Republikang Tseko

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Tsekya)
Republikang Tseko

Česká republika
Watawat ng
Watawat
Eskudo ng
Eskudo
Salawikain: "Pravda vítězí" (Tseko)
"Nananaig ang katotohanan"
Awiting Pambansa: Kde domov můj? (Tseko)
"Nasaan ang aking tahanan?"
Kinaroroonan ng the  Republikang Tseko  (dark green) – sa lupalop ng Europa  (green & dark grey) – sa the European Union  (green)  —  [Gabay]
Kinaroroonan ng the  Republikang Tseko  (dark green)

– sa lupalop ng Europa  (green & dark grey)
– sa the European Union  (green)  —  [Gabay]


KabiseraPraga, wikang Ingles: Prague, wikang Tseko: Praha
(at pinakamalaking lungsod)
Wikang opisyalTseko
Relihiyon
non-believer or no-organized believer (59%), Catholic (26,8%)
Pamahalaanrepublikang parliamentaryo
• Pangulo
Petr Pavel
Petr Fiala
Pagkabuo
623
870
1198
Octubre 28, 1918
• Pagkatatag ng Republikang Tseko
1 Enero 1993
• Sumapi sa Unyong Europeo
1 Mayo 2004
Lawak
• Kabuuan
[convert: invalid na bilang] (116th)
• Katubigan (%)
2
Populasyon
• Pagtataya sa 20091
Increase10 476 543 (78th)
• Senso ng 2001
10 230 060
• Kapal
132/km2 ([convert: di tugmang yunit]) (77th)
KDP (PLP)Pagtataya sa 2008
• Kabuuan
$262 169 billion[1] (39th²)
• Bawat kapita
$25 395[1] (33rd)
KDP (nominal)Pagtataya sa 2008
• Kabuuan
$217 077 bilyon[1] (36th)
• Bawat kapita
$21 027[1] (36th)
Gini (1996)25.4
mababa · 5th
TKP (2006)0.897
napakataas · 35th
SalapiCzech koruna (CZK)
Sona ng orasUTC+1 (CET)
• Tag-init (DST)
UTC+2 (CEST)
Gilid ng pagmamanehoright
Kodigong pantelepono+4204
Internet TLD.cz³
  1. 31 Disyembre 2008 (See Population changes).
  2. Rank based on 2005 IMF data.
  3. Also .eu, shared with other European Union member states.
  4. Shared code 42 with Slovakia until 1997.

Ang Republikang Tseko[2] (Ingles: Czech Republic; wikang Tseko: Česká republika, pinakamalapit na bigkas [tʃɛskaː ˈrɛpuˌblɪka]) ay isang bansa sa gitnang Europa. Ang Republikang Tseko ay isa sa mga miyembro na Unyong Europeo (EU).

Napapaligiran ito ng mga bansang Polonya sa hilaga, Eslobakya sa silangan, Austria sa timog at Alemanya sa hilagang-kanluran. Ang teritoryo ng Republikang Tseko ay sumasaklaw sa 78 866 kilometro kuwadradong lupain na may pabagu-bagong klima. Ang bansa ay mayroong higit 10 milyong mamamayan.

Politika[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sumali ang Tsekya sa NATO noong 12 Marso 1999 at sa Unyong Europeo noong 1 Mayo 2004.

Ang pinuno ng estado ng Republikang Tseko ay ang pangulo. Karamihan sa kapangyarihang tagapagpaganap ay nakasalalay sa pinuno ng pamahalaan, ang punong ministro, na madalas ding pinuno ng pinakamalaking partido o ng pinakamalaking koalisyon sa parlamento at itinatakda ng pangulo. Ang natitira sa gabinete ay itinatakda ng pangulo sa rekomendasyon ng punong ministro.

Ang pinakamataas na katawang tagapagbatas ay ang bicameral na Parlament České republiky (Parlyamento ng Republikang Tseko), na may 281 kinatawan. Ang pinakamataas na tagapaghukom ay ang Ústavní soud (Hukumang konstitusyonal), na nasusunod sa lahat ng mga isyung konstitusyonal.

Pagkakahati[baguhin | baguhin ang wikitext]

Tatlo na estado (historical lands) ang bumubuo sa Tsekya at ang kani-kaniyang kabisera:

  1. Bohemya, wikang Tseko: Čechy (kabisera Praga)
  2. Morabya, wikang Tseko: Morava (kabisera Brno)
  3. Silesya, wikang Tseko: Slezsko (kabisera Ostrava)

Sa dibisyong administratibo, nahahati ang Republikang Tseko sa 14 kraj (rehiyon), ang bawat isa na isinasapangalan sa kanilang mga pangunahing lungsod:


Rehiyon    Punong lungsod Populasyon
(2009)

hlavní město Praha Praga 1 233 211
Středočeský kraj Praga 1 230 691
Jihočeský kraj Budweis 636 328
Plzeňský kraj Pilsen 569 627
Karlovarský kraj Karlovy Vary 308 403
Ústecký kraj Ústí nad Labem 835 891
Liberecký kraj Liberec 437 325
Královéhradecký kraj Hradec Králové 554 520
Pardubický kraj Pardubice 515 185
kraj Vysočina Jihlava 515 411
Jihomoravský kraj Brno 1 147 146
Olomoucký kraj Olomouc 642 137
Zlínský kraj Zlín 591 412
Moravskoslezský kraj Ostrava 1 250 255

Tignan din[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga kawing panlabas[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang wikitext]

  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 "Czech Republic". International Monetary Fund. Nakuha noong 2009-04-22.
  2. Pamintuan, Ana Marie (10 Disyembre 2014). "Beyond a scandal". The Philippine Star. Nakuha noong 2 Oktubre 2015. Sipi: In his business card, the Czech Republic “ambassador extraordinary and plenipotentiary” has translated his title (with a nod from our Department of Foreign Affairs) into “sugong di pangkaraniwan at may ganap na kapangyarihan ng Republika ng Tseko.”

Mga koordinado: 49°45′N 15°30′E / 49.750°N 15.500°E / 49.750; 15.500