Pumunta sa nilalaman

Danubio

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Danube)
Ang Ilog Danubio sa lungsod ng Budapest, Unggriya.

Ang Ilog Danubio (Ingles: Danube) ay ang pangalawang pinakamahabang ilog ng Europa, sumunod sa Volga. Ito ay kinikilala bilang isang internasyonal na daang-tubig.

Nagsisimula ang ilog na ito sa Alemanya at dumadaloy ng humigit-kumulang sa 2,850 kilometro, dumadaan sa apat na kabiserang lungsod bago umuugnay sa Dagat na Itim sa pamamagitan ng Danube Delta na matatagpuan sa Rumanya at Ukranya.

Batid sa kasaysayan bilang isa sa mga matatagal na hangganan ng Imperyong Romano, ang ilog na ito ay dumadaloy sa gitna ng, o di kaya'y nagsisilbing hangganan para sa, mga sumusunod na sampung bansa:[1]

  1. Alemanya
  2. Austria
  3. Eslobakya
  4. Unggriya
  5. Kroasya
  6. Serbya
  7. Bulgarya
  8. Moldabya
  9. Ukranya
  10. Rumanya

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Europa Ang lathalaing ito na tungkol sa Europa ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.