Pumunta sa nilalaman

Tamerlan

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Timur)
Para sa bansa, tingnan ang Silangang Timor.
Timur
Emir ng Imperyong Timurid
Porensikong pagsasagawa muli ng mukha ni Timur.
Paghahari1370-1405
Koronasyon1370, Balkh
Buong pangalanTamed Chingizid Khan
PinaglibinganGur-e Amir, Samarkand
SinundanAmir Husayn
KahaliliKhalil Sultan
Bahay MaharlikaTimurid
AmaMukhammad Taraghay
InaTekina Mohbegim

Si Timur (Wikang Chagatai: تیمور - Tēmōr, "yero", sa kasalukuyang Turkiyang Turko: Demir) (6 Abril 1337 – 19 Pebrero 1405), isa sa mga ibang pangalan,[1] mas karaniwang kilala bilang Tamerlane sa Kanluran,[2] ay isang pang-14 na siglong Turko-Mongol[3][4] na mananakop ng karamihan ng kanluran at Gitnang Asya, at nagtatag ng Imperyong Timurid at dinastiyang Timurid (1370–1405) sa Gitnang Asya, na nanatili hanggang 1857 bilang Imperyong Mughal ng Indiya.[5][6]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Tandaan: Tīmūr bin Taraghay Barlas, pagkatapos ng kasal niya sa pamilya ni Genghis Khan, pinangalan ang sarili bilang Timūr Gurkānī (Persa: تيمور گوركانى‎), Gurkān, ang Persa (Persian) na anyo ng orihinal na salitang Mongol na kürügän, "manugang-na-lalaki" (Pinagmulan: Zahir ud-Din Mohammad, The Baburnama: Memoirs of Babur, Prince and Emperor, pagtnugot ni Wheeler M. Thackston). Kilala rin siya sa baryasyon ng kanyang nakakasirang pangalang Persa (Persian) na Timur-e-Lang (Persa: تیمور لنگ‎) na sinasalin bilang Timur ang Pilay, hinggil sa pagiging pilay pagkatapos magkaroon ng kapinsalaan sa hita nang lumaban. Ginagamit ang alipustang titulong ito ng mga kalabang Persiyano. May mga ilang mga sanggunian katulad ng kapanahong saksi na si Ruy Gonzáles de Clavijo na hindi gumagamit ng Persa (Persian) na notasyon para sa titulong Timur, e.g. Timur Kurkhan, at nilalarawan ang kahulugan ng Kurkhan bilang ng angkan ng soberanong mga prinsipe. Ang mga alternatibong baybay ng kanyang pangalan: Temur, Taimur, Timur Lenk, Timur-i Leng, Temur-e Lang, Amir Timur, Aqsaq Timur, gayon din ang naka-Latin na Tamerlane at Tamburlaine.
  2. "Timur", Encyclopædia Britannica, Akademikong Edisyon naka-online, 2007. (Pagbanggit: ...also spelled Timour , byname Timur Lenk , or Timurlenk (Turkish:"Timur the Lame") , English Tamerlane , or Tamburlaine. Turkic conqueror....[binabaybay din bilang Timour, palayaw Timur Lenk o Timurlent (Turko: "Timur ang Pilay") Ingles Tamerlane o Tamburlaine])
  3. "Gitnang Asya, kasaysayan ng Timur", sa Encyclopædia Britannica, Edisyong Naka-Online, 2007., Pagbanggit: "... Timur first united under his leadership the Turko-Mongol tribes located in the basins of the two rivers...." [...unang nagkaisa ang Timur sa ilalim ng pamamahala ng mga tribong Turko-Mongol na matatagpuan sa lunas ng dalawang ilog...]
  4. History of Central Asia, Encyclopædia Britannica Online. 13 Dis. 2008.
  5. B.F. Manz, "Tīmūr Lang", sa Ensiklopedya ng Islam.
  6. "Timur Naka-arkibo 2008-01-17 sa Wayback Machine." The Columbia Encyclopedia, Ika-anim na Edisyon, 2001-05. Pagbanggit: Tamerlane, c.1336–1405, Mongol conqueror, b. Kesh, near Samarkand. He is also called Timur Leng [Timur the lame]. He was the son of a tribal leader, and he claimed (apparently for the first time in 1370) to be a descendant of Jenghiz Khan. With an army composed of Turks and Turkic-speaking Mongols, remnants of the empire of the Mongols, Timur spent his early military career in subduing his rivals in what is now Turkistan; by 1369 he firmly controlled the entire area from his capital at Samarkand. [Tamerlane: mga 1336-1405, mananakop na Mongol, ipinanganak Kesh, malapit sa Samarkand. Tinatawag siya din siyang Timur Leng (Timur ang Pilay). Anak siya ng isang pinuno ng tribo, at inaangkin (tila sa unang pagkakataon noong 1370) upang maging inapo ni Jenghiz Khan. Kasama ang mga hukbong katihan na binubuo ng mga Turko at mga Mongol na nagsasalita ng Turko, natira sa imperyo ng mga Mongol, nilaan ni Timur sa kanyang naunang karerang militar sa pagsuko ng kanyang mga kaaway sa lugar na tinatawag ngayong Turkistan; noong 1369, matatag na pinamahalaan ang buong lawak mula sa kanyang kapital sa Samarkand.]