Pumunta sa nilalaman

Adam Smith

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Adam Smith
PanahonKlasikong ekonomika
(Makabagong ekonomika)
RehiyonKanluraning Ekonomista
Eskwela ng pilosopiyaKlasikong ekonomika
Mga pangunahing interesPolitical na pilosopiya, etika, ekonomika
Mga kilalang ideyaKlasikong ekonomika,
makabagong malayang merkado,
dibisyon ng paggawa,
ang "invisible hand"

Si Adam Smith (bininyagan 16 Hunyo 1723 – 17 Hulyo 1790 [OS: 5 Hunyo 1723 – 17 Hulyo 1790]) ay isang Eskoses na pilosopong moral at ang nagpasimuno ng pampolitika na ekonomiya. Isa sa mga pigura sa intelektuwal na kilusang Scottish Enlightenment (Paliwanag ng mga Eskoses), pangunahing kilala siya bilang ang may-akda ng dalawang kasunduan: The Theory of Moral Sentiments (Ang Teoriya ng Moral na mga Damdamin) (1759), at An Inquiry into the Nature and Causes of the Wealth of Nations (Isang Pag-usisa sa Kalikasan at Sanhi ng Yaman ng mga Bansa), mas kilala bilang The Wealth of Nations (Ang Yaman ng mga Bansa) (1776). Kilala din si Smith sa kanyang pagpapaliwanag ng kung papaano ang makatuwirang pagkamakasarili at kompetisiyon, na gumagana sa isang kayariang panlipunan na naninindigan sa moral na katungkulan, ay maaaring magbunga ng kabutihan at kaunlaran sa ekonomiya. Nakatulong ang kanyang mga gawa na lumikha ng makabagong pang-akademyang disiplina ng ekonomika at isa sa mga kilalang mga katuwiran sa malayang kalakalan. Malawakan siyang kilala bilang "ama ng ekonomika".[1]

Pumasok si Smith sa University of Glasgow (Pamantasan ng Glasgow) sa gulang na labing-apat at nag-aral ng pilosopiyang moral sa ilalim ni Francis Hutcheson, na naging daan upang mahubog ang kanyang pasyon sa libertad, katuwiran, at malayang pamamahayag. Noong 1740, umalis si Smith sa University of Glasgow upang pumasok sa Balliol College, Oxford.

Magnum opus ni Smith ang The Wealth of Nations, at tinuturing ito bilang isa sa mga pinakamaimpluwensiyang aklat na nasulat.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Mattick, Paul (2001-07-08). "Who Is the Real Adam Smith?". The New York Times. Nakuha noong 2008-05-14.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)


TalambuhayEskosya Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay at Eskosya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.