Pumunta sa nilalaman

Dagat Aral

Mga koordinado: 45°N 60°E / 45°N 60°E / 45; 60
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Dagat Aral
  • Karakalpak: Арал теңизи, Aral teńizi
  • Kasaho: Арал теңізі, Aral teñizi
  • Ruso: Аральское море, Aralskoye more
  • Usbeko: Орол денгизи, Orol dengizi
Ang Dagat Aral noong 1989 (kaliwa) at 2014 (kanan)
LokasyonGitnang Asya
(KasakistanUsbekistan)
Mga koordinado45°N 60°E / 45°N 60°E / 45; 60
UriEndoreyko, likas na lawa, imbakang-tubig (Hilaga)
Pagpasok ng agos
  • Hilaga: Syr Darya
  • Timog: Tubig-lupa lamang
  • Dati: Amu Darya
Beysin ng paagusan1,549,000 km2 (598,100 mi kuw)
Mga bansang beysin
Pang-ibabaw na sukat
  • 68,000 km2 (26,300 mi kuw)
    (1960, isang lawa)
  • 28,687 km2 (11,076 mi kuw)
    (1998, dalawang lawa)
  • 17,160 km2 (6,626 mi kuw)
    (2004, apat na lawa)
  • Hilaga:
    3,300 km2 (1,270 mi kuw) (2008)
  • Timog:
    3,500 km2 (1,350 mi kuw) (2005)
Pinakamalalim
  • Hilaga:
  • 42 m (138 tal) (2008)[2]
  • 30 m (98 tal) (2003)
  • Timog:
    37–40 m (121–131 tal) (2005)
  • 102 m (335 tal) (1989)
Kataasan sa rabaw
  • Hilaga: 42 m (138 tal) (2011)
  • Timog: 29 m (95 tal) (2007)
  • 53.4 m (175 tal) (1960)[3]

Ang Dagat Aral[a] ay isang endoreykong lawa (iyon ay, walang labasan) na nasa pagitan ng Kasakistan sa hilaga nito at Usbekistan sa timog nito. Nag-umpisa itong lumiit noong d. 1960 at halos natuyo na noong d. 2010. Ito ay nasa mga rehiyong Aktobe at Kyzylorda ng Kasakistan at rehiyong awtonomo ng Karakalpakstan sa Usbekistan. Kung isasalin mula sa mga wikang Monggoliko at Turkiko, "Dagat ng Mga Pulo" ang kahulugan ng pangalan, na tumutukoy sa malaking bilang ng mga pulo (mahigit sa 1,100) na dating pinaligiran ng tubig nito. Nasa luwasan ng Dagat Aral ang Usbekistan at mga bahagi ng Apganistan, Iran, Kasakistan, Kirgistan, Tayikistan, at Turkmenistan.[1]

Ang dating ikatlong pinakamalaking lawa sa mundo na 68,000 km2 (26,300 mi kuw), nagsimulang lumiit ang Dagat Aral noong d. 1960 matapos ang mga ilog na nagpapakain dito ay inilihis ng mga proyektong patubig ng mga Sobyet. Pagsapit ng 2007, bumaba sa 10% ng orihinal ang laki nito, at nahati na ito sa apat na lawa: ang Hilagang Dagat Aral, at mga silangan at kanlurang luwasan ng dating mas malaki na Timog Dagat Aral, at ang mas maliit na intermedyong Lawa ng Barsakelmes.[4] Pagsapit ng 2009, nawala ang timog-silangang lawa at umatras ang timog-kanlurang lawa sa isang manipis na guhit sa kanlurang gilid ng dating timugang dagat. Sa mga sumunod na taon, nadagdagan nang kaunti ang timog-silangang lawa dahil sa mga paminsan-minsang daloy ng tubig.[5] Inilahad sa mga larawang de-satelayt ng NASA noong Agosto 2014 na sa unang pagkakataon sa modernong kasaysayan, tuyong-tuyo ang silangang luwasan ng Dagat Aral.[6][7] Disyerto ng Aralkum na ang tawag ngayon sa silangang luwasan.

Sa pagsisikap ng mga Kasaho na ligtasin at punuin ang Hilagang Dagat Aral, nakumpleto ang Saplad ng Dike Kokaral noong 2005. Pagsapit ng 2008, tumaas ang lebel ng tubig ng 12 m (39 tal) kumpara sa 2003,[2] ng hanggang 42 m (138 tal).[8] Magmula noong 2013, bumaba ang kaasinan, at bumalik ang mga isda sa sapat na bilang na maaaring mangisda nang kaunti.[9]

Pagkatapos ng pagbisita sa Muynak noong 2011, sinabi ni Ban Ki-moon, dating Kalihim-Panlahat ng Mga Nagkakaisang Bansa, na ang pagliit ng Dagat Aral ay "isa sa mga pinakamalalang disgrasya sa kalikasan ng planeta".[10] Nalipol ang dating maunlad na industriya ng pangingisda sa rehiyon, na nagdulot ng kawalan ng trabaho at paghihirap sa kabuhayan. Ang tubig mula sa inilihis na ilog Syr Darya ay ginagamit na patubig sa halos dalawang milyon ektarya (5,000,000 akre) ng lupang sakahan sa Lambak ng Ferghana.[11] Punong-puno ng polusyon ang rehiyon ng Dagat Aral, na sanhi ng mga malubhang problema sa kalusugan ng publiko. Nagdagdag ang UNESCO ng mga makasaysayang dokumento tungkol sa Dagat Aral sa Rehistro ng Alaala ng Mundo nito bilang sanggunian upang pag-aralan ang trahedya sa kalikasan.

  1. Kasaho: Арал теңізі, romanisado: Aral teñızı; Usbeko: Орол денгизи, romanisado: Orol dengizi; Karakalpak: Арал теңизи, romanisado: Aral teńizi; Ruso: Аральское море, romanisado: Aral'skoye more

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 "DRAINAGE BASIN OF THE ARAL SEA AND OTHER TRANSBOUNDARY SURFACE WATERS IN CENTRAL ASIA" [LUWASAN NG DAGAT ARAL AT IBA PANG LAMPAS-HANGGANANG KATUBIGAN SA GITNANG ASYA] (PDF). United Nations Economic Commission for Europe (UNECE) (sa wikang Ingles). 2005. Nakuha noong 4 Pebrero 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 "The Kazakh Miracle: Recovery of the North Aral Sea" [Ang Milagrong Kasaho: Ang Pagbawi ng Hilagang Dagat Aral] (sa wikang Ingles). Environment News Service. 1 Agosto 2008. Inarkibo mula sa orihinal noong 12 Abril 2010. Nakuha noong 22 Marso 2010.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. JAXA. "South Aral Sea shrinking but North Aral Sea expanding" [Timog Dagat Aral, lumiliit pero Hilagang Dagat Aral, lumalaki (sa wikang Ingles) ]
  4. Philip Micklin; Nikolay V. Aladin (Marso 2008). "Reclaiming the Aral Sea". Scientific American. pp. Pagbabawi sa Dagat Aral. Nakuha noong 17 Mayo 2008.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Satellite image, August 16, 2009 (click on "2009" and later links)" [Larawang de-satelayt. Agosto 16, 2009 (iklik ang "2009" at mga sumusunod na link)] (sa wikang Ingles). 24 Setyembre 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Liston, Enjoli (1 Oktubre 2014). "Satellite images show Aral Sea basin 'completely dried'" [Mga larawang de-satelayt, nagpapakita na 'tuyong-tuyo' ang luwasan ng Dagat Aral]. The Guardian (sa wikang Ingles). London: Guardian News and Media Limited. Nakuha noong 1 Oktubre 2014.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Rosenberg, Matt (8 Disyembre 2022). "Why Is the Aral Sea Shrinking?" [Bakit Lumiliit ang Dagat Aral?]. ThoughtCo (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 29 Hunyo 2022. Nakuha noong 19 Setyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Stephen M Bland. "Central Asia Caucasus". stephenmbland.com (sa wikang Ingles).
  9. "Aral Sea Reborn" [Dagat Aral, Muling Isinilang]. Al Jazeera. 21 Hulyo 2012. Nakuha noong 6 Enero 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "Aral Sea 'one of the planet's worst environmental disasters'" [Dagat Aral, 'isa sa mga pinakamalalang disgrasya sa kalikasan']. The Daily Telegraph (sa wikang Ingles). London. Mayo 2010. Inarkibo mula sa orihinal noong 8 Abril 2010.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. "Syr Darya river, Central Asia" [Ilog Syr Darya, Gitnang Asya]. Encyclopedia Britannica (sa wikang Ingles). 19 Hulyo 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)