Mosku

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Moscow)
Moscow

Москва
capital of Russia, Mga pederal na lungsod ng Rusya, big city, megacity, largest city, Kabisera, gorod, million city
Watawat ng Moscow
Watawat
Eskudo de armas ng Moscow
Eskudo de armas
Palayaw: 
Третий Рим, Өченче Рим, Third Rome
Map
Mga koordinado: 55°45′21″N 37°37′04″E / 55.7558°N 37.6178°E / 55.7558; 37.6178Mga koordinado: 55°45′21″N 37°37′04″E / 55.7558°N 37.6178°E / 55.7558; 37.6178
Bansa Rusya
LokasyonRusya
Palarong Olimpiko sa Tag-init 19801238 (Julian); 1238 (Julian); 1353 (Julian); 1365 (Julian); 1368 (Julian); 1370 (Julian); 1382 (Julian); 1408 (Julian); 1439 (Julian); 1488 (Julian); 1521 (Julian); 1547 (Julian); 1571 (Julian); 1591; 1606; 1608; 1618; 1940s; 1941; 1980; 5 Setyembre 1997
Itinatagunknown
Bahagi
Pamahalaan
 • Prime Minister of MoscowSergey Sobyanin
Lawak
 • Kabuuan2,562 km2 (989 milya kuwadrado)
Populasyon
 (1 Enero 2021)[1]
 • Kabuuan12,455,682
 • Kapal4,900/km2 (13,000/milya kuwadrado)
Kodigo ng ISO 3166RU-MOW
WikaWikang Ruso
Plaka ng sasakyan77
Websaythttps://www.mos.ru/

Ang Mosku (mula sa Kastila: Moscú, Ruso: Москва o Moskva, Inggles: Moscow)[2] ay ang kabisera, pinakamataong lungsod at pinakamataong lipunang pederal ng Rusya. Ang lungsod ay isang mahalagang sentrong pampolitika, pang-ekonomiya, pangkultura, pang-agham, panrelihiyon, pansalapian, pang-edukasyon at pantranportasyon ng Rusya at ng kontinente. Ang Mosku ay ang pinaka-hilagang lungsod sa daigdig sa mga may populasyong higit sa 10 milyon, pinakamataong lungsod na nasa kontinente ng Europa at ang ika-anim na pinakamalaking lungsod sa daigdig. Ang populasyon nito, ayon sa simula ng mga resulta ng bilangan ng 2010, ay 11,514,300[3]. Ayon sa Forbes 2011, ang Mosku ay mayroong 79 bilyonaryo, at siyang pumalit sa Nueva York bilang lungsod na may pinakamaraming bilyonaryo[4].

Ang Mosku ay matatagpuan sa ilog Moscova sa Gitnang Distritong Pederal ng Europeong Rusya. Sa pagdaan ng kasaysayan nito, ang lungsod ay nagsilbing kabisera ng mga nagsilipasang mga bansa, mula sa Dakilang Dukado ng Mosku at sa sumunod na Zarato ng Rusya hanggang sa Unyong Sobyet. Ang Mosku ay ang kinalalagyan ng Kremlin, isang moog na sa ngayon ay siyang tahanan ng Rusong Presidente at ng sangay-tagapagpatupad ng Pamahalaan ng Rusya. Ang Kremlin ay isa sa ilang mga World Heritage Site sa lungsod. Ang dalawang pangkat ng Rusong parlamento (ang Duma ng Estado at ang Konsilyo ng Pederasyon) ay nakaupo rin sa Mosku.

Ang lungsod ay sinerserbisyuhan ng malawakang sistemang pantransportasyon, na kasama ang apat na paliparang pandaigdig, siyam na estasyon ng "malayuang" tren at ang Moscow Metro, pangalawa lamang sa Tokyo pagdating sa dami ng sumasakay at kilala bilang isa sa mga palatandaan ng lungsod dahil sa iba't ibang disenyo ng 182 estasyon nito.

Sa paglipas ng panahon, ang Mosku ay binansagan ng ilang mga palayaw, na ang karamihan ay tumutukoy sa laki nito at katayuan sa loob ng bansa: Ang Pangatlong Roma (Третий Рим), Putimbato (Белокаменная), Ang Unang Trono (Первопрестольная), Ang Apatnapung Apatnapu (Сорок Сороков)[5].

Ang tawag sa mga taga-Mosku ay Muscovita[6].

Sanggunian[baguhin | baguhin ang wikitext]

  1. Error: Unable to display the reference properly. See the documentation for details.
  2. "Mga Balita sa Digmaan sa Iba't Ibang Dako: Sa Mosku". Liwayway. Ramon Roces Publishing, Inc. 31 Hulyo 1942. pa. 11. Sipi: ...ang iba pang lakas-Aleman ay patuloy ding tumatalaktak na pa-silangan, paharap sa Mosku sa hilaga. {{cite news}}: Kailangan ng |access-date= ang |url= (tulong)
  3. Федеральная служба государственной статистики (Federal State Statistics Service) (2011).
  4. http://www.bloomberg.com/news/2011-03-09/carlos-slim-tops-forbes-list-of-billionaires-for-second-year.html
  5. In old Russian the word "Сорок" (forty) also meant a church administrative district, which consisted of about forty churches.
  6. http://dic.academic.ru/dic.nsf/eng_rus/391243/Muscovite

Mga kawing panlabas[baguhin | baguhin ang wikitext]

Opisyal na websayt[baguhin | baguhin ang wikitext]