Tsinong Han

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Han Chinese)
Huwag ikalito ito sa Dinastiyang Han.
Tsinong Han
汉族 / 漢族 o 汉人 / 漢人
Isang parehang Tsinong Han na nakasuot ng hanfu
Kabuuang populasyon
1.4 bilyon[1]
Mga rehiyong may malaking bilang nila
Republikang Bayan ng Tsina
1,285,001,720[2]
Republika ng Tsina (Taiwan)
>22,000,000[3][4]
Thailand7,053,240[5]
Malaysia6,910,000[6]
Estados Unidos3,795,000–5,100,000[7][8]
Indonesia2,832,510[9]
Singapore2,670,000[10]
Myanmar1,638,000[11]
Kanada1,469,000[12]
Pilipinas1,350,000[13]
Australya1,214,000[14]
Biyetnam992,600[15]
Hapon922,000[16]
Reino Unido433,000[17]
Peru376,000[18]
Italya334,000[19]
Bagong Zealand231,000[20]
Alemanya212,000[21]
Timog Korea210,000[22][pananda 1]
Kambodya210,000[23]
Arhentina200,000[24][25]
Laos185,765[5]
Espanya172,000[26]
Mehiko70,000[27]
Brunei42,132[28]
Rusya28,943[29]
Kolombya25,000[30]
Costa Rica19,000[31]
Irlanda11,000[32]
Wika
Tsino
Relihiyon
Mayorya:

Hindi relihiyoso, Budismong Mahayana, katutubong relihiyong Tsino (kabilang ang Taoismo, pagsamba sa mga ninuno, Confucianismo at iba pa)

Minorya:

Kristiyanismo[33]
Kaugnay na mga pangkat-etniko
Bai • Hui
Ibang mga Sino-Tibetano

May ibang sanggunian ang direktang tinutukoy ang Tsinong Han bilang "Tsino" o pinapangkat naman sila sa ibang Sino-Tibetano.
Tsinong Han
Pinapayak na Tsino汉族
Tradisyunal na Tsino漢族
Kahulugang literalpangkat etnikong Han

Ang mga Han (汉人; 漢人; Hànrén) (o Tsinong Han (Tsinong pinapayak: 汉族; Tsinong tradisyonal: 漢族; pinyin: Hànzú; lit.: "pangkat-etnikong Han") ay isang pangkat etniko sa Silangang Asya na katutubo sa Tsina. Sila ang pinakamalaking pangkat etniko sa mundo, na binubuo ng tinatayang 18% ng populasyon ng mundo. Binubuo ang mga Han ng iba't ibang subgrupo na nagsasalita ng mga bariyedad o uri ng wikang Tsino.[34][35] Tinatayang nasa 1.4 bilyong Tsinong Han na pangunahing natitipon sa Republikang Bayan ng Tsina (kabilang ang Kalupaang Tsina, Hong Kong, at Macau), kung saan binubuo sila ng mga 92% ng kabuuang populasyon.[2] Sa Taywan, binubuo ito ng mga 97% ng populasyon.[36][37] Binubuo din ng mga 75% ng kabuuang populasyon ng Singapura na Tsinong Han.[38]

Nagmula sa Hilagang Tsina, mababakas ang liping Tsinong Han sa Huaxia, isang kompederasyon ng mga kalipunang pang-agrikultura na namuhay sa may Ilog Dilaw.[39][40] Kabilang sa kolektibong kompederasyong Neolitikong ito ang mga kalipunang pang-agrikultura na Hua at Xia, kaya ganito ang pangalan nila. Nanirahan sila sa mga Kalagitnaang Kapatagan sa palibot ng gitna at mas mababang bahagi ng Ilog Dilaw sa Hilagang Tsina.[41][42][43][40] Mga ninuno ng mga makabagong Tsinong Han ang mga kalipunang ito na nagsimula ng kabihasnang Tsino. Sa loob ng panahon ng mga Estadong Nikikidigma, nagdulot ito ng pag-usbong ng sinaunang nakikilalang kamalayan ng Tsino sa panahong Zhou na tinutukoy ang sarili bilang Huaxia (literal na "ang magandang kadakilaaan"), na katangi-tanging ginamit upang purihin ang isang kalinangang "sibilisado", taliwas sa tinuturing na "barbaro" sa katabi at karatig na paligid na nasa hangganan ng mga Kahariang Zhou na pinapanirahan ng iba't ibang hindi Tsinong Han na pumapalibot sa kanila.[44][42][45][46] Sa maraming pamayanang Tsino sa ibayong-dagat, ginagamit ang katawagang mga Hua (华人; 華人; Huárén) o Huazu (华族; 華族; Huázú) para sa mga etnisidad na Tsinong Han na iba sa Zhongguo Ren (中国人; 中國人) na may mga konotasyon at implikasyon na pagiging mamamayan ng Tsina, kabilang ang mga may etnisidad na hindi Tsinong Han.[47][48][49]

Patuloy na lumawak ang mga kalipunang Huaxia mula sa Hilagang Tsina tungo sa Katimugang Tsina sa nakaraang dalawang milenyo, sa pamamagitan ng pananakop ng militar at kolonisasyon.[50][51] Kumalat ang kalinangang Huaxia tungong timog mula sa sentro ng Palanggana ng Ilog Dilaw na kinuha ang iba't ibang mga pangkat na hindi etnikong Han na naging sinisado sa loob ng mga siglo at iba't ibang punto ng kasaysayan ng Tsina.[52][51][42]

Unang lumitaw ang pangalang "Han" sa mga Dinastiyang Hilaga at Katimugan, na naging inspirasyon ng dinastiyang Han, na tinuturing na isa sa unang mga ginuntuang panahon ng kasaysayang Tsino. Bilang isang pinag-isa at magkakasamang imperyo, umusbong ang Tsinang Han bilang sentro ng impluwensiyang heopolitikal sa Silangang Asya noong panahong iyon, na umuungos ang karamihan sa pananakop nito sa mga katabing rehiyon at makukumpura sa kontemporaryong Imperyong Romano sa sukat ng populasyon, at naabot sa heograpiya at kultura.[53][54][55][56] Naimpluwensiya ng prestihiyo at katanyagan ng dinastiyang Han ang maraming sinaunang Huaxia upang kilalanin ang sarili bilang "Ang Taong-bayang Han."[44][57][58][59][60] Hanggang sa ngayon, kinuha ng Tsinong Han simula noong kinuha ang kanilang etnikong pangalan mula sa dinastiyang ito at ang sulat Tsino na tinutukoy na mga karakter na Han.[54][61][59]

Mga pananda[baguhin | baguhin ang wikitext]

  1. Sa 710,000 mamamayang Tsino naninirahan sa Korea noong 2016, 500,000 dito ang etnikong Koreano.

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang wikitext]

  1. Minahan, James B. (2014). Ethnic Groups of North, East, and Central Asia: An Encyclopedia. ABC-CLIO. pp. 89–95. ISBN 978-1-61069-018-8. Inarkibo mula sa orihinal noong 7 Hunyo 2020. Nakuha noong 21 Mayo 2020.
  2. 2.0 2.1 CIA Factbook (sa Ingles) Naka-arkibo 2021-02-13 sa Wayback Machine.: "Han Chinese 91.1%" out of a reported population of 1,410,539,758 (2022 est.)
  3. "Taiwan snapshot" (sa Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 15 Marso 2020. Nakuha noong 15 Marso 2020.
  4. "Population structure of Han Chinese in the modern Taiwanese population based on 10,000 participants in the Taiwan Biobank project | Human Molecular Genetics | Oxford Academic". Academic.oup.com (sa Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 8 Setyembre 2020. Nakuha noong 2022-02-14.
  5. 5.0 5.1 "Overseas Compatriot Affairs Commission, R.O.C." (sa Ingles). Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2011-01-04. Nakuha noong 2016-09-23.
  6. "confirmed latest statistics" (sa Ingles). 2022.
  7. "Race Reporting for the Asian Population by Selected Categories: 2010 more information" (sa Ingles). United States Census Bureau. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 12 Oktubre 2016. Nakuha noong 19 Enero 2014.
  8. "ACS Demographic and Housing Estimates" (sa Ingles). U.S. Census Bureau. Disyembre 2019. Inarkibo mula sa orihinal noong 4 Disyembre 2020. Nakuha noong 20 Marso 2020.
  9. "Jumlah dan Persentase Penduduk menurut Kelompok Suku Bangsa" (PDF). media.neliti.com (sa Indones). Kewarganegaraan, suku bangsa, agama dan bahasa sehari-hari penduduk Indonesia. 2011. Nakuha noong 30 Mayo 2022.
  10. "Topic: Demographics of Singapore" (sa Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 27 Agosto 2021. Nakuha noong 27 Agosto 2021.
  11. "The World Factbook" (sa Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-02-10. Nakuha noong 17 Pebrero 2016.
  12. Asia Pacific Foundation of Canada. "Population by Ethnic Origin by Province" (sa Ingles). Asia Pacific Foundation of Canada. Inarkibo mula sa orihinal noong 22 Marso 2016. Nakuha noong 17 Pebrero 2016.
  13. Macrohon, Pilar (Enero 21, 2013). "Senate declares Chinese New Year as special working holiday" (Nilabas sa mamamahayag) (sa Ingles). PRIB, Office of the Senate Secretary, Senate of the Philippines. Inarkibo mula sa ang orihinal noong Mayo 16, 2021.
  14. "Australia". 2016 Census QuickStats (sa Ingles). Australian Bureau of Statistics. Inarkibo mula sa orihinal noong 30 Oktubre 2018. Nakuha noong 31 Oktubre 2018.
  15. Poston, Dudley; Wong, Juyin (2016). "The Chinese diaspora: The current distribution of the overseas Chinese population". Chinese Journal of Sociology (sa Ingles). 2 (3): 348–373. doi:10.1177/2057150X16655077. S2CID 157718431. Nakuha noong 2022-01-23.
  16. "在日华人统计人口达92万创历史新高". www.rbzwdb.com (sa Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 22 Disyembre 2020. Nakuha noong 15 Abril 2020.
  17. "2011 Census: Ethnic group, local authorities in the United Kingdom" (sa Ingles). Office for National Statistics. 11 Oktubre 2013. Inarkibo mula sa orihinal noong 23 Enero 2016. Nakuha noong 13 Abril 2015.
  18. "South America: Peru". The World Factbook (sa Ingles). Central Intelligence Agency. Inarkibo mula sa orihinal noong 19 Nobyembre 2021. Nakuha noong 2020-02-20.
  19. "Cittadini Non Comunitari: Presenza, Nuovi Ingressi e Acquisizioni di Cittadinanza: Anni 2015–2016" (PDF). Istat.it (sa Ingles). Inarkibo (PDF) mula sa orihinal noong 21 Oktubre 2016. Nakuha noong 12 Disyembre 2017.
  20. "2018 Census totals by topic – national highlights | Stats NZ". Stats.govt.nz (sa Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 23 Setyembre 2019. Nakuha noong 2020-02-20.
  21. "BiB – Bundesinstitut für Bevölkerungsforschung – Pressemitteilungen – Zuwanderung aus außereuropäischen Ländern fast verdoppelt". Bib-demografiie.de (sa Ingles). Inarkibo mula sa ang orihinal noong 9 Disyembre 2017. Nakuha noong 12 Disyembre 2017.
  22. "Foreign national population in Korea up more than 40% in 5 yrs". Maeil Business News Korea. 8 Setyembre 2016. Inarkibo mula sa orihinal noong 25 Enero 2021. Nakuha noong 10 Mayo 2018.
  23. "Chinese living in Kingdom more than doubles since '17" (sa Ingles). 2018-09-14. Inarkibo mula sa orihinal noong 15 Setyembre 2018. Nakuha noong 2018-09-15.
  24. "Argentina-China Relations Archives" (sa Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 14 Disyembre 2021. Nakuha noong 3 Setyembre 2021.
  25. "Chinese Argentines and the Pace of Cultural Integration" (sa Ingles). 26 Hulyo 2011. Inarkibo mula sa orihinal noong 14 Disyembre 2021. Nakuha noong 3 Setyembre 2021.
  26. "Cifras de Población a 1 de enero de 2016 : Estadística de Migraciones 2015 : Adquisiciones de Nacionalidad Española de Residentes 2015" (PDF). Ine.es (sa Ingles). Inarkibo (PDF) mula sa orihinal noong 2 Marso 2019. Nakuha noong 2017-12-12.
  27. "Chinese-Mexicans celebrate repatriation to Mexico". The San Diego Union-Tribune (sa Ingles). Nobyembre 23, 2012. Inarkibo mula sa orihinal noong 26 Pebrero 2021. Nakuha noong 2017-08-20.
  28. "Population by Religion, Sex and Census Year" (sa Ingles).
  29. "Национальный состав населения по субъектам Российской Федерации" (sa Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 6 Agosto 2012. Nakuha noong Abril 5, 2020.
  30. Gómez, Diana A.; Díaz, Luz M.; Gómez, Diana A.; Díaz, Luz M. (2016). "Las organizaciones chinas en Colombia". Migración y desarrollo (sa Ingles). 14 (26): 75–110. doi:10.35533/myd.1426.dag.lmd. ISSN 1870-7599.
  31. "X Censo Nacional de Población y VI de Vivienda 2011, Características Sociales y Demográficas" (PDF). National Institute of Statistics and Census of Costa Rica (sa Ingles). Hulyo 2012. p. 61. Inarkibo (PDF) mula sa orihinal noong 19 Hunyo 2018. Nakuha noong 2016-09-22. Cuadro 23. Costa Rica: Población total por autoidentificación étnica-racial, según provincia, zona y sexo. Chino(a) 9,170
  32. [1] Naka-arkibo October 16, 2012[Date mismatch], sa Wayback Machine.
  33. 2010 Chinese Spiritual Life Survey conducted by Dr. Yang Fenggang, Purdue University's Center on Religion and Chinese Society. Statistics published in: Katharina Wenzel-Teuber, David Strait. People's Republic of China: Religions and Churches Statistical Overview 2011 Naka-arkibo 2016-03-03[Date mismatch] sa Wayback Machine.. Religions & Christianity in Today's China, Vol. II, 2012, No. 3, pp. 29–54, ISSN 2192-9289 (sa Ingles).
  34. Zhang, Feng; Su, Bing; Zhang, Ya-ping; Jin, Li (22 Pebrero 2007). "Genetic Studies of Human Diversity in East Asia". Philosophical Transactions of the Royal Society B: Biological Sciences (sa Ingles). 362 (1482): 987–996. doi:10.1098/rstb.2007.2028. PMC 2435565. PMID 17317646.
  35. Zhao, Yong-Bin; Zhang, Ye; Zhang, Quan-Chao; Li, Hong-Jie; Cui, Ying-Qiu; Xu, Zhi; Jin, Li; Zhou, Hui; Zhu, Hong (2015). "Ancient DNA Reveals That the Genetic Structure of the Northern Han Chinese Was Shaped Prior to three-thousand Years Ago". PLoS ONE (sa Ingles). 10 (5): e0125676. Bibcode:2015PLoSO..1025676Z. doi:10.1371/journal.pone.0125676. PMC 4418768. PMID 25938511.
  36. 中華民國國情簡介 [ROC Vital Information]. Executive Yuan (sa Tsino). 2016. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 18 Pebrero 2017. Nakuha noong 23 Agosto 2016. 臺灣住民以漢人為最大族群,約占總人口97%
  37. Executive Yuan (2014). The Republic of China Yearbook 2014 (PDF) (sa Ingles). p. 36. ISBN 978-986-04-2302-0. Inarkibo (PDF) mula sa orihinal noong 20 Agosto 2017. Nakuha noong 11 Hunyo 2016.
  38. "Home" (PDF). Inarkibo mula sa ang orihinal (PDF) noong 16 Pebrero 2016. Nakuha noong 14 Pebrero 2016.
  39. Minahan, James B. (2015). Ethnic Groups of North, East, and Central Asia: An Encyclopedia (sa Ingles). ABC-CLIO. pp. 89–90. ISBN 978-1-61069-017-1.
  40. 40.0 40.1 Schliesinger, Joachim (2016). Origin of Man in Southeast Asia 2: Early Dominant Peoples of the Mainland Region (sa Ingles). Booksmango. pp. 13–14.
  41. Liu, Hong (2017). Chinese Business: Landscapes and Strategies (sa Ingles). Routledge. p. 34. ISBN 978-1-138-91825-2.
  42. 42.0 42.1 42.2 Wilkinson, Endymion Porter (2015). Chinese History: A New Manual (sa Ingles). Harvard University Asia Center. p. 709. ISBN 978-0-674-08846-7.
  43. Yuan, Haiwang (2006). The Magic Lotus Lantern and Other Tales from the Han Chinesen. Libraries Unlimited. p. 6. ISBN 978-1-59158-294-6.
  44. 44.0 44.1 Perkins, Dorothy (1998). Encyclopedia of China: History and Culture (sa Ingles). Checkmark Books. p. 202. ISBN 978-0-8160-2693-7.
  45. Schliesinger, Joachim (2016). Origin of Man in Southeast Asia 2: Early Dominant Peoples of the Mainland Region (sa Ingles). Booksmango. p. 14.
  46. Holcombe, Charles (2017). A History of East Asia: From the Origins of Civilization to the Twenty-First Century (sa Ingles) (2nd pat.). Cambridge University Press. p. 49. ISBN 978-1-10754489-5.
  47. Chang, Hui-Ching; Holt, Richard (20 Nobyembre 2014). Language, Politics and Identity in Taiwan: Naming China (sa Ingles). Routledge. pp. 162–64. ISBN 978-1-135-04635-4. Inarkibo mula sa orihinal noong 9 Marso 2021. Nakuha noong 12 Oktubre 2018.
  48. Sheng Lijun (2002). China and Taiwan: Cross-strait Relations Under Chen Shui-bian (sa Ingles). Institute of Southeast Asian Studies. p. 53. ISBN 978-981-230-110-9. Inarkibo mula sa orihinal noong 8 Marso 2021. Nakuha noong 12 Oktubre 2018.
  49. Karl Hack; Kevin Blackburn (2012). War Memory and the Making of Modern Malaysia and Singapore (sa Ingles). NUS Press. p. 96. ISBN 978-9971-69-599-6. Inarkibo mula sa orihinal noong 8 Marso 2021. Nakuha noong 12 Oktubre 2018.
  50. Schliesinger, Joachim (2016). Origin of Man in Southeast Asia 2: Early Dominant Peoples of the Mainland Region. Booksmango. pp. 10–17.
  51. 51.0 51.1 Dingming, Wu (2014). A Panoramic View of Chinese Culture. Simon & Schuster.
  52. Minahan, James B. (2015). Ethnic Groups of North, East, and Central Asia: An Encyclopedia (sa Ingles). ABC-CLIO. p. 91. ISBN 978-1-61069-017-1.
  53. Cohen, Warren I. (2000). East Asia At The Center: Four Thousand Years of Engagement With The World (sa Ingles). Columbia University Press. p. 59.
  54. 54.0 54.1 Minahan, James B. (2015). Ethnic Groups of North, East, and Central Asia: An Encyclopedia (sa Ingles). ABC-CLIO. p. 92. ISBN 978-1-61069-017-1.
  55. Walker, Hugh Dyson (2012). East Asia: A New History. AuthorHouse. p. 119.
  56. Kang, David C. (2012). East Asia Before the West: Five Centuries of Trade and Tribute (sa Ingles). Columbia University Press. pp. 33–34. ISBN 978-0-231-15319-5.
  57. Tanner, Harold Miles (2010). China: A History: From the Great Qing Empire through the People's Republic of China, 1644–2009 (sa Ingles). Hackett Pub Co. p. 83. ISBN 978-1-60384-204-4.
  58. Ueda, Reed (2017). America's Changing Neighborhoods: An Exploration of Diversity through Places (sa Ingles). Greenwood. p. 403. ISBN 978-1-4408-2864-5.
  59. 59.0 59.1 Eno, R. The Han Dynasty (206 B.C. – A.D. 220) (PDF) (sa Ingles). Indiana University Press. p. 1. Inarkibo mula sa ang orihinal (PDF) noong 11 Hulyo 2019. Nakuha noong 22 Enero 2018.
  60. Li, Xiaobing (2012). China at War: An Encyclopedia: An Encyclopedia (sa Ingles). Pentagon Press (nilathala 30 Hunyo 2012). p. 155. ISBN 978-81-8274-611-4.
  61. Schaefer (2008), p. 279.