Pumunta sa nilalaman

Yang di-Pertuan Agong

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Yang di-Pertuan Agong ng Malaysia
Pederal
Nanunungkulan
Ibrahim
since 31 Enero 2024
Sultan ng Johor
Detalye
EstiloKaniyang Kamahalan
Unang monarkoTuanku Abdul Rahman
ng Negeri Sembilan
ItinatagAgosto 31, 1957
TahananIstana Negara, Kuala Lumpur
Websitewww.parlimen.gov.my/agong

Ang Yang di-Pertuan Agong (Jawi: يڠ دڤرتوان اݢوڠ) ay ang puno ng estado (hari) ng Malaysia. Itinatag ang tanggapan noong 1957 nang matamo ng Pederasyon ng Malaya (ngayo'y Malaysia) ang kasarinlan nito mula sa United Kingdom. Ang Malaysia ay isang monarkiyang konstitusyonal na may halal na monarko bilang puno ng estado. Ang Yang di-Pertuan Agong ay isa sa iilan lamang halal na monarko sa buong mundo. Ang konsorte ng Yang di-Pertuan Agong ay tinatawag na Raja Permaisuri Agong.

Sa Malaysia, binibigyan ng malawak na kapangyarihan ng konstitusyon ang Yang di-Pertuan Agong. Tinutukoy sa konstitusyon, na ang kapangyarihang tagapagpaganap ng pamahalaang pederal ay nakasalalay sa Yang di-Pertuan Agong na kaniya namang ginagampanan sa payo ng pederal na Council of Ministers. Pinamumunuan ang sanggunian ng Punong Ministro na hinihirang ng Yang di-Pertuan Agong mula sa mga halal na kagawad ng Parlamento. May diskresyonaryong kapangyarihan ang Yang di-Pertuan Agong na pumili ng Punong Ministro na kaniyang napupusuan at hindi siya nakatali sa desisyon ng bababang punong ministro kung walang partidong makakakuha ng mayoryang boto (Artikulo 40). Gayumpaman, wala siyang kapangyarihang tanggalin ang isang punong ministro. Maaari din niyang isantabi o di-pagbigyan ang kahilingan na buwagin ang Parlamento (Artikulo 40).[1] Maaari niyang ipatigil o buwagin ang Parlamento (Artikulo 55), ngunit ang pagbubuwag ng Parlamento ay maaari lang niyang maisagawa kung ito'y hinihiling ng Punong Ministro (Artikulo 43). Maaari niyang tanggihan ang ano mang bagong batas o mga susog sa mga dati nang batas, subalit kung hindi pa rin niya ipagkakaloob ang kaniyang pahintulot, magiging batas na ito 30 araw makaraang ihain ito sa kaniya (Artikulo 66).[2]

Ang ika-14 at kasalukuyang Yang di-Pertuan Agong ay si Sultan Abdul Halim ng Kedah. Nagsimula ang kaniyang paghahari mula Disyembre 13, 2011 matapos mahalal ng Conference of Rulers. Siya ang kauna-unahang pinunong dalawang ulit na nahalal sa katungkulan. Una na siyang naging Yang di-Pertuan Agong mula 1970 hanggang 1975, at pinakamatandang nahalal sa katungkulan sa gulang na 83.[3] Isinagawa ang pagluklok sa bagong Yang di-Pertuan Agong noong Abril 11, 2012 sa bagong Istana Negara at Jalan Duta.

Ang buong titulo sa Malay ng Yang di-Pertuan Agong ay Kebawah Duli Yang Maha Mulia Seri Paduka Baginda Yang di-Pertuan Agong (transliterasyon: "Ang Kaniyang Kamahalan, Siyang ginawang Kataas-taasang Panginoon (ng Pederasyon)".

Opisyal na ginagamit ng pamahalaan ng Malaysia ang titulong "Ang Kataas-taasang Puno ng Malaysia" bilang pagtukoy sa puno ng estado ng bansa.

Talaan ng mga Yang di-Pertuan Agong

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang mga sumusunod ay ang mga nanungkulan at kasalukuyang Yang di-Pertuan Agong:

Blg.PangalanEstadoPaghahariKapanganakanKamatayan
1Tuanku Abdul RahmanNegeri Sembilan Negeri SembilanAgosto 31, 1957 – Abril 1, 1960 Agosto 24, 1895Abril 1, 1960 (edad 64)
2Sultan Hisamuddin Alam ShahSelangor SelangorAbril 14, 1960 – Setyembre 1, 1960Mayo 13, 1898Setyembre 1, 1960 (edad 62)
3Rajah Syed PutraPerlis PerlisSetyembre 21, 1960 – Setyembre 20, 1965Nobyembre 25, 1920Abril 16, 2000 (edad 79)
4Sultan Ismail Nasiruddin ShahTerengganu TerengganuSetyembre 21, 1965 – Setyembre 20, 1970Enero 24, 1907Setyembre 20, 1979 (edad 72)
5Tuanku Abdul Halim Muadzam ShahKedah KedahSetyembre 21, 1970  – Setyembre 20, 197528 Nobyembre 1927 (98 taong gulang)Setyembre 11, 2017

(edad 89)

6Sultan Yahya PetraKelantan KelantanSetyembre 21, 1975 – Marso 29, 1979Disyembre 10, 1917Marso 29, 1979 (edad 61)
7Sultan Haji Ahmad Shah Al-Mustain BillahPahang PahangAbril 26, 1979 – Abril 25, 198424 Oktubre 1930 (95 taong gulang)Mayo 22, 2019

(edad 88)

8Sultan IskandarJohor JohorAbril 26, 1984 – Abril 25, 1989Abril 8, 1932Enero 22, 2010 (edad 77)
9Sultan Azlan Muhibbuddin ShahPerak PerakAbril 26, 1989 – Abril 25, 1994Abril 19, 1928Mayo 28, 2014 (edad 86)
10Tuanku JaafarNegeri Sembilan Negeri SembilanAbril 26, 1994 – Abril 25, 1999Hulyo 19, 1922Disyembre 27, 2008 (edad 86)
11Sultan Salahuddin Abdul Aziz ShahSelangor SelangorAbril 26, 1999 – Nobyembre 21, 2001Marso 8, 1926Nobyembre 21, 2001 (edad 75)
12Rajah Syed SirajuddinPerlis PerlisDisyembre 13, 2001 – Disyembre 12, 200617 Mayo 1943 (83 taong gulang)
13Sultan Mizan Zainal AbidinTerengganu TerengganuDisyembre 13, 2006 – Disyembre 12, 201122 Enero 1962 (64 taong gulang)
14Tuanku Abdul Halim Muadzam ShahKedah KedahDisyembre 13, 2011 – Disyembre 12, 201628 Nobyembre 192711 Setyembre 2017(2017-09-11) (89 taong gulang) 
15Muhammad V ng Kelantan KelantanDisyembre 13, 2016 – Enero 6, 20196 Oktubre 1969 (57 taong gulang)
16Al-Sultan Abdullah PahangEnero 31, 2019 – Enero 30, 20246 Oktubre 1959 (67 taong gulang)
17Sultan Ibrahim Iskandar JohorEnero 31, 2024 – Kasalukuyan6 Oktubre 1958 (68 taong gulang)

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. ↑ "Powers of the King" (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-12-19. Nakuha noong 2015-11-25.
  2. ↑ "Constitutional Crisis, Crisis of 1983" (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2019-08-16. Nakuha noong 2015-11-25.
  3. ↑ "Sultan of Kedah to be next Yang di-Pertuan Agong, for second time". The Malaysian Insider (sa wikang Ingles). Oktubre 14, 2011. Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-10-14. Nakuha noong Oktubre 14, 2011.