Demonym

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search

Ang demonym ( /ˈdɛmənɪm/; mula sa Griyego: δῆμος, dêmos, "tao, angkan" at όνομα, ónoma, "pangalan") o hentilisiyo/gentilic (mula sa Latin: gentilis, "ng isang angkan o pangkat ng mga tao na may magkaprehong pinagmulan")[1] ay isang salita na kinikilala ang isang residente o katutubo ng isang partikular na lugar, kadalasang hinango mula sa pangalan ng lugar o ng isang pangkat-etniko.[2] Bilang isang larangang nasa ilalim ng antropolohiya, tinatawag ang pag-aaral ng mga demonyms bilang demonymy o demonymics. Kabilang sa mga halimbawa ng mga demonym ang Cochabambino, na nangangahulugang ang isang indibiduwal na nagmula sa lungsod ng Cochabamba; ang Amerikano na isang tao na mula sa bansa na tinatawag na Estados Unidos (o mas malakawak na kahulugan ay ang tao na mula sa mga lupalop ng Hilagang Amerika at Timog Amerika); Pasigueño, na tumutukoy sa mga tao na mula sa lungsod ng Pasig; at ang Swahili, na isang tao sa baybayin ng Swahili.

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. "Dictionary". Merriam Webster. Nakuha noong 25 Hulyo 2015.
  2. George H. Scheetz (1988). Names' Names: A Descriptive and Pervasive Onymicon. Schütz Verlag.