Mogilev) at Vitsebsk (Vitebsk). Ang higit sa 40% ng 207,600 kilometro kwadrado ng lupain nito ay natatakpan ng kagubatan.

Bago ang ika-20 siglo, ang mga lupain ng makabagong-panahong Belarus ay nagpasalin-salin sa kamay ng iba't ibang bansa, kabilang na rito ang Prinsipalidad ng Polotsk, ang Grand Duchy ng Litwanya, ang Polonyo-Litwanong Komonwelt, at Imperyo ng Rusya. Nagdeklara ng kalayaan ang Belarus sa kasagsagan ng Himagsikang Bolshevik, at naging isa sa mga nagtatag sa Unyong Sobyet bilang Byelorussian Soviet Socialist Republic (BSSR). Napunta ang halos kalahati ng teritoryo nito sa Polonya pagkatapos ng Digmaang Polonyo-Sobyet. Ang kalakhang bahagi ng hangganan ng Belarus ay naitatag noong 1939 nang mapabalik rito ang ilan sa lupain ng Polonya pagkatapos na sakupin ito ng Unyong Sobyet. Lubhang nawasak ang mga lupain nito dahil sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Nawala ang 1/3 ng populasyon nito at ang kalahati ng mga likas-yaman nito. Noong 1945, isa ang Belarus sa mga bansang nagtatag ng Mga Nagkakaisang Bansa.

Noong Agosto 25, 1991, nagdeklara ng kalayaan ang Belarus. SI Alexander Lukashenko ang naging pangulo ng bansa simula noong 1994. Ipinagpatuloy niya ang ilang mga polisiya noong panahon ng Unyong Sobyet, pangunahin na ang pagmamayari ng estado sa malalaking bahagi ng ekonomiya. Ayon sa maraming bansa at organisasyon, ang mga eleksiyong isinagawa sa ilalim ni Alexander Lukashenko ay sinasabing dinaya, at ang oposisyon ay sinisiil. Noong 2000, ang Belarus at Rusya ay pumirma sa isang kasunduan para sa mas malawak na kooperasyon.

Mahigit sa 70% ng populasyon ng Belarus (9.49 milyon) ay nakatira sa mga lungsod. Mahigit 80% ng populasyon ay katutubong Belaruso. Mayroong dalawang opisyal na wika sa Belarus: Belaruso at Ruso.

Mga sangunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. "Tourism". Belarusian Chamber of Commerce and Industry. Information Site. http://www.cci.by/En/Belarus/Tourism.html. Hinango noong 2006-03-26. 

Talaaklatan[baguhin | baguhin ang batayan]

  • Snyder, Timothy. The Reconstruction of Nations: Poland, Ukraine, Lithuania, Belarus, 1569–1999.
  • Zaprudnik, Jan. Historical Dictionary of Belarus.
  • Zaprudnik, Jan. Belarus: At a Crossroads in History.
  • Marples, David. Belarus: From Soviet Rule to Nuclear Catastrophe.
  • Korosteleva, Elena, Colin W. Lawson, & Rosalind J. Marsh. Contemporary Belarus: Between Democracy and Dictatorship.

Mga kawing na panlabas[baguhin | baguhin ang batayan]

Wikinews
May kaugnay na balita ang Wikinews tungkol sa artikulong ito:
Category:Belarus (sa wikang Ingles)



Europa Ang lathalaing ito na tungkol sa Europa ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.