Banal na Luklukan
Sancta Sedes
Banal na Luklukan | |
---|---|
Hurisdiksiyon | Lungsod ng Vaticano Iba pang ekstrateritoryal na mga pook sa Roma, Italya |
Wikang Opisyal | Latin1 |
Uri | Luklukang episkopal ng Santo Papa bilang pinuno ng Simbahang Katolika sa buong mundo |
Pinuno | |
Francisco | |
Pietro Parolin | |
Websayt Vatican | |
Ang Banal na Luklúkan[2] o Santa Sede (Latin: Sancta Sedes, Ingles: Holy See) ay ang eklesyastikal na nasasakupan ng Simbahang Katolika sa Roma. Isa itóng nagsasarilíng estado, kung saan ang Santo Papa ang siyang namamahala bílang punong pastol. Nanunungkulan ito bílang pinakamataas na pamamahala ng simbahan at luklukan ng pagkakaisa dahil sa kanyang antas bilang pangunahing lugar ng mga Kristiyano sa buong mundo. Itinaguyod ito ni Apostol Pedro noong unang panahon nang dumating siya sa Roma upang ipahayag doon ang salita ng Diyos kung saan nakahikayat ng mga nananampalataya. Sa kasalukuyan, ito ay nangangasiwa sa pananampalatayang Kristyano na pinapamahalaan sa bawat kawan.
Ito ay maaring sabihing na katulad ng isang estado, kung saan ang mayroon itong pamamahala na pinamumunuan ng Kalihim ng Estado bílang pangkalahatang tagapangasiwa kasáma ang iba't ibang ahensiya at kagawaran na mahalaga sa pamamahala na puwedeng ihalintulad sa mga sangay ng gobyerno. Ito ay nakikilahok sa ugnayang pandaigdigan sa iba't ibang mga bansa, at hawak ang Lungsod ng Vaticano bílang territoryo nito.
Sa laragan naman ng diplomasya, kinakatawan ng Santa Sede ang buong Simbahang Katolika, at kinikilala ito ng batas pandaigdig bilang isang hiwalay na pagkakakilanlan na may kapangyarihan, sa pamumuno ng Santo Papa, kung saan maaaring magkaugnay ang mga estado kasáma nito.[3][4]
Gayumpaman, hindi magkaugnay ang Santa Sede sa Lungsod ng Vaticano, kahit kung karaniwang tinutukoy bilang "Vaticano" ang Santa Sede: itinatag noong 1929 lámang sa bisa ng Tratado ng Letran ang Lungsod ng Vaticano, habang umiiral pa noong sinaunang panahon ang diyosesis ng Roma na kinakatawan ng Santa Sede. Ang akreditasyon, halimbawa, ng mga embahador sa Simbahang Katolika ay sa Santa Sede, hindi sa Estado ng Lungsod ng Vaticano, at pinapadalá aman ng Simbahang Katolika ang mga anunsiyo nito sa mga ibang bansa sa ngalan din ng Santa Sede, at hindi ng Estado ng Lungsod ng Vaticano.
Terminolohiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang lahat ng sede/luklukan ay tinuturing na banal. Sa Wikang Griyego, ang pang-uring "banal" o "sagrado" (ἱερά tinititik bílang hiera) ay parating ginagamit para lahat ng sede/luklukan. Sa Kanluran, ang pang-uri ay bihirang ilagay ngunit kasáma pa rin ito sa opisyal na titulo ng dalawang sede: pati na rin ng Roma, ang Obispado ng Mainz (ang dáting Arsobispado ng Mainz), na isa ring elektoral at primasyal na ranggo, ay nagdadala ng titulong "ang Banal na Luklukan ng Mainz" (Latin: Sancta Sedes Moguntina).
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "About the Holy See".
- ↑ "Pebrero 22, 2014 – SABADO sa Ika-anim na Linggo sa Karaniwang Panahon Luklukan ni Apostol San Pedro". Bagong Umaga. Daughters of St. Paul Philippines. Nakuha noong 2016-04-06.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link] - ↑ Direktang kinuha ang teksto mula sa https://web.archive.org/web/20091021064108/http://www.fco.gov.uk/en/travel-and-living-abroad/travel-advice-by-country/country-profile/europe/holy-see/ (binasa noong 2 Pebrero 2013), sa websayt ng Tanggapang Pandaigdig at Pang-Komonwelt ng Britanya.
- ↑ Tiyak ang pagkilala sa soberanya ng Santa Sede sa maraming mga kasanduang pandaigdig, at partikular na kinikilala ito sa Artikulo 2 ng Tratado ng Letran ng 11 Pebrero 1929, kung saan nakasaad na "kinikilala ng Italya ang soberanya ng Santa Sede sa larangang pandaigdig bilang hiyas na bahagi ng diwa nito, na umaayon sa tradisyon nito, at sa mga kinakailangan ng misyon nito sa mundo.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Katolisismo ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.