Pumunta sa nilalaman

Brunei

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Brunei Darussalam)
Brunei Darussalam
Negara Brunei Darussalam (Malay latin)
نڬارا بروني دارالسلام(Jawi)
Watawat ng Brunei
Watawat
Crest ng Brunei
Crest
Salawikain: 
  • الدائمون المحسنون بالهدى
  • Sentiasa membuat kebajikan dengan petunjuk Allah
  • "Laging ng Serbisyo na may Patnubay ng Diyos"
Awiting Pambansa: Allah Peliharakan Sultan
Kinaroroonan ng  Brunei  (pula)
Kinaroroonan ng  Brunei  (pula)

Location of Brunei
Kabisera
at pinakamalaking lungsod
Bandar Seri Begawan
Wikang opisyalMalay[a] (Pambansa)
Ingles[b] (Kinikilala)
Iba pang mga wika[2][3]; Official scripts
Pangkat-etniko
(2004[4])
KatawaganBruneian
PamahalaanUnitary Islamic absolute
monarchy
• Sultan
Hassanal Bolkiah
• Prime Minister
Hassanal Bolkiah
LehislaturaLegislative Council
Formation
• Sultanate
1368
1888
1 January 1984
Lawak
• Kabuuan
5,765 km2 (2,226 mi kuw) (172nd)
• Katubigan (%)
8.6
Populasyon
• Pagtataya sa Jul 2013[5]
415,717[5] (175th)
• Densidad
67.3/km2 (174.3/mi kuw) (134th)
KDP (PLP)Pagtataya sa 2012
• Kabuuan
$21.907 billion[6]
• Bawat kapita
$50,440[6]
KDP (nominal)Pagtataya sa 2012
• Kabuuan
$17.092 billion[6]
• Bawat kapita
$39,355[6]
TKP (2013) 0.852[7]
napakataas · 30th
SalapiBrunei dollar (BND)
Sona ng orasUTC+8 (BDT)
Gilid ng pagmamanehokaliwa
Kodigong pantelepono+673[c]
Kodigo sa ISO 3166BN
Internet TLD.bn[8]
  1. ^ Under Article 82: "Official & national language" of the Constitution of Brunei, Malay is the official & national language.
  2. ^ Under Article 82: "Official & recognised language" of the Constitution of Brunei, English is used in official documents (official documents are bilingual; Malay and English).[9]
  3. ^ Also 080 from East Malaysia.

Ang Brunei (bigkas: /bru•náy/), opisyal na tawag Nation of Brunei, the Abode of Peace (lit. "Bansa ng Brunei, Tahanan ng Kapayapaan")[10] (Malay: Negara Brunei Darussalam: Negara Brunei Darussalam, Jawi ay isang soberanong estado na matatagpuan sa hilagang baybayin ng isla ng Borneo sa Timog-silangang Asya. Bukod sa baybayin nito sa Timog Dagat Tsina, ang bansa ay ganap na napapalibutan ng estado ng Sarawak, Malaysia. Ito ay pinaghiwalay sa dalawang bahagi ng distrito ng Limbang, Sarawak. Ang Brunei lamang ang soberanong estado ng ganap na matatagpuan sa isla ng Borneo; ang natitirang bahagi ng teritoryo ng isla ay nahahati sa mga bansa ng Malaysia at Indonesia. Ang populasyon ng Brunei ay 408,786 noong Hulyo 2012.[11]

Sa tugatog ng Imperyong Brunei, si Sultan Bolkiah (naghari 1485-1528) ay di-umano'y nagkaroon ng kontrol sa karamihan ng rehiyon ng Borneo, kabilang ang sa Sarawak at Sabah, pati na rin ang kapuluan ng Sulu sa hilagang-silangan dulo ng Borneo, Seludong (Maynila sa mordernong pahahon), at ang mga isla sa dulong hilaga-kanluran ng Borneo. Ang estado ay binisita ng Ekspedisyong Magellan ng Espanya noong 1521 at lumaban kontra Espanya noong 1578 sa Digmaang Castille.

Noong ika-19 na siglo, ang Bruneian Empire ay nagsimulang nanghina. Ibinigay (ceded) ng sultanato ang Sarawak (Kuching) kay James Brooke at ininalagaya siya bilang White Rajah, at ibinigay ang Sabah sa British na North Borneo Chartered Company. Noong 1888, ang Brunei ay naging isang British protectorate at nabigyan ng isang residenteng Briton bilang tagapangasiwa ng kolonya (colonial manager) noong 1906. Pagkatapos ng pananakop ng Hapones noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, noong 1959 isinulat ang isang bagong saligang-batas. Noong 1962, isang maliit na armadong paghihimagsik laban sa monarkiya ay natapos sa tulong ng mga British.[12]

Nakamit ng Brunei ang kasarinlan nito mula sa United Kingdom noong 1 Enero 1984. Ang paglago ng ekonomiyang noong dekada 1990 at 2000, kasama ng pagtaas ng GDP ng 56% mula 1999 hanggang 2008, ang dahilan upang ang Brunei ay maging isang industriyalisadong bansa. Ito yumaman sa malawak na petrolyo at natural gas fields. Ang Brunei ang may pangalawang-pinakamataas na Human Development Index sa mga bansa ng Timog-silangang Asya, pagkatapos ng Singapore, at nauuri bilang isang "developed country".[13] Ayon sa International Monetary Fund (IMF), ang Brunei ay may ranggo ikalima sa mundo ayon sa gross domestic product per capita sa purchasing power parity. Tinataya ng IMF, noong 2011, na ang Brunei ang isa sa dalawang bansa (Libya ang isa pa) na may pampublikong utang na 0% ng pambansang GDP. Niranggo ng Forbes ang Brunei bilang ikalimang-pinakamayamang bansa sa 182 bansa, batay sa petrolyo at natural gas fields nito.[14]

Ito ang mapa ng Imperyong Brunei sa pinakamalawak na teritoryo nito noong 1521.

Sinaunang Kasaysayan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Brunei ay dating pinakamakapangyarihan sultanato noong ikalabing apat hanggang ikalabing anim na siglo.[15] Ang kaharian nito ay dating sumasakop sa mga rehiyong baybayin ng kasalukyang Sarawak at Sabah, ang arkipelago ng Sulu, at ang mga malalapit na mga pulo sa hilagang kanlurang bahagi ng Borneo. Ang impluwensiyang Europeo ang nagdulot sa paghina ng kapangyarihang rehiyonal nito. Hindi naglaon, may naganap na maikling digmaan sa pagitan nila at ng Espanya, kung saan nasakop ang kabisera ng Brunei. Hindi nagtagal nagwagi ang Sultanato subalit nawala ang mga nasasakupan nito at napunta sa Espanya.

Pagbagsak ng Imperyong Brunei at ang Panahon ng Briton

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang paghina ng Emperyong Brunei ay nagwakas noong ikalabing siyam na siglo kung saan karamihan sa mga sakop nito ay natalo mula sa mga Puting Raha ng Sarawak, na nagdulot sa kasalukuyang maliit at magkahiwalay na lupain. Ang Brunei ay dating protectorate ng Nagkakaisang Kaharian mula 1888 hanggang 1984.

Ikalawang Digmaang Pandaigdig

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sinakop ng Hapon ang Brunei noong 1941 hanggang 1945 noong kasagsagan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Kasalukuyang Kasaysayan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

May naganap na maliit na paghihimagsik laban sa monarkiya noong dekada '60, na pinigilan ng Nagkakaisang Kaharian. Ang kaganapan na ito ay nakilala bilang Pag-aaklas sa Brunei at nakadulot ng bahagya sa pagbagsak ng pagbubuo ng Kalipunan ng Hilagang Borneo. Nakaapekto rin ang pag-aalsa sa desisyon ng Brunei upang hindi sumali sa Kalipunang Malaysiano at naging unang yugto ng Paghaharap Indonesia-Malaysia.

Politika at Pamahalaan

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Hassanal Bolkiah, Sultan ng Brunei.

Ang Kasultanan ng Brunei ay natagpuan ni Sharif Ali ng Hejadz na nakapangasawa ng katutubong prinsesang taga-Brunei. Dinala niya sa pamayan ng mga brUnieang pananampalatayang Islam at nagpatayo ng maraming moske sa Brunei. si Sultan Hassanal Bolkiah ng Brunei, na ang titulo ay napasa sa loob na iisang dinastiya simula pa noong ikalabing limang siglo, ay ang pinuno ng bansa at ng pamahalaan ng Brunei. Ang Sultan ay pinapayuhan ng ilang mga lupon at ng mga kalihim ng mga ministro kahit na siya pa ang pinakamakapangyarhing namumuno. Ang media ay labis na maka-pamahalaan at ang mag-anak ng Sultan ay labis na ginagalang buong kabansaan. Ang Brunei ay isang dalisay na monarkiya at ang Sultan ay may dalisay na kapangyarihan. Walang inihahalal na kinatawan ng tagapagbatas. Noong Setyembre 2004, Ang Sultan ay bumuo ng mga itinalagang Batasan o Parliyamento na hindi natamasa simula pa noong kalayaan nito noong 1984, subalit ito ay walang kakayahang payuhan ang monarkiya.

Samahang Pandaigdig at Brunei

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Brunei ay kasapi ng Nagkakaisang mga Bansa Commonwealth of Nations, ASEAN, APEC at Samahan ng Kapulungan Islamiko.

Mga Agawan sa Teritoryo

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Brunei ay inaangkin ang Sarawak gaya ng Limbang, at isa sa mga bansang naglabas ng pag-aangkin sa pinag-aagawang Kapuluan ng Spratly. Ang ilang mga pulo na matatagpuan sa pagitan ng Brunei at Labuan, kasama na ang Pulo ng Kuraman, ay patuloy pa ring pinag-aagawan ng Brunei at Malaysia. Ang Limbang ay patuloy pa ring pinagtatalunan at paksa ng kasalukuyang usapan sa pagitan ng Brunei at Malaysia.

Mga Distrito at mga mukim

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Mga Distrito ng Brunei

Ang Brunei ay nahahati sa apat na mga distrito o daerah:

Ang mga distrito ay hinati pa sa tatlumpu't walong mga mukin

Ang Brunei Darussalam ay binubuo ng dalawang magkahiwalay na bahagi ng lupa na may kabuuang sukat na 5,766 km. parisukat (2,226 mi. parisukat). 97% ng populasayon ay nakatira sa malaking kanlurang bahagi ng bansa, samantalang nasa 10,000 ang nakatira sa mabundok na bahagi sa silangan (Distrito ng Temburong). Ang kabuuang populasyon ng ng Brunei Darrusalam ay nasa 400,000 kung saan nasa 130,000 ang nakatira sa kabisera, ang Bandar Seri Begawan. Ang iba pang mga pangunahing mga baya ay ang bayang daungan ng Muara, Seria, at ang kalapit na bayan ninyo na Kuala Belait. Sa Distrito ng Belait, ang bahagi ng Panaga ay tirahan ng malaking bilang ng mga migrante dahil sa Royal Dutch Shell at sa pabahay at libangang kagamitan para sa Sandatahang Ingles. Ang tanyag na Panaga Club ay matatagpuan sa lugar. Ang Liwasang Jerudong, na sikat na liwasang panlibangan, ay matatagpuan sa kanluran ng kabisera.

Klima

Ang Brunei Darussalam ay may klimang ekwatoryal. Ang karaniwan na taunang temperatura ay 27.1 °C (80.8 °F), na may karaniwang temperatura sa Abril-Mayo na 27.7 °C (81.9 °F) at may average na 26.8 °C (80.2 °F) tuwing Oktubre-Disyembre


Buwan Enero Pebrero Marso Abril Mayo Hunyo Hulyo Agosto Setyembre Oktubre Nobyembre Disyembre Taon
Average Taas (°C)
27.8
27.8
29.2
29.1
29.5
28.1
28.4
28.3
28.0
27.5
27.4
28.0
27.9
Average Baba (°C)
25.1
26.0
26.5
26.9
26.9
26.7
26.1
26.3
26.3
26.1
26.2
25.6
26.5
Average Pag-Ulan (mm) 277.7 138.3 113.0 200.3 239.0 214.2 228.8 215.8 257.7 319.9 329.4 343.5
2873.9

Pangangalangang Pangkalusugan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Tinitiyak ng Brunei na ang lahat ng kanyang mga mamamayan ay may libreng pangangalagang pangkalusugan, na binibigay sa pamamagitan ng mga pampublikong mga pagamutan. Ang pinakamalaking pagamutan sa Brunei ay ang Pagamutang Raja Isteri Pengiran Anak Saleha, na kilala ring bilang Pagamutang RIPAS.

Mayroon ding mga pagamutang pribado, ang Sentrong Medikal ng Liwasang Jerudong.

Hanggang noong 2008, wala pang isang pagamutan sa Brunei ang sumailalim sa akreditasyon pang-internasyunal.

Sa kasalukuyan wala pang paaralang medikal sa Brunei, at ang mga taga-Brunei na nais mag-aral at maging manggagamot ay kailang mag-aral sa mga pamantasan sa ibang bansa.

Transportasyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Brunei ay maaaring lakbayin mapalakbay dagat o lupa. Ang pangunahing daanan ay nakatalag sa kabuuan ng Brunei ay ang Pan Borneo Highway, na isang proyektong kaanib ang Malaysia. Maliban sa Pan Borneo Highway, ang Brunei ay maaaring marating sa pamamagitan ng Paliparang Pandaigdig ng Brunei.

Ang Moske ng Sultan Omar Ali Saifuddin sa Bandar Seri Begawan.

Ang 66.3% ng populasyon ay nagmula sa lahing Malay at matagal na pinangungunahan ang ekonomiya ng bansa, 11.2% ay mula sa lahing Intsik, 3.4% ay mga katutubo at 19.1% ay mula sa ibang lahi. Ang opisyal na wika ng bansa ay ang Wikang Malay (Malay: Bahasa Melayu), subalit ang mga kakaunting mga Tsino ay nagsasalita ng Wikang Intsik. Ang Wikang Ingles ay sinasalita ng karamihan at may kalakihan din ang bilang ng mga pamayanan ng dumarayong Briton at Amerikano.

Ang Islam ay ang opisyal na relihiyon ng Brunei na may 67%, at ang sultan ang pinuno ng relihiyon sa bansa. Ang ibang paniniwala na mayroon ay ang Budhismo 13% (na karamihan ay Intsik), 10% Kristiyano, at sa mga maliliit na mga pamayanan ay mga relihiyong katutubo.

Halos karamihan ng mga taga-Brunei ay Malay, na may malalim na impluwensiya mula sa Islam, at mas tradisyunal kaysa sa Malaysia.[17]

Ang kultura ay naimpluwensiyahan din ng demograpiya ng bansa: 2/3 ng populasyon ay Malay, at ang nalalabi ay binubuo ng mga Intsik, Indiyano, at mga katutubong Malay.

Ang Brunei ay may malaking bilang ng mga banyagang mga manggagawa, na kinabibilangan ng mga taga-Indonesia at mga Pilipino, taga-Thailand, Bangladesh, at mga Amerikano at Briton na nagtatrabaho sa sektor ng industriya at edukasyon.

Mga Sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Writing contest promotes usage, history of Jawi script Naka-arkibo 2012-06-12 sa Wayback Machine.. The Brunei Times (22 October 2010)
  2. "Brunei". Ethnologue. 1999-02-19. Nakuha noong 2013-12-30.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Call to add ethnic languages as optional subject in schools". Inarkibo mula sa orihinal noong 19 Nobiyembre 2013. Nakuha noong 19 November 2013. {{cite web}}: Check date values in: |archive-date= (tulong)
  4. "The World Factbook". CIA. Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-07-21. Nakuha noong 2009-01-06.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. 5.0 5.1 "The World Factbook". Cia.gov. Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-07-21. Nakuha noong 2013-12-30.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. 6.0 6.1 6.2 6.3 "Brunei". International Monetary Fund. Nakuha noong 18 Abril 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "2014 Human Development Report Summary" (PDF). United Nations Development Programme. 2014. pp. 21–25. Nakuha noong 27 Hulyo 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Brunei Sultan Haji Hassanal Bolkiah Mu'izzaddin Waddaulah Handbook. IBP USA. 2011. p. 10. ISBN 9781433004445. Nakuha noong 14 Oktubre 2013.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]
  9. "CONSTITUTION OF BRUNEI DARUSSALAM" (PDF). Attorney General's Chambers Brunei Darussalam. Nakuha noong 15 Oktubre 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]
  10. Peter Haggett (ed).
  11. "Background Note: Brunei". US Department of State. Nakuha noong 23 Disyembre 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. Pocock, Tom (1973). Fighting General – The Public &Private Campaigns of General Sir Walter Walker (ika-First (na) edisyon). London: Collins. ISBN 0-00-211295-7.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. "Human Development Reports". United Nations. Nakuha noong 5 Oktubre 2009.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. "Forbes ranks Brunei fifth richest nation". 25 Pebrero 2012. Inarkibo mula sa orihinal noong 26 Pebrero 2012. Nakuha noong 22 Hulyo 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. "Background Note: Brunei Darussalam". US State Department. Nakuha noong 2008-12-16.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. "CIA - The World Factbook -- Brunei". Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-07-21. Nakuha noong 2009-01-06.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. For a discussion of religious freedom, see http://www.state.gov/g/drl/rls/irf/2006/71334.htm (United States Department of State).

Bibliograpiya

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Padron:Factbook
  • U.S. Department of State website (2003)
  • L. W. W. Gudgeon, British North Borneo, Adam and Charles Black: London, 1913.

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Government
General information
Travel