Pumunta sa nilalaman

Alexander von Humboldt

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Si Alexander von Humboldt, larawang ipininta ni Joseph Stieler noong 1843.

Si Alexander von Humboldt[1] (ipinanganak sa Berlin noong 14 Setyembre 1769 – namatay sa Berlin noong 6 Mayo 1859) ay isang naturalista at eksplorador na Prusyano. Ang gawain ni Humboldt hinggil sa heograpiyang pambotanika ay naging napaka mahalaga sa larangan ng biyoheograpiya.

Ipinanganak si Humboldt sa Berlin. Ang kaniyang amang si Alexander Georg von Humboldt ay naging isang mayor (major, komandante) sa Hukbong Panlupa ng Prusya. Pinakasalan ni Humboldt, Sr. (si Alexander Georg von Humboldt) si Maria Elizabeth von Colomb noong 1766. Sila ay nagkaroon ng dalawang mga anak na lalaki, na ang mas nakababata ay si Alexander von Humboldt, Jr. Ang mas nakatatandang kapatid na lalaki ni Alexander na Wilhelm von Humboldt ay naging isang ministro, pilosopo, at lingguwista ng Prusya.

Noong kaniyang kabataan, naging mahilig na si Humboldt sa pangungulekta ng mga halaman, mga kabibe, at mga kulisap. Namatay ang ama ni Humboldt nang maaga, noong 1779. Magmula noon, ang kaniyang ina na ang nangasiwa sa kaniyang edukasyon.

Sa pagitan ng 1799 at ng 1804, naglakbay si Humboldt sa Amerikang Latino at naging unang siyentipiko na nakapagsulat patungkol dito. Isa siya sa naging unang nagsabi na ang Timog Amerika at ang Aprika ay dating isang lupalop (kontinente).

Sa bandang huli ng kaniyang buhay, tinangka niyang pagsama-samahin ang iba't ibang mga larangan ng agham sa kaniyang akdang Kosmos.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]