Pumunta sa nilalaman

Opisyal na wika

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Wikang Opisyal)

Ang opisyal na wika ay isang wika na binigyan ng bukod-tanging istatus sa saligang batas ng mga bansa, mga estado, at iba pang teritoryo. Ito ang wikang kadalasang ginagamit sa lehislatibong mga sangay ng bansa, bagama't hinihiling din ng batas sa maraming bansa na isalin din sa ibang wika ang mga dokumento ng gobyerno.

Ang mga kinikilalang wikang minoritaryo ng pamahalaan ay madalas din mapagkamalan na wikang opisyal. Subalit, ang isang wikang opisyal na kinikilala ng isang bansa, tinuturo sa mga paaralan, at ginagamit sa mga opisyal na komunikasyon ay hindi kinakailangang isang wikang opisyal. Halimbawa, ang Wikang Ladino at Sardo (Sardinian) sa Italya at ang Wikang Mirandessa Portugal ay opisyal na kinikilalang mga wikang minoritaryo lamang, hindi mga wikang opisyal.

Kalahati ng mga bansa sa mundo ay may mga wikang opisyal. Ang ilan ay may iisang wikang opisyal lamang, tulad sa Albanya, France, o Lithuania, kahit na lahat ng mga bansang ito ay may mga katutubong wika ring ginagamit. Ang ilan ay may higit sa isang wikang opisyal, tulad sa Afghanistan, Belurus, Belgium, Bolivia, Canada, Eritrea, Finland, India, Paraguay, South Africa, at Switzerland.

Sa ilang mga bansa, tulad ng Iraq, Italya, Rusya at Espanya, mayroong isang wikang opisyal para sa buong bansa, subalit may mga ko-opisyal na wika rin sa mga importanteng rehiyon. Ang ilang mga bansa, tulad ng Australia, Alemanya, Luxembourg, Sweden, Tuvalu, at Estados Unidos ay wala ni isang wikang opisyal.

Ang mga wikang opisyal ng ilang mga dating kolonya, lalo na French o Ingles, ay hindi mga pambansang wika o ang wikang may pinakamaraming gumagamit sa mga dating kolonyang iyon.

Samantala, sanhi ng nasyonalismo, ang Gaeilge ang “pambansang wika” ng Republika ng Ireland at ito ang unang wikang opisyal, maski na ito ay ginagamit lamang ng maliit na bahagi ng populasyon. Ang Ingles, na ginagamit ng mayoriya, ay ang pangalawang wikang opisyal (Saligang Batas ng Ireland, Artikulo 8).