Pumunta sa nilalaman

Madrid

Mga koordinado: 40°25′01″N 3°42′12″W / 40.4169°N 3.7033°W / 40.4169; -3.7033
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Madrid
munisipalidad ng Espanya, tourist destination, lungsod, national capital
Watawat ng Madrid
Watawat
Eskudo de armas ng Madrid
Eskudo de armas
Map
Mga koordinado: 40°25′01″N 3°42′12″W / 40.4169°N 3.7033°W / 40.4169; -3.7033
Bansa Espanya
LokasyonPamayanan ng Madrid, Espanya
KabiseraMadrid city
Bahagi
Pamahalaan
 • Mayor ng MadridJosé Luis Martínez-Almeida
Lawak
 • Kabuuan604.4551 km2 (233.3814 milya kuwadrado)
Populasyon
 (2023)
 • Kabuuan3,332,035
 • Kapal5,500/km2 (14,000/milya kuwadrado)
Sona ng orasUTC+01:00, UTC+02:00
Plaka ng sasakyanM
Websaythttps://www.madrid.es/
MADRID, Kabisera ng Espanya

Ang Madrid ay ang kabisera at pinakamalaking lungsod ng Espanya. Ang populasyon ng lungsod ay humigit-kumulang sa 3.3 milyon (noong Disyembre 2009); ang kalahatang populasyon ng Kalakhang Madrid (lungsod at mga matataong karatig-pook nito) ay kulang-kulang na 6.5 milyon. Ito ang ikatlong pinakamataong lungsod sa Unyong Europeo, kasunod ng Londres at Berlin, at ang kalakhan nito ikatlong pinakamatao sa unyon, kasunod ng Paris at Londres.[1]

Ang Madrid ay ang pinaka-dinadalaw[2] na lungsod sa Espanya, nauuna sa Barcelona, at ika-apat sa buong kontinente ng Europa. Ang lungsod ay matatagpuan sa Ilog Manzanares, sa kalagitnaan ng bansa at ng Pamayanan ng Madrid (na binubuo ng lungsod ng Madrid at ng mga matataong karatig-pook nito); ang kabayanan ay napapaligiran ng mga lalawigang awtonomo ng Castilla-Leon at ng Castilla-La Mancha. Bilang kabisera ng Espanya, upuan ng pamahalaan at tirahan ng hari, ang Madrid din ang sentrong pampolitika ng Espanya.

Ang Kalakhang Madrid ay nagtataglay ng ikatlong pinakamataas na GDP sa Unyong Europeo, na umaabot sa 230 bilyong euro[3] noong taong 2009. Dahil sa nailalabas nito sa ekonomiya, mataas na ginhawa sa buhay at laki ng sukat ng kalakalan nito, kilala ang Madrid bilang pangunahing sentrong pampinansiyal ng timog Europa at ng Tangway ng Iberia; narito ang himpilan ng karamihan sa mga kompanyang Kastila, bukod sa mga himpilan ng 3 sa 100 pinakamalalaking kompanya sa buong daigdig (Telefónica, Repsol-YPF at Banco Santander).

Ang Madrid ay ang ika-10[4] na madaling-tirhang lungsod sa daigdig, ayon sa magasinang Monocle noong taong 2010.

Kahit na tinataglay ng Madrid ang ilan sa makabagong mga gusali, napanatili nito ang makalumang itsura ng mga marami nitong makasaysayang baryo at daanan. Ang mga kilalang palatandaan ay ang Palacio Real ng Madrid, ang Teatro Real (1850), ang Parke ng Buen Retiro (1631), ang ika-19 siglong gusali ng Aklatang Pambansa (1712) na naglalaman ng ilan sa mga makasaysayang talaan ng Espanya, isang museong pang-arkeolohiya at tatlong museong pang-sining: ang Museo ng Prado, ang Museo Nacional Centro de Arte Reina Sofia, na isang museo ng makabagong sining at ang Museo ng Thyssen-Bornemisza, na itinaguyod sa loob ng bagong-ayos na Palacio Villahermosa.[5]

Transportasyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang mga ahensiya na nangangasiwa ng pang-araw-araw na transportasyon ng mga Madrileño ay ang mga sumusunod: ang EMT sa mga bus, ang Madrid Metro sa mga treng pang-ilalim at ang RENFE sa mga treng pang-rehiyon, pambansa at pang-internasyonal.

Ang Madrid ay pinagsisilbihan ng Paliparan ng Madrid-Barajas. Ang Barajas ay ang himpilan ng Iberia Airlines. Dahil dito, ito ang pangunahing koneksiyon patungong Tangway ng Iberia mula sa Europa, America at saan mang dako ng daigdig. Ang dami ng mga pasahero ay umaabot sa kulang-kulang na 52 milyon bawat taon, kaya ito ay isa sa mga 20 pinaka-abalang paliparan sa daigdig.[6]

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga Makasaysayang Gusali

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. http://www.demographia.com/db-worldua.pdf
  2. http://www.madridiario.es/2007/Enero/feria/feriamadrid/8577/turistas-madrid.html
  3. "Archive copy". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2012-03-10. Nakuha noong 2011-02-01.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Archive copy". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2010-07-08. Nakuha noong 2011-02-01.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Archive copy". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2012-07-22. Nakuha noong 2011-02-01.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. http://www.airports.org/aci/aci/file/Press%20Releases/2007_PRs/PR060307_PrelimResults2006.pdf