Belgrado
Belgrade Београд Beograd | |||
---|---|---|---|
![]() | |||
| |||
![]() | |||
![]() | |||
Mga koordinado: 44°49′04″N 20°27′25″E / 44.8178°N 20.4569°EMga koordinado: 44°49′04″N 20°27′25″E / 44.8178°N 20.4569°E | |||
Bansa | ![]() | ||
Lokasyon | Distrito ng Belgrado, Serbia | ||
Pamahalaan | |||
• Pinuno ng pamahalaan | Zoran Radojičić | ||
Lawak | |||
• Kabuuan | 359.96 km2 (138.98 milya kuwadrado) | ||
Populasyon (2018)[1] | |||
• Kabuuan | 1,378,682 | ||
• Kapal | 3,800/km2 (9,900/milya kuwadrado) | ||
Sona ng oras | UTC+01:00 | ||
Wika | Wikang Serbiyo | ||
Plaka ng sasakyan | BG | ||
Websayt | http://www.beograd.rs |
Ang Belgrado o Belgrade ( /ˈbɛlɡɹeɪd/ BEL-grayd; Serbiyong Siriliko: Београд, romanisado: Beograd, lit. ''Puting Lungsod'', binibigkas [beǒɡrad] ( pakinggan)) ay ang kabisera at ang pinakamalaking lungsod sa Serbia. Matatagpuan ito sa pagtatagpo ng mga ilog ng Sava at Danube at sa sangang-daan ng Kapatagan ng Panonika at Tangway ng Balkanika.[2] Halos nasa 1.7 milyong tao ang nakatira sa administratibong hangganan ng Lungsod ng Belgrado, isang sangkapat ng kabuuang populasyon ng Serbia.[3]
Isa ang Belgrado sa pinakamatandang patuloy na tinitirhan na lungsod sa Europa at sa sanlibutan. Isa sa mga mahalagang kalinangan sa Europa bago ang kasaysayan, ang kulturang Vinča, ay nagbago sa loob ng pook ng Belgrade noong ika-6 na milenyo BC. Noong anteguwedad, nanirahan ang mga Trako-Dasyo sa rehiyon at, pagkatapos ng 279 BC, nanirahan ang mga Selta sa lungsod, at pinangalan itong Singidūn.[4] Nasakop ito ng mga Romano sa ilalim ng pamumuno ni Augusto at ginawaran ng Romanong karapatan sa lungsod noong kalagitnaan ng ika-2 dantaon.[5] Nanirahan ang mga Eslabo dito noong dekada 520, at nagbago ng paghawak dito sa pagitan ng Imperyong Bisantino, Imperyong Franco, Imperyong Bulgaro at ang Kaharian ng Unggaryo bago ito naging luklukan ng hari ng Serbia na si Stefan Dragutin noong 1284. Nagsilbi ang Belgrado bilang kabisera ng Serbiyong Despotate noong paghahari ni Stefan Lazarević, at pagkatapos, ibinalik ng kanya kahalili na si Đurađ Branković sa Unggaryong hari noong 1427. Ang pagkalembang ng mga kampana tuwing tanghali bilang suporta sa sandatahang Unggaryo laban sa Imperyong Otomano noong pagkubkob ng 1456 ay nanatiling isang malawak na tradisyon sa simbahan hanggang sa ngayon. Noong 1521, sinakop ang Belgrado ng mga Otomano at naging luklukan ng Sanjak ng Smederevo.[6] Madalas na naipapasa ito mula pamumunong Otomano tungong pamumunong Habsburg, na nakita ang pagkawasak ng karamihan ng lungsod noong digmaang Austro-Gipsy.
Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang wikitext]
- ↑ "UNdata | record view | City population by sex, city and city type" (sa wikang Ingles). Nakuha noong 17 Disyembre 2019.
- ↑ "Why invest in Belgrade?" (sa wikang Ingles). City of Belgrade. Nakuha noong 11 Oktubre 2010.
- ↑ "Regions in Republic of Serbia, 2018" (PDF). publikacije.stat.gov.rs (sa wikang Ingles). Nakuha noong 14 Nobyembre 2018.
- ↑ "Discover Belgrade" (sa wikang Ingles). City of Belgrade. Tinago mula sa orihinal noong 18 Mayo 2009. Nakuha noong 5 May 2009.
- ↑ Rich, John (1992). The City in Late Antiquity (sa wikang Ingles). CRC Press. pa. 113. ISBN 978-0-203-13016-2.
- ↑ "The History of Belgrade" (sa wikang Ingles). BelgradeNet Travel Guide. Tinago mula sa orihinal noong 30 December 2008. Nakuha noong 5 Mayo 2009.