Gitnang Asya

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Gitnang Asya
Central Asia (orthographic projection).svg
Sukat4,003,451 km2 (1,545,741 mi kuw)
Populasyon72,960,000 (2019) (ika-16)[1][2]
Densidad ng populasyon17.43 katao / km2 (6.73 katao / mi2)
GDP (PPP)$1.0 trilyon (2019)[3]
GDP (nominal)$300 bilyon (2019)[3]
GDP kada kapita$4,000 (2019; nominal)[3]
$14,000 (2019; PPP)[3]
HDIIncrease0.779 (mataas)
Pantawagtaga-Gitnang Asya
Gitnang Asyano
Mga bansa
Mga wikaBuryat, Kalmyk, Karakalpak, Kazakh, Kyrgyz, Mongol, Ruso, Tajik, Turkmen, Uyghur, Uzbek, at iba pa
Mga sona ng oras
Internet TLD.kg, .kz, .tj, .tm, .uz
Kodigo sa pagtawagSona 9 maliban sa Kasakistan (Sona 7)
Mga malalaking lungsod
UN M49 code143 – Gitnang Asya
142Asya
001Mundo
a Kabilang lang ang mga may populasyon naa lagpas 500,000 katao.

Gitnang Asya ang rehiyon ng Asya mula sa silangang baybayin ng Dagat Kaspiyo hanggang sa kanlurang bahagi ng Tsina at Mongolia, at mula sa katimugang bahagi ng Rusya hanggang Iran at Apganistan sa timog. Sa kasalukuyang depenisyon ng rehiyon, kinabibilangan nito ang mga dating republika ng Unyong Sobyet na Kasakistan, Kirgistan, Tayikistan, Turkmenistan, at Usbekistan, bagamat sinasama rin ang Apganistan ng ilang depenisyon. Kilala rin ang rehiyon sa impormal na tawag nito na mga stan dahil sa pagkakaroon ng mga pangalan ng mga bansang nandito ng hulaping Persyano na nangangahulugang "lupain [ng mga]". Sa kasaysayan, ang naturang lugar ay kilala naman sa tawag na Turkestan at Turan.

Daanan ang Gitnang Asya para sa mga kultura at sibilisasyon ng Europa at Asya simula pa noon. Binabagtas ng Daang Sutla ang rehiyon upang makarating ang mga Europeo sa Asya at mga Asyano sa Europa. Dahil dito, naging isa sa mga mahahalagang sentro ng kalakalan ang rehiyon sa malaking bahagi ng kasaysayan. Maraming lahi at kultura ang umusbong at yumabong sa lugar, partikular na ang lahing Iranyano at kalaunan, ang lahing Turko. Pagsapit ng ika-19 na siglo, naging dominante sa lugar ang mga Ruso at Eslabo dahil sa paglaki ng Imperyong Ruso at noong sumunod na siglo, ang Unyong Sobyet. Sa ngayon, mga Europeo ang dominanteng lahi ng tao na naninirahan sa lugar: pitong milyong Ruso, kalahating milyong Ukranyano, at mga nasa 170,000 na Aleman. Dahil naman sa mga patakaran noong panahon ni Joseph Stalin, may malaki-laki ring populasyon ng mga Koreano sa rehiyon. Noong 2019, ang limang bansang nasa loob nito ay may kabuuang populasyon na aabot ng 72 milyong katao.

Sanggunian[baguhin | baguhin ang wikitext]

  1. "World Population prospects – Population division" [Mga prospekto sa populasyon ng mundo - dibisyon ng populasyon] (sa wikang Ingles). Mga Nagkakaisang Bansa. Tinago mula sa orihinal noong 5 Pebrero 2019. Nakuha noong 1 Abril 2023.
  2. "Overall total population" [Pangkalahatang kabuuang populasyon] (xlsx). Mga Nagkakaisang Bansa. Nakuha noong 1 Abril 2023.
  3. 3.0 3.1 3.2 3.3 "International Monetary Fund: 5. Report for Selected Countries and Subjects" [Pandaigdigang Pondong Pananalapi: 5. Ulat para sa mga Piling Bansa at Paksa]. imf.org (sa wikang Ingles). IMF. Outlook Database, Oktubre 2019


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.